PART 18 - IN COSTUME

13 2 0
                                    

"Dahan-dahan ka naman, Apple. Puros over take ka dyan. Okay lang naman si Ms. Carlota at tsaka nandoon naman si Rick," pag-aalalang sita ni Pie dito sa mabilis nitong pagmaneho.

"Alam naman nating payat ang Mama ni Rick. Baka kasi kung anong nangyari na doon," Biglang kabig na naman ng manibela nito para unahan ang taxi sa unahan.

Paglipas lang ng ilang sandali ay may narinig na silang police mobile sa kanilang likuran.

"Ano ba naman, presinto pa ang labas natin nito at hindi hospital. Apple kasi eh," sisi ni Pie dito.

Inihinto naman agad ni Apple ang sasakyan sa tabi. Maya-maya lang ay kinatok na sila ng pulis sa tinted na glass window ng kotse.

"Bumaba ka nga muna dito, akin na ang licencia mo," utos ng pulis kay Apple.

Bumaba naman ito agad. Nagulat tuloy ang pulis ng siya ay makita, "Zorro?"

"Pasencia na, Mr. Officer. Nagmamadali kasi kami, papunta kasi kami ng hospital ng mga kaibigan ko. Emergency kasi." Habang iniaabot nito ang licencia sa pulis na kakamot-kamot pa ng ulo sa maling ginawa.

"Huwag mong sabihin na may kasama kang naka-costume din. Dahan-dahan lang kasi ang pagmamaneho, binata." Habang kinukuha ang ballpen na nakasabit sa kanang bulsa nito.

"Lumabas na din tayo, Mimi. Baka akala walang kasama si Apple." At lumabas ng kotse si Sailor Moon at Dora the Explorer.

"Aba okay ah, patatawarin ko kayo ha pero ayoko ng maulit ito." At may isinulat sa kanyang notepad at ibinalik ang licencia ni Apple.

"Hala, umalis na kayo at baka kung ano na ang nangyari sa pasyente ninyo. Ingat lang at naku kung hindi ako ang nakakita sa inyo, tiyak sa presinto na kayo magpaliwanag," paalala pa ng mabait na pulis sa kanila.

Sobra-sobra namang pasasalamat ang natanggap nito sa tatlo. "Salamat po, hindi na talaga mauulit ito, mamang pulis," si Pie aka Sailor Moon ay sumaludo pa dito kaya napangiti nila kahit papaano ang pulis na dapat ay huhulihin na sila.

Sumakay ulit sila kotse. "Apple, di ba may kasamang papel yung binigay sa'yo. Akin na nga at ng mabasa," paalala ni Pie na nag-switch-on ng ilaw habang iniabot naman ni Apple ang papel. Laking gulat ni Pie sa nabasa at tapos bigla itong tumawa.

Inagaw din ni Mimi ang papel at siya man ay tumawa din, "Galing naman! Mahal na kita, PO2 Donato," sigaw nito.

"Tawa kayo ng tawa, bakit nandyan ba nakalagay ang phone number ng pulis para makipag-text mate sa inyo?" irita nitong tanong sa dalawa na sinosolo lang ang lahat ng kasayahan. Ano ba kasi ang nakalagay sa papel na yun?

"Sandali lang at babasahin ko na nga, masyado ka namang atat na atat eh. Kalma lang," si Mimi at nag-umpisa nitong basahin ang nakasulat...

Zorro, Sailor Moon & Dora,

Magbi-birthday kasi anak ko. Sana makadalo kayo na ganyan ang suot ninyo.

Officer PO2 Alex Donato.

CP # 09123456789

"Aba, bakit hindi? Makabayad man lang tayo sa hindi paghuli sa atin. Deal!" Na sinang-ayunan naman ng dalawang kasama.

"Ikanan mo na dyan para mas mapadali na tayo," turo naman ni Pie sa short cut na daan na alam niya at totoo nga naman nakarating sila agad ng maaga sa

HOSPITAL

Papasok na sana sila ng entrance ng magkagulo ang mga tao sa kanila lalo na ang mga bata at teen ager. Lahat ay gustong magpa-picture sa kanilang tatlo. Si Apple bilang Zorro, Pie as Sailor Moon and Mimi naman as Dora the Explorer. Sino nga ba naman ang hindi?

"Mama, ang cute ni Sailor Moon! Pa-picture tayo." Hila nung 5 year old na bata sa Ina nito. Kahit papaano ay tinanggal na ni Pie ang fake na Bugs Bunny's teeth at napunasan na ang kanyang mukha ng wipes. Natural beauty siya ngayon.

"Hala, instant celebrity tuloy tayo. Okay lang basta may napapasayang mga tao lalo na ang mga bata," turan ni Pie na kinarga pa ang super cute na bata. "Talaga favorite mo si Sailor Moon, eh si Dora?"

"Favorite din po. Picture din po tayo, Dora, sama ka po dito," yaya nito kay Mimi na ikinatuwa naman nung isa.

Nag make face tuloy si Apple, "Paano naman si Zorro, baby girl?"

"Sama na rin po kayo para kumpleto tayo sa picture. Tao po ba kayong tatlo?" tanong ng bata.

"Oo naman. Pareho mo din kami noong bata," si Mimi na nag-Anime sign.

"Pag lumaki rin po ako, magsusuot rin po ako ng ganito." Tuwang tuwa sa wig ni Pie na nilalaro pa ng kanyang maliliit na daliri.

Nahalikan tuloy nito ang bata sa pisngi sa pagka-bibo nito. At ng matapos ang mag-ina ay nagpasalamat ito sa tatlo at sumunod naman ang iba pa sa photo session. Nasa parking lot pa lang sila ng mga sandaling yun at ng matapos ay dumiretso na silang tatlo sa loob. Kung mula sa police officer, at sa parking lot ng hospital, nagulat ang mga tao, mas lalo pa sa loob ng hospital.

"Bago na pala ang mga damit ng mga nurses and doctors ngayon dito. Pa-picture naman."

"Ako din. Ilalagay ko agad sa aking Instagram," tuwang tuwa na sabi ng naka-wheel chair na pasyente na may benda ang kaliwang binti.

Sumingit din ang ibang mga nurse at nag-selfie selfie din kasama nila. At nagpaalam na sila para pumunta sa ward ni Ms. Carlota na naghihintay sa kanila.

My Apple Pie (Updating)Where stories live. Discover now