♥Chapter 31♥: I'm willing to offer myself

8.9K 265 70
                                    

D.O’s POV

Mahigit dalawang araw rin ang lumipas at hindi na muna nagparamdam sakin si Siwon.

Sa dalawang araw na yun nagkaroon ng mga problema sa kompanya.

“The fuck? Papano tayo nanakawan ng ganitong kalaking halaga?!” sigaw na tanong ni Jongin sa lalaking nasa harap niya.

“B-Boss…” nakikita kong natatakot na siya kay Jongin kaya naman sinenyasan ko na siyang umalis at sinabi ng palabi na ako ng bahala dito.

“Fuck? Bakit mo siya pinalabas? Hindi pa ko tapos-“

“Alam mo stress ka lang.” sabi ko habang minamasahe ang likod niya. “Calm lang dapat.”

“Tsk, papano ako magiging kalmado? Ang sakit na nga ng katawan ko.” Yan kasi workaholic samahan mo pa ng aggressive sa kama sinong hindi sasakit katawan niyan.

“Tanda ko sabi ng nanay-nanayan ko kapag hinalikan mo daw yung parteng masakit mawawala yun. Kaya, san masakit?” napangiti siya sa sinabi ko at tinuro niya yung bandang noo.

“Saan pa?” sa pisngi.

“Masakit diyan?” tumango siya. “Sige na nga.”

“Okay na?” tanong ko ulit.

“Hindi pa. Eto pa o masakit. Sobrang sakit pramis.” Nag alala naman ako.

“Asan?” sabay turo naman sa labi niya.

“Ewan ko sayo!” lalayo na sana ako ng hawakan niya yung kamay ko.

“Masakit nga! Sige na, para makapagtrabaho na ko.” Ngumuso naman siya. Fuck, nagpapacute ba to? Di bagay.

“Last na to.” Sabi ko at binilisan ang paghalik.

At expected... it was more than that.

Kinabukasan dinalhan ko ng kape at makakain si Jongin dahil mula pa kagabi hindi pa yan kumakain, dito na nga ako natulog kasi andito siya.

Papasok sana ako ng may narinig akong sigaw sa loob.

Love Slave♥ (Kaisoo)Where stories live. Discover now