BACK TO SCHOOL

26 2 0
                                    

Mabilis na natapos ang summer break. Welcome batch 2014-2015! Ito ang slogan na sumalubong kina Pie at Mimi sa kanilang Alma Mater - Tabing Ilog High School. Senior year na nila ito.

"

"Alam mo bang may bago tayong classmate? Di pa lang kasi pumapasok. Wonder kung girl or boy." Nakatingin si Mimi ke Pie at tinitingnan kung interesado ba siya o hindi.

"E ano naman sa akin kung girl or boy iyong darating. Tiyak napatalsik iyon sa dati niyang school dahil super bully kamo." Nasa ganoon siyang position ng biglang dumating ang section adviser nila na si Mrs. Cunanan.

"Good Morning, class! May ipapakilala ako sa inyo ha. He is my nephew at dito na siya mag-aaral sa school natin. Transferee siya from our province sa Bicol. Let me introduce you Apple. Pasok ka na nga dito at ng ako ay makapag-umpisa ng mag-turo."

Hindi halos makapaniwala si Pie sa pumasok na bagong classmate. Kinusot pa niya ang dalawang mata at isinuot ang salamin. Totoo ba itong nasa harapan nila? Ang guy sa movie house? Ang mayabang na iyon, magiging classmate pa niya for the whole year.

"Doon ka na lang sa tabi ni Pie umupo. Mabait na bata iyan." Sabay turo sa kanya.

Napa-ismid ito ng konti pero umupo pa rin katabi ni Pie. Kantyawan tuloy ang buong klase.

My Apple Pie (Updating)Where stories live. Discover now