♥Chapter 40♥: Ang katotohanan

6.5K 281 112
                                    

D.O's POV

Pagkagising ko may naramdaman akong tuyo na laway sa pisngi ko. Anak ng kamote, naglalaway pa ko? Tanda ko na ah.

Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko si Chanyeol bihis na bihis.

"San ka pupunta?" kinusot kusot ko ang mata ko.

"Sa sementeryo." Simpleng sagot niya habang binobotones yung damit niya.

"Ha? Bakit sinong namatay? Oh my gosh! Don't tell me kaluluwa ka na lang!" kumuha agad ako ng bawang mula sa kusina at tinutok sa kanya.

"Yung imagination mo nanaman lumalayo, tsaka para sa asuwang yan." Tumatawa siya habang kinuha sakin yung mga bawang.

"Eh, bakit ka nga pupunta dun? Sinong dadalawin mo?" pumunta ako sa lamesang tinuro niya at umupo.

"Tatay ko. 5th death anniversary kasi niya ngayon." Nakangiti siya habang nilalagyan ng pagkain yung plato ko.

Hindi na lang ako umimik, buti naman nakarecover na siya.

"Aalis ka na? Ingat ka." Muli niya ko nginitian at tuluyang lumabas ng bahay niya.

Habang kumakain ako hindi ko sinasadyang mapatingin sa picture frame na nakakabit sa pader.

"Ang cute naman... may kahawig siya..."

Kai's POV

Ang nangyare kanina ay pag-papanggap ko lamang, pinakita ko sa kanilang dalawa na wala akong kaalam alam. Hindi na kailangan nilang malaman pa.

Pero dahil sa nangyare ngayon, nasagot na nga ang katanungan sa isip ko.

Ang tanging gagawin ko na lamang ay hanapin siya.

Pagkalabas ko ng restaurant hindi ko inaasahan na andun lang pala siya.

"Ba't andito ka? Bigla ka na lang umalis."

"Yung matangkad dun... si Kris yun diba? Grabe higante na, samantalang dati natandaan ko binubully mo yun na haba baba o kaya naman babalu. Haha, mas nagwapuhan ka na niya."

Love Slave♥ (Kaisoo)Where stories live. Discover now