PART 15 - DOUBLE DATE +++

12 2 0
                                        

"Natouch naman ako d'on, Mars. Alam mo gusto ko ng umiyak n'ong habang nagku-kwento si Ms. Carlota tungkol sa buhay niya. Tapos yung inakala nating babae na masama eh mamo naman pala niya. Haay, gulo natin talaga. Tigilan na nga natin itong pagbuntot sa mga boylets mo at sobra na talagang over."

"Tama ka dyan, Mimi. Pero may Plan B pa ako eh. Akala mo ba eh susuko na agad ako gayong nasimulan na natin ito. Alam mo minsan nakakahalata na ako tulad na lang kanina. Alam mo bang malimit kang tingnan ni Rick."

"Weh, di nga? Ikaw talaga imahinasyon mo lang yun kaya. Si Rick magkakagusto sa akin? Since time immemorial eh ikaw na ang minahal niya, no?" Pinanlakihan pa ng mata si Pie.

"Ewan ko lang pero puwede nating subukan. Mag-double date tayo. Alam ko na, sa iyo ko ipa-partner si Apple at sa akin naman si Rick. We'll see kung totoo ang aking kutob. May woman instinct kaya ito, no..."

"Wala na akong sinabi. Kailan ba ang double date na sinasabi mo, Mars?

** TAGAYTAY

"Ang ganda naman ng napili ninyong lugar, so romantic." Nakatanaw si Mimi sa Taal volcano. "At ang lamig dito, ibang iba sa Maynila. Brrr..." Umuusok pa ang kanyang bibig sa ginaw.

Naging triple date pa ang nangyari dahil sumama ang Kuya Alfred ni Pie at ang girlfriend nito at kasama din nila ang mudra ni Rick na si Carlota at si Mrs. Cunanan, ang auntie/teacher ni Apple.

"Ngayon ka lang ba nakapunta dito, Mimi?" Tanong ni Apple sa kanya. Na sobrang natutuwa sa reaksyon nito.

"Tama ka, at ang ganda-ganda talaga. Gusto ko dito na lang ako tumira."

Sasagot sana si Rick na nakikinig lang sa kanila ngunit hindi na nito naituloy pa ang sasabihin dahil bigla itong hinila ni Pie.

"Alam mo, Rick. Sa dami ng aking napuntahan, ang Tagaytay na ang the best bukod kasi sa malapit na sa Manila ay can afford pa. Tamang tama lang sa budget natin. At ang gaganda pa ng tanawin." Kinindatan ang kaibigan na si Mimi.

Ayaw namang lumayo ni Rick na parang gusto ay nandoon lang sa malapit, sa tabi ni Mimi. "Dito na lang tayo, Pie.  Mas magandang magkuwentuhan dito kay sa doon." At pilit siyang pinapaupo nito.

Gustohin mang mainis ni Pie ay di nito magawa. Totoo na yata ito? May pagtingin talaga si Rick kay Mimi at siya kay... Tiningnan niya ang nasa harapan niya. Kumuha pa ng juice si Apple para dito at tapos hindi man lang siya naalalang bigyan. Mukhang may tampo pa ito sa kanya.

As if narinig ang nasa isip ni Pie, heto si Kuya Alfred nya na bitbit ang canned juice. "Uminom kayo muna." Abot nito sa kanilang dalawa. "Alam mo, Rick. Okay ang Mama mo. Cool eh. Hayaan mo ipapasok ko siya ng trabaho, puwede naman siguro syang mag-sales lady? May kakilala ako sa Divisoria."

"Kahit ano, Alfred. Ang importante lang ay mabago ang kanyang trabaho. Matagal na nyang gustong umiba ng linya eh. Salamat, Pare ha..." Sabay tapik nito sa balikat ng kaibigan.

"Wala yun, ikaw pa. Naging mabait ka dito sa kapatid ko kahit alam kong may pagka-bad boy ka dati eh ang laki na kaya ng ipinagbago mo. Paano maiwan ko na kayo, galingan mo, Rick, boto ako sa'yo."

Napangiti at napabuntong hininga lang ito. Napansin yun ni Pie agad. "Parang matamlay ka, Rick. Okay ka lang? Kanina pa malayo ang tingin mo eh..."

Pati sila Apple at Mimi ay napatingin na rin sa kanila, unang nagsalita si Mimi. "Gutom ka na yata, Rick. Halika samahan mo ako. O dyan lang kayo ha, walang gagalaw. "

Katahimikan.

.....................

"Natatandaan mo pa ba yung una tayong nagkakilala? Ang taray-taray mo talaga, sabagay up to now parang ganoon pa rin nga. The same Pie pero nag-mellow na ng kaunti lang."

Pinakinggan lang sya ni Pie. "Namiss ko yung times na lagi tayong magkasama. Nagkukulitan, nag-aasaran, naihahatid sa bahay ninyo. Pie, alam mo namang mahal kita pero bakit ayaw mo pa ring maniwala sa akin?" At hinawakan ang kanyang kamay.

"Oo, galit ako sa ginawa mo dati kasi wala kang tiwala sa akin, pinagdududahan mo pa nga ako pero tapos na yun. Sana naman ngayon 'wag mo ng idamay yung mga inosenteng tao."

Naguguluhan na napatingin si Pie sa kanya, "Hindi kita maintindihan. Ano ba ang gusto mong sabihin?" Na parang wala syang alam sa sinasabi nito.

"Si Rick may gusto siya kay Mimi, kanina ko pa napapansin yun. Nasa van pa lang tayo, sa akin mo na siya agad pinatabi. Tapos pinipilit mo siyang ilayo dito sa isa... Ano ka ba, Pie? Ang kababata mo ay may gusto kay Mimi."

"Alam ko naman yun eh, obvious naman kasi si Rick. Masyadong transparent. Sobra bang halata..."

"Super. Kaya kung gusto mong maging happy mga kaibigan mo eh pabayaan mo na lamang sila. Ipaubaya mo na si Rick kay Mimi."

Nakarinig sila ng mga tawanan. "See, sila ang nagkakaintindihan."

"Mahal ko naman silang dalawa. Kababata ko si Rick at BFF ko naman si Mimi. Bagay ba silang dalawa? Eh bakit nga nagkagan'on? Bakit na-in-love si Rick kay Mimi? Hindi na niya ako mahal?"

"Iyan ang wag mong iisipin, mahal ka nya yun nga lang, mas iba na ang dating ni Mimi kaysa sa iyo. Siguro dahil sa lagi silang magkasama na rin. Naging tulay ka na pala nilang dalawa ng hindi mo nalalaman. Give them space, Pie. I assure you mas magiging okay ang lahat."

Sabagay tama rin naman si Apple sa pinagsasabi nito sa kanya. Na mas mapapabuti si Rick sa piling ni Mimi. Ang gulo kasi ng takbo ng utak nya. Pero alam nyang masyado pang maaga para makipag-boyfriend ang kaibigan. At alam nyang willing maghintay si Rick para dito.

"Mga love birds, punta na kayo dito at baka langgamin na kayo dyan." Tawag ni Mrs. Cunanan.

Napansin nilang magkahawak-kamay pala sila at bigla iyong binawi agad ni Pie.

"Tsansing kaya yun. Ang daya mo. Matapos mo akong hindi kibuin ng one month tapos ngayon.. Hmmp!" At tumayo si Pie at naglakad papalayo...

Napakamot batok na lang si Apple. "Kibuin, lagi ko naman siyang tinuturuan. Ang labo nito."

My Apple Pie (Updating)Where stories live. Discover now