PART 10 - HAVING TWO DATES

20 2 0
                                    

Nagtataka si Pie at dalawa na lang ang nakaupo sa kanilang mesa, ang kanyang mga dates. Bigla din namang nawala ang ex-girlfriend ni Apple na kasabayan niyang nag-CR at ang foreigner boyfriend nito. Umupo na lang siya at humarap sa dalawa.

"Ah ano e.. " "May kausap pa sila..." Halos sabay pang nagsalita si Apple at Rick.

"Umalis silang dalawa? Eh sinong magbabayad nitong inorder natin?" Gusto na tuloy niyang umalis sa high class resto na iyon.

"Easy ka lang dyan, Pie. Akin na ang kamay mo at may ibibigay ako." Pakalmang tinig ni Apple.

"Ano ito? Engagement ninyong dalawa. Teka naman, walang ganyanan..." Sa naiirita ng tinig ni Rick na sinamahan pa ng panglalaki ng singkit nitong mga mata.

Sabay abot ke Pie ng receipt. "Paid in full! Totoo ba ito?" Pinakatitigan pa niya ang p5,000 na naka-print doon. Anong klase ba iyang mga inorder nila at umabot ng ganito ang bill? Laki ah... Tsk! Tsk! Ang mga mayayaman nga naman, ibang klase."

"Tom-guts na ako kaya. Paki-abot nga ninyo ang grilled chicken in basil and lemon. Bahala kayo kung ayaw ninyong kumain." At nilantakan na ni Rick ang iba pang dishes na naroon.

Napailing na lang si Apple. "Huwag ka na kasing malula sa presyo at bayad na 'yan. Oh, saan mo naman iyan dadalhin? Pie!" Bigla kasi itong tumayo.

Paano Pumunta pa talaga si Pie sa counter at pina-check kung totoo ba iyon at muling bumalik sa upuan... "Now, I can eat. O, bakit? Sigurista lang po ako no. Ayaw ko ngang maghugas ng pinggan. Kahiya-hiya kaya iyon." Sabay inom ng lemon tea.

"Ibang klase ka talaga. Oh, bakit uminom ka agad, wala pa ngang laman sikmura mo?" Nagtatakang tanong ni Apple.

"Ano ka ba sa aming mga girls, dapat mahinhin ang kain, para konti lang ang kakainin. Ipapabalot naman natin 'yan, di ba?" Nguso ni Pie sa 5  dishes sa kanilang harapan.

"Oo naman. Take-out walang problema. Sarap!" At halos papakin na ni Rick ang buto ng lemon chicken niya. "Okay ka din, Apple... ganda non a pero siempre nasa maganda itong nasa harapan natin, di ba Pie?"

"Oo na po, kumain ka na nga lang dyan. Tirhan mo naman ako ng lemon chicken na 'yan."

At dahil gentleman ay nilagyan muna ni Apple si Pie sa plato nito. Na napansin na naman ni Rick. "Hep Hep... Ano na naman 'yan, ha? Nandito lang ako. Kita ko kayong dalawa." Sa boses bata nitong tinig. "Pansinin naman ninyo ako." Dagdag pa nito.

Natawa na tuloy si Pie at tinapik ito sa braso. "Ano ka ba naman Rick. Para nilalagyan lang nitong isa. Itong receipt, ilalaban ko sa BIR, sa Premyo sa Resibo. on going pa kaya 'yon." At inihulog niya ito sa kanyang bag.

Pagkatapos nilang kumain at dala ang take-out na si Rick ang taga-bitbit. Palibhasa ay maaga pa at Sunday naman kinabukasan. Nagyaya pang pumunta ng bookstore si Pie na pinaunlakan naman ng dalawa. Derecho siya sa teen romance pocket book area.

"Dami ng authors. Itong isa nasa movies na, pati itong isa pa. Kailan kaya ako makakagawa ng love story na mababasa ng lahat? Si Mimi kasi puros basa lang, sana nagsusulat na din siya." Nasa kabilang section naman ang dalawa, sa school and office supplies. "Tingnan mo ang dalawang ito. Kagabi lang e sobra ang away, ngayon naman, super close."

Kumuha si Pie ng isang teen age romance at magbabayad na sa cashier ng may marinig siyang tinig sa kanyang likuran, ang BFF niyang si Mimi na patakbong niyakap siya at nagbeso-beso.

"Ikaw na, girl. Imagine two boy lets itong mga kasama mo. Kaka-kilig naman!" At kinikiliti pa si Pie sa tagiliran nito. "Two Florante and one Laura. Haaay, wala akong masabi ha."

"At bakit naman nandito ka? Ang alam ko may family dinner kayo." Pagtatakang tanong ni Pie habang nakapila sa cashier.  Right after school ay nagpaalam na agad ito sa kanya kanina. Tuwing Friday night kasi ay bonding with the family at di niya sukat akalain na same mall lang pala ang pupuntahan nilang magkaibigan.

"Tapos na. At ng makita kita through the glass e sabi ko sa kanila, paiwan muna ako at sa inyo muna ako matutulog tonight. Ano sinong type mo? Si Astig na kababata o si Crush ng bayan? Mamili ka!" Hamon ni Mimi sa kanya habang tinitingnan ang nasa kamay niya.

"In fairness ha, galing ng author na 'yan, kakaiba ang approach nya sa readers. Iyong dadalhin ka mismo doon sa setting na iyon at may moral lesson pa. Tamang tama sa panahon ngayon, tigas pa naman ng ulo ko. Pahiram pagkatapos mo ha, please Mars..."

"Friend, di ko pa nga nababayaran e. Wait lang muna." Habang kumukuha ng pera sa kanyang wallet. "Alam mo, ang hirap pala kapag sabay silang lumiligaw sa akin. Sila na iyong magkasama samantalang kagabi, aso't pusa mga 'yan. Kainis kaya. Nakakahiya ke Mrs. Cunanan."

"Mayroon ka bang 25¢?" Biglang tanong ng cashier.

"Wait lang po." At kinuha niya ang kanyang coin purse sabay abot dito.

"Pasalamat ka't di na sila nag-aaway no. Ano bang pakiramdam ng pinag-aagawan? Di ko pa kasi naranasan 'yan e. Haba naman ng hair ko kapag gan'on. Over flowing happiness, di ba?" Muling usisa sa kanya ng kabigan.

"Ay naku, Mimi. Huwag ka ng mag-assume at for sure maiimbyerna ka lang. Ang hirap kaya ng kalagayan ko." Habang inihuhulog niya ang ibang barya sa isang can for charity.

"Pero exciting, aminin! Kakaiba ang peg. Ang saya-saya kaya n'on! O, bakit sa akin mo ibibigay agad e di mo pa nga nauumpisahang basahin.." Gulat na tanong ni Mimi ng iniabot ni Pie sa kanya ang biniling pocketbook.

"Ano ka ba... di ba sabi mo sa amin ka matutulog tonight? E di umpisahan mo ng basahin. Hala, friend, kailan ka pa naging forgetful?"

"Ay oo nga pala, iaw talaga, Mars. Di ka na mabiro." At nagtawanan na lang ang dalawang magkaibigan.

May binili din si Rick na ballpen at stationary. "O, Mimi nandito ka pala."

"At para kanino naman 'yan, Rick?"

"Kanino pa ba e di dito sa bestfriend mo. Mag-uumpisa na akong magsulat ng love letter para sa kanya. Para mas lamang, alam mo na. Matinding labanan ito."

"Tama ka dyan. Huwag kang papatalo. Di porke't poor tayo e kaya na tayong daigin ng mga rich. Aba sa pag-ibig dapat patas lang. Correct ba ako, Pie?"

"Wala na akong sinabi. Anong oras na ba?" Tiningnan ang relo niya. 8 o'clock. "Uwi na tayo."

Parking Lot

Dala ni Apple ang brand new car nito, "Ihahatid ko na kayong tatlo. " Mauna na sanang papasok si Pie sa likod ng unahan siya ni Mimi sabay hila sa braso kay Rick. Samahan mo na lang ako dito sa likod. Di naman maganda na mukhang driver lang si Apple at dalawa pa kayong nasa harapan. Mapagkamalan pa kayong mga goons."

Kukontra pa sana si Rick pero pumayag na rin siya. Sabagay tama rin naman ito. Minsan tuloy napapaisip na rin siya, kung nagka-crush kaya ito sa kanya kahit minsan. Napangiti na lang siya.

Bumaling naman si Mimi ke Pie. "At ikaw, Mars, dito ka na sa unahan maupo."

"Salamat, Mimi. Isa ka ngang tunay na kaibigan." At pinagbuksan na ng pintuan si Pie.

"For your information, may bayad kaya ito." Nakita nito ang bitbit ni Rick. "Food!"

"Iidlip lang ako sandali. Gisingin na lang ninyo ako kapag malapit na." Sa nakaka-antok na boses ni Rick.

"Mimi, kaka-dinner mo lang din, ano... Ire-heat na lang natin mamaya kapag nag-midnight snack ka. Madami pa kaya 'yan." Habang inaayos ang kanyang seat belt. Sobra kasing sikip.

"Ako na ngang mag-ayos." At tinulungan siya ni Apple na i-adjust ito.

"Pasensya na wala sa bundok nito e."

Biglang nagsalita si Rick, "Ano na naman 'yang naririnig ko at nakikita? Apple ha, nakakarami ka na. Huwag namang ganyan. Lumaban ka ng patas."

Lumingon si Apple sa kanya. "Ano ka ba naman, Pare? Para ito lang." Tatawa-tawang turan nito. "Okay, aalis na tayo" At pinaharurot na nito ang sasakyan.

My Apple Pie (Updating)Where stories live. Discover now