♥Chapter 47♥: Till death do us part

5.7K 291 71
                                    

Kai’s POV

Lumabas na ko ng kotse ko at siniguradong maayos iyon  pinark, syempre mawawala ba ang pag papapogi. Well kahit naman na hindi ko na gawin yun as is na gwapo na ko.

Pero para sure tingin tingin din sa salamin pag may time.

Pagkatapos kong tignan ang nakakabighani kong mukha ay pumasok na ko ng ospital.

Inamoy ko ang mga bulaklak na kabibili ko lang diyan sa tabi tabi pero wag ka mahal to at prutas na rin baka gutumin yun at baka magtampo pa sakin.

Alam kong hindi pa siya makakapagsalita ngayon dahil ilang linggo na rin siyang coma. Inaamin ko namimiss ko ang cold niyang boses.

Pero syempre hindi ako ay mali kami, nawawalan ng pag asa na magigising pa siya.

Tiwala lang…

Malapit na ko sa kwarto niya ng nadatnan ko sina Luhan sa labas at nakaupo sa gilid.

Nakita nila ko at nginitian ko sila.

“Oh bakit hindi ka pa pumapasok? Ayaw mo bang makita si Sehun?”

Luhan’s POV

Actually kanina pa ko kating kati pumasok para lang mahawakan ang kamay niya kaso ayaw ko… baka magalit lang siya sakin kapag nakita niya ko.

“Wag kang matakot, pumasok ka na.” sabi nila saking parehas.

Kasama kong dumating dito si Kyungsoo dahil alam kong siya ang mahal ni Sehun, tanggap ko na. Pero okay lang, andito parin naman ako para sa kanya.

“Sige, tatawagin kita agad kapag magising man siya.” Pagpapaalam ko kay Kyungsoo.

Pumasok agad ako sa loob at tinabihan ang walang malay na si Sehun.

Hinawakan ko ang bandang may tama ng bala sa kanya… tanda ko ang pangyayari na yun. Andun ako… nakita mismo ng dalawa kong mata kung papano niya tinulak si Kyungsoo palayo dahilan para siya ang matamaan.

“Talagang mahal mo siya…” may isang patak ng luha na tumulo sa mata ko.

Love Slave♥ (Kaisoo)Where stories live. Discover now