PART 11 - TALK WITH MY BFF

20 2 0
                                    

"Alam mo, Pie. Dapat kasi sa mga boylets mo e pahirapan mo muna. Para alam mo kung sino ang para sa'yo. " Tangan na ni Mimi ang pocketbook na binili nila at kasalakuyan na silang nakahiga pareho sa kama nito.

Pagkahatid kanina sa kanila ni Apple ay bumaba na din si Rick. Nagkaroon pa nga ng kantyawan sa labas. Na kesyo kailan daw mauulit ang pagpunta nila ng mall. Na dapat foursome date na lang at kung anu-ano pa. Nagpaiwan pa nga si Rick para kausapin ang kuya Alfred ni Pie pero umalis din pagkatapos ng thirty minutes.

"Pahirapan? Ibang klase ka talaga, girl. Pero bakit nga ba hindi... Hmmnn, pinag-isip mo talaga ako." Bumangon ito at kinuha ang kanyang mga nail polish sa kanyang tokador. "Ano bang magandang kulay?" Habang  winawagayway ang mga ito sa ere.

"E di i-aaply mo lahat. Wait ako na ang maglalagay para maganda." Binitawan nito ang pocketbook na hawak at inabot ang kamay ng kaibigan. "Lagyan ko din siya ng nail art para cute tingnan. Ano bang gusto mong design? 'Wag mo na akong sagutin, alam ko na, heart kasi dalawang Prince Charming ang nagmamahal sa iyo. Kakakilig!"

Matagal-tagal na rin din silang mag-BFF ni Mimi at ngayon lang ulit sila nakapag-bonding ng ganito. Elementary pa lang kasi ay magkakilala na sila, ganoon katagal at ngayon ay patapos na nga sila sa high school. May mga times na nag-aaway din sila at hindi pagkakaintindihan, natural iyon kapag super close ka sa isang tao at alam na ninyo ang weaknesses ng bawat isa. Ang pagkakatulad lang nila sa ngayon ay never  pa silang nagkaka-boyfriend. Kung strict ang magulang ni Pie, ang kay Mimi naman ay super strict when it comes to boys. Solo itong babae sa tatlong magkakapatid at siya ang bunso.

"O di ba ang gandang tingnan sa'yo. " Natapos na ni Mimi lagyan ng nail art ang kanang kamay ni Pie. "Ano, napag-isipan mo na ba kung paano at anong puwede nating gawin sa kanila?

Biglang hinugot ni Pie ang kanyang kaliwang kamay na di pa nalalagyan ng nail art. "Alam mo, girl kaya ka siguro binigay sa akin ni God para maging BFF ko kasi tama ang word na ginamit mo na natin... Hmmnn..." at iniabot ulit ang kaliwang kamay sa kaibigan para matapos na ang paglagay ng nail art.

"Alam mo, Mars sa tagal nating magkaibigan kulang na lang ay isang madir ang magluwal sa atin. Up to now, hindi kita ma-gets talaga. Ano ba kasing nasa isip mo? Basta ako supporting role ha. Alam mo naman lagi lang ako sa shadow mo. Oh, ginagalaw mo naman e, 'wag ka ngang malikot dyan." At pilit hinihila ang kamay nito.

"Well, this time. Hindi ka pang-anino nor pang-back ground ko lang. Ilalagay na kita sa starring role. Ikaw ang aking magiging spy sa mga ito. Ikaw ang magsasabi sa akin kung saan si Apple o si Rick pumupuntang madalas."

"Sa school, sa bahay, sa mall, sa bilyaran, sa coffee shop, sa arcade... Ano ka ba, alam mo na iyon. Pahirapan pa ako ng isang ito. Haaist!" Napakamot pa tuloy si Mimi sa kanyang ulo.

"Kung ayaw mo e di ako na lang ang gagawa. Magdi-disguise ako."

"Disguise? Ano ka ba, girl? Kaya mo ba iyon? Iyang liit mo na 'yan."

"Ikaw talaga, given na iyong maliit ako. Samahan mo na kasi ako, tutal dalawa naman tayo. Kung mahuli man, may kasama ako at tsaka ikaw ang nagsabi na pahirapan ko ang dalawang iyon. Tapos ayaw mo akong tulungan man lang..." Sa pagmamakaawa nitong tinig with doggy soulful eyes.

"Oo na nga, ganyan ka talaga. Hilig mong-black mail sa akin buti na lang love kita as in super love na love kita."

Lalapit sana si Pie sa kanya para yakapin siya ngunit umiwas ito at nakipagbeso-beso na lang.

"Ang nail art, masisira, Mars. Ganda pa naman ng design kong heart. Oh, ano'ng plano natin?" Excited na tanong ni Mimi sa kaibigan.

Kumuha ito ng Ball pen at note pad. "Ganito iyon ha. Dapat may Plan A at Plan B. Pumalpak man ang Plan A, mayoon pa tayong Plan B."

"At kung pumalpak pa din?"

"Ano ka ba malabong pumalpak ang planado. Ika nga think positive. Ganito iyon..."

"Di kaya invasion of privacy iyong gagawin natin, Mars?"

"Anong may inva-invasion ka pa dyang nalalaman? Lume-level up ka na ha. Ano tayo war games? Basta makinig ka na lang sa sasabihin ko. Okay?"

"Okay na okay. Game na!"

My Apple Pie (Updating)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ