♥Chapter 42♥: Commitment ring

6.1K 244 34
                                    

Hindi ko siya sinagot at agad na tinawagan si Jongin para puntahan ako buti na lang hindi niya napansin.

Wala namang limang minuto at nakita ko na siya tumatakbo kung nasan ako at binuksan yung pinto.

Eksaktong pagkabukas niya nun niyakap ko kaagad siya.

"Wha- Anong ginawa mo?!" humawak siya agad sa pinto nung backseat dahil kapag hindi niya ginawa yun tumba agad kami sa semento.

"Luh? Wala naman akong ginagawa sa kanya gusto ko lang naman makipagkwentuhan." Natatawa pa siya.

"Ba't ka ba natatakot sa kanya? Kaibigan natin yan dati." Nginitian niya ko pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagyakap sa kanya.

"Baka naman kasi tinakot mo! Malalim pa naman yang boses mo." Hinimas himas niya ang likod ko para kumalma naman ako kahit papaano.

"Ako pa talaga sinisi, makaalis na nga. Akala ko pa naman makakapagkwento na yang si Kyungin tungkol sa nangyare sa kanya." Pagkasabi niya nun lumabas na siya nung kotse.

"Oh ayan wala na siya." Nakayakap parin ako sa kanya.

Gusto ko sanang kumalma pero ang sama parin ng pakiramdam ko, yung tipo na feeling ko may gagawin siyang masama sa isa sa mga taong mahalaga sakin.

Sina Jongin at Chanyeol lang naman ang importante sa buhay ko...

Ang tanong sino sa kanilang dalawa?

Sehun's POV

Kalmado akong nagtratrabaho ng biglang pumasok si Kris at mukhang pawisan.

"Oh, may nangyare ba?"

"Mukhang narinig ata tayo ni Kyungsoo." Mahingal hingal niyang sagot sakin at napatingin agad ako sa kanya.

"Ano?!" nadabog ko ang mga hawak kong papel sa lamesa.

"Ikaw kasi eh! Maguusap na nga lang ng isang confidential na sikreto sa lugar pa kung san maraming makakarinig." Halatang kinakabahan siya.

"Papano na yan? Alam niya ba kung sino yung tinutukoy mo?"

"Mukhang hindi niya narinig ang parte na yun." Kumalma ako sa sinabi niya.

"Mabuti naman kung ganun, ibig sabihin tuloy parin ang plano." Tumayo ako para umalis.

"Pero... about sa papatayin... kung wag na lang kaya? Siguradong masasaktan si Kyungsoo kapag ginawa natin yun." Napahinto ako sa paglalakad.

Bahala na...

D.O's POV

Tinignan ko lang siya na may kinuhang maliit na box at bumalik agad sa kama namin.

"Ay, pasok agad? Wala man lang tanong na will you marry me?" nakatitig lang ako sa kanya kung papano niya ipinasok yung singsing sa ring finger ko.

"Commitment ring pa lang yan, wag kang mag alala darating rin tayo dun." Pinakita niya sakin yung kanya, ah yun pala yun.

"Eh bakit mo ko binigyan nito?" ang ganda naman, mahal kaya to?

"Patunay na akin ka at akin lang. Tsaka para narin malaman ng mga gustong tumira sayo na pag mamay ari na kita, ayaw mo nun hindi ka na mag aalala na may mangrape pa sayo dahil panigurado bugbog abot nila sakin." Niyakap niya ko, sa tuwing gagawin niya to feeling ko safe na safe ako.

"Napakaposseive talaga nitong hubby ko." Actually kinilig ako.

"Of course wifey." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Wifey?"

"Kasi Hubby tawag mo sakin kaya Wifey tawag ko sayo, para terno." Dami nitong alam.

"Sige na nga, goodnight Hubby." Sabi ko at hinalikan siyang mabilis sa labi.

"Goodnight wifey." At ginantihan naman niya ko ng mapusok na halik.

***

Nasa kompanya ako ni Hubby pero hindi niya alam, surprise visit kumbaga.

Babatiin ko sana ng goodmornong sina manong guard ng mapaisip ako. Kung asawa ako ng isang CEO kailangan seryoso ako.

"Goodmorning po." Bati nila sakin pero deretso lang ako pagpasok at hindi sila pinansin.

Kunyari daw masungit din dahil kailangan, masungit ang asawa ko kaya dapat ako rin. Habang nagmamasid ako natsempuhan ko ang isang sexy na babae na busyng busy sa ginagawa niya.

"Hoy, ikaw ba yung bagong sekretarya ng CEO dito?" tanong ko, infernes may itsura. Pero mas maganda parin ako.

"Oo ako nga, bakit?" sagot niya habang may inaasikaso sa drawer niya.

"Good, cause you're fired." Nagulat siya sa sinabi ko at kumunot ang kanyang noo.

"Teka sino ka ba?" aba may gana pa tong magtaray sakin.

"Ako lang naman ang asawa ng boss mo, kita mo to." Pinakita ko ang napakaganda kong kamay na may nakasuot na kumikinang na singsing sa ring finger ko.

Halatang nashock ang gaga at tumungo para humingi ng tawad.

"Alam mo na ang posisyon mo? Pwes pwede ka ng umalis."

"T-Teka muna! Ano po bang nagawa ko?" maluha luha niyang tanong sakin.

"Wala, trip ko lang." lakas ng trip ko no, kakapasok ko lang basta basta mag fifired.

Pagkatapos nun ako ang unang umalis dahil baka magkaiyakan pa. Nang mapansin kong malayo na ko sa kanya napahawak ako sa dibdib ko.

Galing kong umacting shit! Hayop! Okay, gogora na ko.

Habang naglalakad ako sa hallway rinig ko ang bulungan ng mga echoserang palaka na ang bad ko daw... sabagay, ginagaya ko lang naman kasi si hubby. Masama bang gayahin ang asawa ko?

"Anong binubulong bulong niyo diyan? Gusto niyo kayo sumunod sa kanya?" nakapamewang na sigaw ko sa kanila at agad naman silang nagsilalisan.

Feeling ko nagiging Baekhyun na rin ako... asan na nga pala yun? Namiss ko na pagtataray niya sakin.

Pagkapasok ko ng opisina ng asawa ko nakita ko mukhang seryoso ang pag uusap nilang dalawa ni Luhan ni hindi nga ako napansin pumasok.

"Sigurado ka?" may paghahalong pag kagulat sa boses ng hubby ko.

"Totoo ang sinabi ko si-" napatigil siya dahil napansin na ko ni Kai.

"Oh wifey anong ginagawa mo dito?" tatayo na sana siya para pumunta sakin ng unahan siya ni Luhan.

"I'll take my leave nagawa ko na trabaho ko, goodbye sir." Tumungo siya bilang pag galang at naglakad sa direksyon ko dahil kalapit ko lang yung pinto.

Pero bago siya tuluyang makaalis sa kwarto, tumigil muna siya sa gilid ko at bumulong.

"Be careful, the one you trust is the one who'll hurt you the most." Isang makabuluhang salita ang sinabi sakin ni Luhan bago siya umalis.

Napatingin ako kay Jongin.

Sino kaya yung tinutukoy niya?

A/N: wooh! Singit lang coming soon My Baddass Boyfriend (HunHan) & The Killer (Kaisoo) galing ko talaga sumegwey! HAHA

Love Slave♥ (Kaisoo)Where stories live. Discover now