♥Chapter 38♥: He's really back?

6.8K 250 61
                                    

Hindi ko namalayan ang sarili kong naglalakad na pala sa direksyon niya.

Parang feeling ko may fun run sa puso ko, ang bilis ng pagtibok.

Konti na lang… mahahawakan ko na ulit siya… pero…

Bakit ganun, kung kelan sumuko na ako na hindi ko na siya mahahanap… tsaka pa siya dumating.

“K-Kyungin…??” gusto kong makasigurado na siya nga ang inaakala ko.

Nagulat siya sa pagkakatawag ko at nilingon ako.

Jongin.” Isang matamis na ngiti ang binungad niya sakin.

Oh shit, how I miss this smile… pero bakit hindi niya ko tinawag sa nickname ko?

“Ang tangkad mo na, hindi ko inaasahan na matatangkaran mo pala ko.” Sabi niya habang tumitingkayad para tignan kung gaano ba talaga ang itanaas ko.

Hahawakan ko na sana ang kamay niya ng bigla siyang lumayo ng bahagya.

“Oh, malalate na pala ako. Babye Jongin.” Pagpapaalam niya.

“Kyungin! Kelan kita pwedeng makita ulit?” tanong ko at mabuti naman na lumingon siya. Namiss ko talaga ang pagtawag sa kanya.

“Kahit kelan mo gusto.” Muli siyang ngumiti at nagpatuloy sa paglalakad.

Maraming tanong ang nasa utak ko ngayon, pero hindi ko magawang magsalita. Ang tanging nagawa ko lang ay tignan siya palayo sakin.

Gusto ko siyang yakapin, pero mukhang ayaw niya kong hawakan siya.

“Shit!! Si Kyungsoo!!!” mabilis akong tumakbo papuntang bahay kung san ko siya iniwan.

Nawala ang kaba ko ng makita ko siyang nakaupo sa labas.

“San ka ba nanggaling?” tanong niya agad.

“Ah, Kyungsoo… dito ka muna. May aayusin lang ako.”

“Tang ina mo! Pinahirapan mo pa kong mag empake tapos sasabihin mo yan! Lakas mong mantrip.” Inirapan niya ko at nagpapakahirap na buhatin yung bagahe niya kaya kinuha ko.

Love Slave♥ (Kaisoo)Where stories live. Discover now