♥Chapter 27♥: Golden Rule

10.3K 297 158
                                    

“Inere ka niya?” seryoso ba tong mga to? Baka nga tama yung sinabi ni Jongin may sayad magulang niya.

Naghihintay ako ng sagot pero katahimikan lang ang nanaig.

Pinapasok na ko nung Lay-

“Sir Lay…” wala naman ata akong galang kapag pangalan lang niya sinabi ko.

“Tawagin mo na nga lang akong Lay.” Nakangiti niyang sagot.

“Ang awkward naman po kapag Lay lang ang tinawag ko sa inyo… I mean nanay po kayo ni Jongin.”

“Ahh, eh di tawagin mo na lang akong mama.” Puta, mas ayaw ko naman nun.

“Sige po Lay na lang.” hindi na ko umimik.

Pagkapasok namin may nakabantay na lalaki dun sa pintuan taka kayo no dahil ngayon lang kami nakapasok sa mismong pintuan ba naman ang haba kasi nung entrance yung tipo na may malaki pang fountain sa gitna ng daraanan namin.

“Mano po.” Lolo niya ata to.

“Ang bait mo naman. Ako ang tatay nga pala ng kasama mo. Suho is the name.“ … maybe not.

Tang ina talo pusta ko… pwede bang bawiin ko na lang yun? Sige na wala na kong pera.

Nagkakasiyahan kami habang kumakain hindi ko naman alam na masaya pala kausap tong mga magulang niya. San kaya siya nagmana sa dalawang to?

“Anak niyo po yung katabi ko? Ba’t naman po ang puti puti niyo pero bakit si Jongin… Anyare po?” asar ko.

“Haha, muntikan ko na nga makalimutan na may anak pala ako.” Binili naman ng nanay niya HAHA.

“Da!” sigaw ni Jongin. Pfft, kanina pa kasi namin to pinagtutulungan.

“Buti po nakayanan niyo magpalaki sa batang to.” Hindi namin siya pinansin.

“Oo nga eh, mahirap talaga… lalo na nung nasa tsan ko palang siya. Mahirap ang first 2 months kaya kung magbubuntis ka sabihin mo agad sakin ng matulungan kita.” Nadura naming parehas ng tatay niya yung iniinum namin.

“P-Po??” tanong ko habang pinupunasan yung bibig ko.

Love Slave♥ (Kaisoo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon