♥Chapter 34♥: The Confession

7.7K 251 48
                                    

D.O’s POV

Natulak ko na siya agad palayo bago pa magdampi ang mga labi namin.

“Ah! S-Sorry! May lamok kasi!” puta, ganda ng palusot natin ah. Aanhin ng lamok ang damit ni Sehun?

“Pfft, ang cute mo talaga. Sige na tatawagan ko na lang si boss.”

“Wag na! Ano kasi… may pupuntahan pa ko. Tama! Ano… mamamalengke pa ko, puro na kasi manok yung nandun sa ref.” please naman gumana ka.

“Ganun ba? Sige, ingat.” Hinimas muna niya ang ulo ko bago umalis.

Hay, hinawakan ko ang labi ko… balak ba niya talaga akong halikan? Hindi naman siguro…

Mag iisip na ko ng palusot ngayon pa lang baka masermonan nanaman ako nung charcoal sa bahay.

Sehun’s POV

Papasok na sana ako ng kotse ko ng may humigit sa braso ko.

“Ano nanaman ba ang gusto mo… hyung?”

“Tapatin mo nga ko, hindi mo na ba talaga ako mahal?” tanong sakin ni Luhan.

“Diba sinagot ko na yan kahapon? Gusto mo talagang ulitin ko pa?”

“Hindi ko masasabi na totoo yang sinabi mo hangga’t hindi mo inuulit habang nakatingin lang sa mga mata ko.”

Yun ba ang gusto niya? Hah, kala mo hindi ko magagawa?

“Hindi na kita mahal, hindi na kita gusto simula ng iwan mo ko. Ano masaya ka na?” kaya kong… makipagplastikan.

“… Mamili ka ako o si Kyungsoo.” Ha?

“Pagkatapos mong piliin ang trabaho mo kesa sakin aasa ka pang ikaw pipiliin ko?” poker face lang ako habang sinasabi yan.

Nakita kong nanlumo ang mukha niya... shit, ang sakit...

“Sehun… please… come back to me… Lahat gagawin ko… please…” nakita kong papatak na luha niya kaya agad kong hinawakan ang gilid ng mata niya para punasan yun.

Love Slave♥ (Kaisoo)Where stories live. Discover now