♥Chapter 43♥: Isa kang traydor...

5.5K 230 22
                                    

“Hubby ano yung pinag usapan niyo?” deretsahang tanong ko sa magiging asawa ko.

“Ah.. ano…” nakikita ko sa mga mata niya na gusto niyang iwasan ang tanong ko.

“Magsabi ka ng totoo.” Pumunta ako sa harap niya at pinakita na seryoso ako.

“S-Sinabi lang niya kung sino yung gumagawa nito satin.” Mahina lang ang boses niya pero nasa harap naman ako kaya rinig ko parin.

“Ginawa? Anong ginawa? Sino?” sunod sunod na tanong ko sa kanya.

“Yung alam mo na? Kung sino nangkikidnap sayo at nagtangkang gahasain ka. Ngayon nga mukhang may plano ulit sila.” Pumikit ako at nagbuntong hininga, nastrestress ako.

“Bakit mo sakin sinekreto to?! Akala ko tapos na, yun pala tuloy pa rin… kung sana sinabi mo sakin to eh di sana natulungan kita hindi yung humingi ka pa ng tulong sa iba.” Hindi naman talaga ako galit dahil nag sikreto siya nagalit ako kasi mas pinili pa niya si Luhan kesa sakin.

“Ayaw ko lang naman na madamay ka.”

“Eh nadamay na nga ako.”

“Look, ang gusto ko lang naman ay ligtas ka. Ayaw kong nahihirapan ka, naiintindihan mo ba ko?” hinawakan niya ko sa magkabilang braso.

“Eh para san pa at naging asawa mo ko kung sa sitwasyon na to ay ikaw lang nagpapakahirap, diba isa sa mga katangian ng mag asawa yun ang magtulungan?” gulat kayo no alam ko? Syempre nag research ako tungkol diyan.

Nginitian niya ko at tumayo para halikan.

“I promise no one, you hear me? No one will touch nor kill you hangga’t nabubuhay pa ko.” Napanatag ako sa sinabi niya gusto ko sana siyang yakapin kaso malaking harang tong lamesa.

“Pero teka, sino muna yung taong yun?” clueless akong nakatitig sa kanya at eto nanaman yung itsura niyang ayaw sabihin sakin ang totoo.

“Si…”

Luhan's POV

Andito ako sa isang malapit na bar sa pinagtratrabahuan ko at umiinom.

Ayaw ko sana sabihin ang totoo... kaso para matapos na to.

Naalala ko pa ang pangako sakin ni Jongin bago ko pa gawin ang inuutos niya.

Nangako siya sakin na hinding hindi na niya kami guguluhin ni Sehun...

Pero mukhang too late na para sa pangakong yun... dahil may mahal na siyang iba.

May pag asa pa kayang mahalin niya ulit ako?

Sehun’s POV

Palabas na sana ako sa opisina ko ng biglang pumasok si Kyungsoo na mukhang galit na galit.

Babatiin ko sana siya kaso bigla niya kong kwinelyuhan nang siyang kinagulat ko.

“Traydor ka!! Sinungaling!!” mga salita na binitawan niya sakin.

“H-Ha?” shit… mukhang alam na niya… p-pero papano?

“Akala ko mabait kang tao! Tinuring pa naman kitang kaibigan! Yun pala…” gusto niya kong buhatin kaso hindi niya ko kaya.

“Kyungsoo…” binitawan niya ko.

“Ano? Wala kang masabi no? Tang ina, ang galing mo. Ang galing galing mo. Napabilib mo ko.” Sarcastic na tugon niya sakin na may halong pagkasuklam sa mukha niya.

“May dahilan sa mga pinag gagagawa ko sayo.” Wala sa sarili kong sinagot siya.

“Hah, patawa ka eh no may dahilan? Sige nga anong dahilan bakit mo ko kinidnap nung una? Gusto mo ng pera? Eh mukha ka namang mayaman, yung time na may nagsend kay Jongin na hubo’t hubad ako at yung tumawag sa kanya na dahilan para matakot ako, ikaw may pakana nun diba? Wag mong sabihin trip mo lang yun?"

"Ah, meron pa pala. Ikaw yung tumulong kay Siwon para makadekwat ng pera sa kompanya at dahilan kaya bumababa yung shares nito."

Hinayaan ko lang siya magsalita kahit alam kong naasar na ko kasi may karapatan naman siya para pagsabihan ako.

“Hindi mo ko maiintindihan kahit sinabi ko ang rason, dahil hindi mo pa naman nararanasan ang naranasan ko na.” mahirap magtanim ng galit.

Nilagpasan ko siya at naglakad palayo.

“Ayaw na kitang makita pa.” yan ang narinig ko sa kanya bago ko buksan ang pinto.

“Gusto ko lang sabihin sayo na… hindi ako ang tunay na kalaban niyo.” Yan ang mga huling kataga na sinabi ko sa kanya at tuluyang lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ng kwarto agad kong sinuntok yung pader na nakita ko.

Dahil alam na ni Kyungsoo na ako ang may pakana ng pangkikidnap sa kanya…

Panigurado… makikigulo na siya.

Love Slave♥ (Kaisoo)Where stories live. Discover now