SI RICK SA BUHAY NI PIE

32 2 0
                                    

Nasa labas na ng gate ang mag-Friendship ng may tumawag sa kanila...

"Pie! Mimi! Sandali at sasabay na ako sa iyong dalawa." Nasa may sari-sari store pala ito naka-upo sa tapat ng school nila.

Nagtinginan tuloy and mag-Mars. Iyong  "Anong mayroon?" Pero mas kinikilig si Mimi para sa kaibigan. "Paano na iyan, mukhang magsosolo na akong umuwi." Biro nito sa kanya.

"Kakasabi mo lang sa akin kanina na lagi mo akong sasamahan e bakit ngayon nang-iiwan ka na. Gulo mo, Friendship ha... Dito ka lang sa tabi ko." At mas lalo pang hinigpitan ang hawak.

"Eh bakit si Apple ba siya? E kababata mo siya no. As in." Pinagdiinan pa tuloy ni Mimi ang huling sinabi.

Tumawid na din si Rick at sinabayan sila. "Bakit parang bad weather itong Mars mo, Mimi?"

Pansin kasi nito na iba ang kanyang facial expression. Mula pagkabata e kakilala na ng mga magulang niya at laging nakakasama sa mga gathering. Mayroon itong Ina na sabi ay nasa probinsya .Si Rick, siya iyong tipo na guy na puwede mong ipagmalaki at ipakilala sa magulang. Simple pero may dating at matagal na siyang nagpaparamdam sa kababata. Ang problema ay di naman kasi ito nanliligaw ke Pie puros palipad hangin lang.

"Ay naku, Rick. Kung alam mo lang ang nangyari kanina. Tiyak iyang bait mo na iyan e mapapaaway kang talaga. O, ano Pie. Sabihin ko na ke Rick ng makaganti ka man lang..."

"Di na kailangan, Mimi. Alam mo namang love na love ko itong best friend mo. At ipagtatanggol ko itong talaga." Umakbay pa ito sa kanya. "Di ba tama naman ako, my Sweet Pie?"

"Sweet-sweet pie ka pa dyan. Ako nga e tigilan mo, Rick ha. Na-chika na nga ako kanina sa loob ng school pati pa ba naman dito sa outside world? I need some time for myself."

"Lagot na tayong pareho, Rick. Maya-maya e Taal Volcano na iyan. Nag-Eenglish na kaya."

"Tama ka, Mimi. May usok na ngang lumalabas o..." Sabay paypay kunwari.

Pero dahil alam nila ang ugali ni Pie e nagtawanan na lang sila, sumabay na lang din ito. Ewan ba niya kung bakit ganito kagaan ang pakiramdam niya kapag kasama ang mga kaibigan. Ang natitiyak niya ay mahal siya ng mga ito at kahit ano pang mangyari ay di siya nito iiwan.

My Apple Pie (Updating)Onde histórias criam vida. Descubra agora