PART 14 - RICK'S TURN

12 2 0
                                    

Sobrang hiya ni Pie kay Apple matapos ang gabi na yun. This time talagang tinamaan na siya na  masakit din pala na makita mo ang tao na minsan ka na lang kibuin sa klase. Na kahit katabi mo pa ito ay parang hangin ka lang na dumadaan. Na kapag tapos na itong mag-tutor sa kanya, nagpapaalam na ito agad. Malaki talaga ang nagbago sa pakikitungo ni Apple sa sa nililigawan.Baka naman napaparanoid lang siya. Busy lang siguro talaga ito. Tama! Pie, think positive!

At dahil nga sa nabuko sila mismo ni Apple, si Rick naman ang kanilang sinunod. Sabihin ng matigas ang ulo niya pero iyon lang paraan para malaman niya kung may iba pa itong pinagkakaabalahan bukod sa kanya. Kahit magkababata sila ni Rick ay hindi naman ito nagku-kuwento.  Ang alam lang niya ay nagwo-work ang mudra nito. Kasama na naman niya syempre at kakuntsaba ang kanyang very reliable na BFF na si Mimi na as usual hindi makatanggi.

Walang pasok ng araw na yun kasi holiday so may time sila para isakatuparan ang kanilang plano. This time, hindi na sila papayag. Ang tagal na nila itong pinag-isipan. At narito sila ngayon sa mismong tapat ng inuupahang boarding house ng kababata. Nagmamasid, nagmamanman, nakikiramdam...

"Rick! Tao po!" May babaeng maiksi ang palda, makapal ang make-up kumakatok ngayon sa gate ng mismong boarding house.

"Mimi, kasama ba 'yan sa plano natin?" Napatigil si Pie ng lagok ng kanyang softdrink. Kasalukuyang tumatambay sila sa maliit na sari-sari store kaya laking gulat niya ng pagbuksan ito ni Rick at pinapasok pa sa loob ng boarding house na parang madalas na itong nagpupunta doon. At nakita rin nila kung paano ito inakbayan ng binata at humalik pa sa pisngi nito.

"Sinasabi ko na nga ba eh. Ibang klase ka talaga, Rick. Ano, sugurin na natin?" Hamon sa kanya ni Mimi. "Sabihin mo lang..." Pati si Mimi ay nahawa na din sa kanya.

"Huwag muna. Maghintay-hintay muna tayo." Pero ang totoo marami ng pumapasok sa kanyang isip na baka may ginagawa ng hindi maganda ang dalawa pero pilit niyang iniwaksi agad ito. Ayaw niyang maghusga ng wala siyang nakikitang ebidensya.

"Sige, Mimi. Puntahan na natin. Ito na siguro ang oras para malaman natin kung sino ang babaeng yun. Alalayan mo lang ako."

At dahil hindi naman nakasara ang gate ay madali silang nakapasok. Nagulat pa sila na marami palang mga pamilyang nakatira dun. Isang malaking bahay pero maraming kuwarto sa loob. Hindi naman sila pinapansin ng mga ito na para bang normal lang na makita sila. Baka siguro napagkamalan silang bagong boarder o may dinadalaw lang na kaibigan.

"Alam mo ba kung saan tayo pupunta? Magtanong na lang kasi tayo." Dinaanan sila ng isang binatilyo. "Boy, nasaan dito ang kuwarto ni Rick?" Maangas na tanong ni Mimi na ikinagulat nito.

"Nandoon sa dulong-dulo, may pasilyo dyan sa kanan," malinaw na sagot sa nito sa kanya.

Nasa tapat na sila ng kuwarto ni Rick at nagdadalawang isip pa rin si Pie. "Hindi ko kaya, girl. Tama ba itong ginagawa natin?" Akma na siyang kakatok ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si Rick. Palinga-linga pa nga si Pie at may tila hinahanap. Nasaan kaya yung sexy na babae?

"Pie! Mimi! Ginulat naman ninyo akong dalawa. Pasok." At iginiya sila ng kababata papunta sa loob. Kahit maliit lang ang kuwarto nito eh maayos namang tingnan. May maliit na katre, may mesa, silya, electric fan at puros karton na naglalaman ng mga damit nito. "Maiwan ko muna kayo. Bibili lang ako ng meryenda natin," paalam muna ni Rick sa kanila.

"Paano ba 'yan, Mars. Mukhang matino naman itong kababata mo."

"Ewan ko lang ha." At muli niyang iginala ang kanyang tingin sa kabuuan ng maliit na kuwarto nang mahagip ng tingin niya ang isang pamilyar na palda.

"Rick... Ito na ang bayad. Suklian mo na lang ako. Oops, nasaan si Rick?" Ang sexy na babae sa gate. Nakapagpalit na ito at naka-short ng sobrang iksi. Nagulat man ito ng makita sila ay hindi na lang ito nagpahalata.  "Mga kaklase ba kayo ni Rick?"

"Mga kaibigan po kami. Kababata ko po si Rick. Ako po si Pie at siya naman si Mimi."

May nginunguya itong chewing gum. "At ako naman si Carlota. Gaganda ninyong bata ah."

"Kayo rin po. Ang ganda ninyo," balik naman ni Pie.

Ngumiti ito sa kanila at umupo sa kama. Nag-umpisa itong magkuwento ng buhay niya. Na lumuwas ito ng Maynila noong 16 years old pa lamang siya. Nakapasok bilang kasambahay ngunit na-rape ng amo.  Nagkaroon sila ng dalawang anak ngunit ang isa ay namatay noong nasa sinapupunan pa lamang niya. Umalis din siya sa bahay dahil nalaman na ng tunay na asawa at pinalayas siya. Nagtrabaho siya sa mga bars sa lungsod at hanggang ngayon ito ang bumubuhay sa kanilang mag-ina.

"Sobrang MMK naman po ang kuwento ninyo. Matanong ko lang po kayo, nasaan naman po ang anak ninyo? Babae po ba siya o lalake?" curious na tanong ni Pie.

Humahangos namang pumasok si Rick na may dalang tinapay at softdrink na nakalagay sa plastic na yung isa ay nabutas pa kasi tumutulo na sa sahig. "Pasensya na kayo ha ito lang ang nakayanan kong bilhin. Siya nga pala si Pie, Mimi... Si Carlota, ang aking mahal na Ina."

My Apple Pie (Updating)Where stories live. Discover now