Chapter 70: Going to Korea

Start from the beginning
                                    

" Drake, lalaki ka. Kahit na ikaw yung walang kasalanan, kailangan ikaw lumapit sa babae."

" No, ganyan ako dati Hyung. Pero ngayon, nakakasawa na kaya ayoko na. Nakakapagod"

" Bakit kay Riann napagod ka samantalang kay Iah nung kayo wala kang lubay na manghingi sa kanya ng Sorry pag nag aaway kayo" sabi ko. Sumama ang tingin niya sakin at sumeryoso

" Dahil ako lagi yung nag kakamali samin dati ni Iah. Hindi katulad ni Riann si Iah, si Iah mangaaway lang pag may kasalanan ako sa kanya. Eh si Riann, tang'na. Nangaaway kasi Trip niya lang. Sige nga, tapos ako yung unang makikipag ayos sa kanya. I'm not stupid Hyung. Hindi ako mag hahabol sa kanya" sagot nya.

Hindi ako nakaimik. Hindi ako nakasagot.

****************
Billy point of view

Paglapag ng Eroplano, isa lang ibig sabihin.

' Nasa Korea na kami hehehe'

Pagbaba namin ay nakangiti na kaming lahat. Ang sarap damhin ng hangin. Amoy Korea hahaha joke.

Napansin kong si Drake ang nangunguna ngayon na maglakad samin.

Kumpara sa mga ibang lugar na pinag concert-an namin. Lagi siyang panghuli. Ngayon lang siya nanguna.

Pagpasok namin sa Loob ng Airport ay nag sisigawan na ang mga Fans namin. Halatang sobrang dami nila.

Habang palabas kami papuntang harap ay madaming sigawan.

May mga nagsasabing namiss nila kami. May nag welcome back. May nga hinihiyaw ang pangalan namin.

Randam namin ang saya nilang lahat.

Nakita ko si Drake na nakikipag picture sa mga Fans niya. Wow, nasa mood nga.

Ilang minuto din kaming nakahinto don dahil hinihintay namin ang sasakyan.

******

Nakasakay na kami sa Van. At siyempre ito si Drake hindi pa din maalis ang ngiti sa labi niya.

Mukang may nangyaring masama dito ah?

" Hoy! Bakit ang saya mo?!" Tanong ko kay Drake

" Wala ka ng paki don" sagot niya

" Hahaha because Iah is here" Sabat ni Zeann. Inuumpisahan na naman niyang asarin si Drake.

" Lubayan moko Zeann, nag didilim paningin ko sayo." Animoy nag wawarning na sabi ni Drake.

Natawa naman si Zeann na parang wala ng bukas.

" Ikaw ang lumubay diyan. Napaghahalataan kana eh. Pumunta lang tayo dito hindi na nawala ngito diyan sa bibig mo" sabi ni Zeann. Napansin niya din pala yon. Akala ko ako lang nakakapansin non.

" Hindi si Iah ang dahilan kung bakit nakangiti ako ngayon." Depensa ni Drake na sa labas lang nakatingin.

" Eh ano?" Tanong ko

" Dahil dito ako pinanganak ni Mommy. Mahigit 10 years nadin akong hindi nakakapunta dito. Ngayon lang ulit ako nakabalik." Sabi niya.

" Tigilan mo kami diyan sa kasinungalingan mo. Memasabi ka nalang eh. Ang sabihin mo si Iah talaga ang dahilan ng pag ngiti mo" sabi ni Zeann.

Ginatungan namin lahat ang sinabi ni Zeann at nakita kong naiinis na talaga si Drake.

' Mainis kapa hahaha'

" Ayan! Dati pinipilit niyo kong hiwalayan at kalimutan ko na siya, ginawa ko diba?! Tapos ngayon tinutukso niyo ko kay Iah?! Ano ba talaga Trip niyo?!" Seryosong sabi niya samin.

Naging Seryoso kaming lahat, at nag katinginan nalang kami. Si Yuan, sumeryoso at tumahimik nalang, ganun din si Rhake at Grent Hyung. Si Klint naman umiwas ng tingin sakin at nagbaba ng tingin. Ganon din si Zeann pero halatang may galit sa mata niya.

Dumating kami sa isang sobrang ganda at mukang mamahalin na Hotel.

Huminto ang sasakyan sa harap non. Hindi kagad kami nakababa dahil sinipat namin mabuti ang Building nayon.

" Woahh" bulong ko. As in ang ganda talaga. Mukang excited na akong makapasok dito at makita ang Room ko.

Ilang minuto kaming nakahinto at umandar ulit ang Van papunta sa mismong  harap ng Building.

Pero bago pa kami makapunta sa mismong harap ng building ay biglang na-ipreno ng malakas ng Driver

' Tangina, di marunong. '

Napatingin nalang kami sa Lamborghini na kulay Maroon na matt. Wow, ang angas.

" Manong wag niyo ng paandarin, maglalakad nalang po kami, tutal malapit lang naman na." Sabi ni Yuan.

Dinala nalang namin lahat ang sari-sarili namin na Maliit na bag na lalagyanan ng mga Gamit namin, at bumaba na.

Pagbaba namin lahat ay inayos namin ang nagusot namin na damit.

" Nandito pala si Miss Iah" sabi ng Driver namin.

__________________

Don't forget to Vote, Comment and Share!!!

Thank you Guysss!! <3

The Girls Revenge  (Book ll)  COMPLETEDWhere stories live. Discover now