♥Chapter 20♥: Agawan

11.7K 337 119
                                    

Nakatingin sakin si Jongin na para bang kakainin ako ng buhay.

Lumabas siya nung elevator at ilang dipa lang ang agwat niya samin. K-Kinakabahan na ko.

“Jong-“ tinayo niya ko at hinila palayo kay Sehun.

Nandilim yung mukha niya at tinignan siya ng masama.

“B-Boss..” nanginginig na tumayo si Sehun.

Kaso eksaktong pagkatayo niya sinuntok siya agad ni Jongin kaya natumba siya ulit.

“Ang lakas mong landiin si Kyungsoo at sa harap ko pa talaga.” Hinablot niya yung kwelyo ni Sehun at inangat.

“B-Boss… T-Tinutulungan ko lang siya.” Pero mukhang hindi naniwala si Jongin kaya sinuntok niya ulit ng ilang beses.

“Ano ako tanga? Tsk, pasalamat ka hanggang ngayon nandito ka pa dahil gusto ka ng magulang ko.” Sumuntok pa siya ng isa bago pakawalan si Sehun.

Nakatungo lang ako, nakakahiya… wala man lang ako ginawa para pigilan siya. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Jongin na hawak hawak ang kamay ko.

“Wag na wag ka na ulit lalapit kay D.O” pagkasabi niya nun pumasok na kami ng elevator.

Pero bago pa siya pumindot humirit pa siya ng isa.

“Etong tatandaan mo, akin lang siya. Akin.”

Habang papasara yung pinto inangat ko yung ulo ko at tinignan siya sa labas.

Sorry…

Nung tuluyan ng nakasara yung pintuan dun lang ako nagkaroon ng lakas ng loob sigawan siya.

“Bakit mo ginawa yun?! Tinutulungan lang niya ko! Ano bang-“ bago ko pa matapos yung sasabihin ko sinalampak na niya ko sa pader.

“Tinutulungan?!! Tignan mo nga yang suot mo, sa tingin mo ba walang iniisip na kababalaghan yung taong yun sayo? Ni hindi mo nga ata namalayan na nakatayo yung- teka nga wag mong sabihin payag ka?” napakunot yung noo ko.

“Payag saan? Ewan ko sayo, ikaw lang ata ang may malibog na utak satin-“ hinalikan na niya ko sa bibig.

Love Slave♥ (Kaisoo)Where stories live. Discover now