♥Chapter 29♥: Karibal nanaman?!

9.1K 270 63
                                    

D.O’s POV

 

Halos apat na araw rin kami dito sa bahay nila… kaso sad to say aalis na kami ngayon dahil sa isang party daw kuno ng company at yung iba pang sikat o kilala na CEO at nandun din daw yung anak ng sponsor nila tonight.

“Ano ka joke? Yan ang isusuot mo mamayang gabi?” natatawang tanong sakin ni Jongin na kanina pa pala ako pinagmamasdan.

“Ano namang masama sa pantalon at t shirt na black? Party lang diba? Bakit may ikakasal?” kinuha niya yung mga hawak kong damit at tinapon kung san san.

“Bibili tayo ng bago.”

“Whoa talaga?! Saan? Sa tsangge ba? Maraming mura dun! Pwede pa tayong magtawad.” Nakangiti ako habang siya takang taka sa mga pinagsasabi ko.

“What the hell are you talking about? I’ve never heard of that place before. Sang lupalop ng mundo yang sinasabi mo?” tsk, nakalimutan ko nga pala… mayaman at igno tong kasama ko.

“Sa mall namin tayo bibili kaya tara na.” hinila niya ko palabas nung kwarto.

“Aalis na kayo? Ang bilis naman.” Nakasalubong namin si Lay.

“Talaga? Mabuti naman. Wag ka ng babalik ha?” sabi ni Suho kay Jongin.

“Tsk, as you wish.” Sabi ni Jongin at nagpatuloy sa paglakad.

“Kyungsoo! Yung sinabi ko sayo ha.” Nagwink siya sakin at naintindihan ko naman yun.

“Ano yun? May tinatago ka na ba ha?”

“Wala lang yun.” Nginitian ko lang siya.

Hinding hindi ko to papabayaan.

 

 

Siwon’s POV

I think I’ve arrived on time, kababa ko lang ng kotse nagsitilian na agad ang mga babae dito. Hirap talaga kapag gwapo.

“Oh my gosh!! Si papa Siwon oh!”

“Yung mayamang papalu ng isang kilala na kompanya sa China? Grabe tangkad pala niya, nagmamacho dancer ata itey.”

Love Slave♥ (Kaisoo)Where stories live. Discover now