PART 16 - TURN OF EVENTS

10 2 0
                                        

At nakita nga ni Pie kung paano asikasuhin ni Rick ang BFF nyang si Mimi. Sa pagkain, lagay ito ng lagay ng mga ulam sa plato nito.

"Dami naman nyan, Rick. Maubos ko ba yang lahat?"

"Kapag di mo naman naubos eh di ibigay mo sa akin at ako ang kakain. Walang problema."

Tumawa si Mimi, "Tama! Para walang sayang. Madami kayang nagugutom na tao."

Sa pagsampa na lang sa kabayo, lagi kaya itong nakaalalay. 

"Dahan-dahan at baka magulat sya sa' yo. Ilagay mo ang mga paa mo sa tapakan. Yan tama yan, hawakan mo ang tali. Dahan-dahan lang, nakaalalay lang naman ako."

Nakakapanibagong tingnan,  na tanggap naman ng lahat except yung isa... Si Pie na nakabusangot na at hindi maipinta ang mukha.

"Oh, nainggit ka na naman. Ano ka ba? Stop it! At kailan ka pa naging stalker sa mga friends mo?" Awat ni Apple sa kanya. "Selos ang Pie. Uyyyy!" Biro pa nito sa kanya at humilig pa sa balikat nito na natatawa sa kanyang pinaggagawa. "Masabitan kaya ng sandok ang nguso nito."

"Apple ha, nakakarami ka na. Gusto mo ng suntok?" Itinaas pa nito ang kanang kamao at nahampas din sya kahit papaano.

"Oh tingnan mo ito. Di pa nga tayo mag-boyfriend, battered na agad ako. Ikaw talaga, awayin na naman. Puwede bang peace muna tayo, please? Ang ganda kaya ng lugar dito, so romantic..." At iminustra ang kamay para makita ni Pie ang view sa kanilang harapan.

"Bakit kasi ganito ang feelings ko. I should be happy with my friends, right? Mahal ko naman silang pareho." Pati sya ay naguguluhan na rin kung bakit ganoon ang nararamdaman nya.

"Kasi nga sobra mo na silang nakakasama. Ang bonding nyo higit pa sa magkapatid. Pero this time around let Mimi be around with Rick,  sa taong magmamahal sa kanya. I'm sure di naman siya sasaktan ni Rick, aba ako din makakaaway niya no..."

"But I hate this feeling, Apple. Ibig sabihin ba nito... I can't be close to them anymore? Magbabago na ba ang pagtingin nila sa akin? Like now... Hayun sila." At itinuro pa niya ang dalawa sa di kalayuan.

"Ano ka ba, Pie? Their your friends. I'm your friend. Walang magbabago doon. " assured nito sa kanya. "At di ba strict ang parents ni Mimi so maghihintay pa talaga yang si Rick after college."

"But I am going to miss them both, Apple. Like now, I miss my BFF so much."

"Things change. People change. Even feelings change.  Accept mo na lang yun para hindi ka masaktan. Don't worry pagdating sa akin, seryoso ako and I never change."

"Ows? Talaga lang ha... At least nandito ka pa rin."

"Sana nga, ano.. Up to college, magkasama pa rin tayo. Same school kahit iba ang course, pero magkasama't nagkikita. Halika, gawin din natin yung ginawa nila. Mag-ride ka din ng horse." yakag nito sa kanya. At tumayo na ito sa pagkakaupo at iniabot ang kamay. "Wag ka ng mag-inarte dyan, minsan lang kaya ako magyaya."

"At tinakot pa ako ng isang ito, Oo na po!"

"Yes! Walang bawian ha... Tayo na!"

Nanlaki ang mata ni Pie. "Oo na po sa pag-ride ng horse. Not to anything, Pasaway ka talaga. Sumbong kita sa Tita mo ng malagot ka,"

"At ano naman ang isusumbong mo? Di naman kita pinaiyak. Buong tyaga kitang tinuturuan sa mga lessons natin. Guwapo na at mabait pa. Saan ka pa?" At hinila na niya si Pie para sumama na ito sa kanya.

Unang beses pa lang kasi nya makakasakay ng kabayo kaya nandoon ang takot at excitement na rin. Aba kung may Rick si Mimi, mayroon naman syang Apple.

"Malapit na pala ang JS prom natin, will you be my date, Pie?"

"Ha? Ah eh... " Na parang nag-iisip pa, nakasakay na sya sa kabayo.

"Oo na kasi, pagiisipan pa ba yun ng matagal?"

"Horsey, ano, payag ka ba sa date ko? Magsalita ka naman." biro tuloy nya sa kabayo.

"Payag ako." si Apple na gumamit ng mas malaking boses.

"Okay, payag din naman ako eh..." At iniabot ang kamay kay Apple na pinisil naman nito.

My Apple Pie (Updating)Where stories live. Discover now