PART 17 - PROM NIGHT

10 2 0
                                    

Taon-taon ay nag-iiba ng theme ang jubilant school, last year lang ay National costume ala United Nations day ba. Napagkasunduan ng kanilang school council na mas madami ang bumoto sa Cosplay kaya yun ang pinili nila. Kaya  heto si Pie na ilang beses ng nagpaikot-ikot sa salamin kung ano ang mas babagay sa kanya. Tatlo kasing costume ang nasa harapan nya ngayon. May ala-Barbie na fashionista ang damit. May Sailor Moon na student like lang at yung huli ay para syang aattend ng ball, Princess Cinderella style. Mas pinili ni Pie ang Sailor Moon, at may mahaba siyang wig na berde ang kulay.

VENUE: 5 STAR HOTEL

Para kang umattend ng Out of this World party at hindi mo alam kung sino-sino ang mga naka-costume sa hotel na inupahan ng school nila. Lahat halos ng dumating ay may maskara at mabibilang lang ang hindi. Nawiwili tuloy si Pie sa kanyang nakikita, ang problema 30 minutes na ang lumipas eh wala pa ang kanyang date. Nasaan na nga ba kasi si Apple? Nasa dance floor pa naman halos lahat ng mga students at wala man lang naglakas loob na siya ay isayaw. Mga lalake nga naman, oo. Ni hindi nga niya makita si Mimi at si Rick na escort nito that night. Biglang nakaramdam ng uhaw si Pie at pumunta saglit sa refreshments area kung saan may mga nagbubulungang mga estudyante.

"Ang guwapo ni Zorro, parang siya talaga sa personal. Sino kaya siya? Sana ako na lang ang date niya." sabi ng girl 1.

"Oo nga eh, naku kung wala lang akong date. Siya ang kukunin ko. Ako na mismo ang kusang ma-aalok sa kanya. Can you be my prom date? He's so cute!" turan naman ng girl 2.

"Girls, for your information. Akin siya no kaso may nauna lang sa akin. Ayaw nga niyang magsalita kung sino ang hinahanap." singit naman nung isa pang girl na naglalagay ng refreshment para sa kanya.

Sino ba ang Zorro na binabanggit ng mga ito? Sa isip-isip ni Pie. Lumingon siya at hinanap kung sino pero sadyang madilim kaya sa lugar ng dance floor. Pinabayaan na lang niya ang mga ito. Uminom si Pie ng juice at matapos ay lumabas muna ng venue pansamantala at naglakad-lakad sa hallway. Napansin niya si Mimi na may kausap sa phone at parang malungkot ito. Nilapitan niya agad ang kaibigan.

"Paanong hindi ka makakarating? Anong nangyari kay Ms. Carlota? Okay, pupunta ako, hanapin ko lang si Pie. Teka, nandito na siya. Oo, pupunta kami."

"Oh bakit ganyan ang hitsura mo, Miss Dora the Explorer?" tanong ni Pie sa BFF. Yun  kasi ang costume na suot ng kaibigan, may wig itong suot na may bangs, may back pack na maliit sa likod at take note, kasama niya si Boots, ang unggoy niyang friend, stuff toy lang naman.

"Samahan mo ako, Mars, nasa hospital si Ms. Carlota." sa nag-aalala nitong tinig. "Punta lang ako sa comfort room. Hintayin mo na lang ako sa lobby."

"Sige, tatawagan ko na rin si Apple, alam mo bang kanina ko pa siya hinahanap at tiyak...."

"Nagkita na kami kanina lang, lumabas siya ng parking lot sa pagkakaalam ko. Pie, ang guwapo ng escort mo. Di ko nga akalain na siya yun eh kung hindi pa siya nagsalita." At iniwan na muna siya ng kaibigan.

Pina-ring ni Pie ang cellphone ni Apple. "Ano ba? Ilang ring na ah... Apple, sagutin mo na ang phone. Hello, Apple, nasaan ka ba? Sa parking lot, okay... Lalabas na ako."

PARKING LOT

"Ako ang unang nakakita sa kanya ha. Yayayain ko siyang sumayaw kapag nakita ko siya sa loob. Bagay kaming dalawa. Zorro meets his match, Lara Croft." bungisngis nung isa.

"At bakit si Tinkerbell ba hindi puwede kay Zorro?" dagdag pa nung isang maliit na babae.

"Hep hep hep, mas bagay kaya siya sa akin. Zorro dancing with Medusa."

"Pang-horror naman ang dating mo eh. Patayin pa ng mga ahas mo sa ulo ang guwapong si Zorro, ibigay mo na lang siya sa amin no." At naghagikhikan pa ang mga ito.

Ano ba naman ang mga babae na ito, pati pa ba naman dito sa parking lot, nandito din si Zorro? Nasaan na ba kasi ang Apple na yun. Nang walang anu-ano ay may telang  bumalot sa kanya mula sa kanyang likuran.

"Good Evening, Ms. Eng-Eng!"si Zorro na ang lapad ng ngiti sa kanya.

"Ay, ano ka ba!" sigaw ni Pie. Sinong Ms. Eng-Eng ang tinutukoy nito? Parang pamilyar ang tinig na iyon. "Apple, ikaw ba yan?"

Nag vow muna ito sa kanya. "At your service, milady." Tinanggal muna nito ang maskara at bigote.

Totoo nga na bumagay dito ang costume na suot, mas umangat kasi ang kaguwapuhan nito. Tinapik tuloy siya sa balikat ni Pie, "Sa susunod naman huwag kang basta na lang susulpot kung saan-saan. Ginugulat mo naman ako eh." Sabay hawak sa kanyang dibdib. "Grabe ka."

"At ano naman kasi ang ginagawa mo dito sa parking lot? Di ba dapat nandoon ka sa loob. Sabi kasi ni Mimi nandito ka raw kaya pumunta ako. At tsaka kanina pa kaya kita hinahanap."

"Talaga lang ha. Pati pa ba naman ikaw nabighani na sa karisma ni Zorro?" pagbibiro nito kay Pie. "Nakalimutan ko kasi ang cellphone ko sa kotse. Tamang tama ang tawag mo. Ayaw mo kasing magpasundo eh dahil sabi mo ihahatid ka na lang ng Kuya mo."

"Ang lapit lang naman kasi ng bahay namin dito sa hotel no. At ayokong makita mo ako sa costume ko. Tama nga ako, pinagtatawanan mo lang talaga ako," singhal ko sa kanya.

"Ito naman di na mabiro, bilog pa naman ang buwan oh." Sabay turo sa itaas at saglit na niyakap siya nito.

"Tsansing na naman yang ginagawa mo, ha..." paalala ni Pie dito.

Natawa lang si Apple sa huli niyang sinabi. Nakita na nila si Mimi na naghihintay na sa labas ng lobby. "Pupunta tayo ng hospital, Apple. Si Ms. Carlota nasa hospital," turan niya dito.

"Kaya pala walang kasama si Mimi. Okay, hintayin na lang ninyo ako." At bago pa tumalikod si Pie narinig niya si Zorro este si Apple na nagsabi. " Ang cute mo sa costume na yan kaso pinatanda mo ako ng husto, Ms. Eng-Eng."

Paano ba naman kasi bukod sa pig tails eh mayroon syang malalaking fake na ngipin at ang daming pimples kuno na makapal ang kilay at malaking salamin. Kahit papaano effective kay Pie ang napili niya kasi walang gusto na siya ay makasayaw kaya madali siyang naka-eskapu, Yun pala ay mas mahalaga silang pupuntahan ngayong gabi.

My Apple Pie (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon