♥Chapter 25♥: Patikim pa lang yan

9.1K 274 46
                                    

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto pero grande ang design. Mayayaman pala ang mga kidnapper ko.

Tatayo sana ako ng namalayan kong nakatali pala ko.

Teka… bago ako nawalan ng malay narinig ko ang boses ni Sehun… Pero imposibleng gawin niya sakin to.

Baka siguro kamukha lang niya… oo tama kamukha lang niya siguro-

“Gising na ba siya?” may narinig akong nag-uusap malapit sa pinto.

“Siguro, utos ni boss lahat daw gawin natin.” Sabi nung isa at narinig kong sinara niya yung pinto.

A-Anong gagawin nila sakin??!

 

 

Kai’s POV

Lumabas na ko at paalis ng may nakapukaw ng pansin ko.

Isang envelope na nakalagay sa lapag, syempre curiosity kills pero pinulot ko parin.

A-Ano to?? Pagkabukas ko isang picture ni D.O na hubo’t hubad na may mga pasang nakabaon sa maseselang parte ng katawan niya.

Sinong gagong gagawa nito sa kanya?! Nanggigigil kong hinawakan yung picture.

Pero nawala yung kaba at galit ko ng makita ko si Kyungsoo naglalakad papunta sa bahay ko.

“Oh, Jongin anong ginagawa mo sa labas?” inosente niyang tanong.

Nilapitan ko kaagad siya at tinaas ng bahagya yung t shirt niya. Pagkatingin ko wala namang galos. Nakakapagtaka naman...

“U-Ui!! Maaga pa tsaka nasa labas tayo, pwede namang sa loob-“

“Saan ka pa nanggaling? 4:31 na. Ang sabi mo makikipag kita ka lang sa kaibigan mo.” masungit yung tono ko pero ang totoo nag aalala talaga ko.

“Sus, parang 1 minute lang naman ang pagkakalate ko. Nakidnap lang naman, ang weird nga eh. Wala silang ginawa…” napatanong ako sa sarili ko.

Ha? Walang ginawa eh ano tong… wait baka naman.

Ilang segundo lang nag ring ang cellphone ko.

Unknown number…

 

 

“Nagulat ka ba? Tama ang iniisip mo… edit lang yan haha natakot ka?” sabi nung nasa linya.

“Tang ina mong hayop ka! Sino ka ba?!” sinuntok ko yung bagay na nasa harap ko.

 

 

“Easy ka lang baka mawarak yang pintuan niyo.” Sabay may nakakaasar na tawang narinig ako.

 

 

“P-Pinagmamasdan mo kami?!! Asan kang gunggong ka, lumabas ka wag kang duwag!!”  nilibot ko ang paningin ko pero ang tanging nakikita ko lang ay si Kyungsoo.

“Heh, hindi pa to ang tamang oras para magpakilala sayo, well napakaputi ng alaga mo… kapag nagsawa na siya sayo akin na lang ha?”

“Tang ina mo gago!”

“Thank you for the compliment.”

“Hahanapin kita!” pagbabanta ko sa kanya.

“Hanapin mo ko… kung kaya mo.” Sabay baba nung cellphone.

Hindi na kami pwede dito, alam niya kung nasan ako nakatira.

“J-Jongin…” tinignan ko si Kyungsoo… nanginginig siya. Nilapit ko siya sakin at niyakap.

Bukas na bukas aalis na kami.

Sehun’s POV

Tama yan… Matakot ka Jongin…

Total…

Patikim pa lang yan.

Love Slave♥ (Kaisoo)Where stories live. Discover now