PART 7 - THE TUTOR

20 2 0
                                    

"Apple, bakit nandito si Pie? Kasama na ba siya sa group natin?" Naguguluhang tanong ni Tina na busy sa paggawa ng props sa House tambayan nila. Naging close na sila mula noong incident sa classroom. In fairness, ang laki ng pinag-bago ng ugali nito. Di na siya iyong mababa ang kumpiyansa sa sarili kundi isang Tina na kaibigan na ng lahat.

Nasa isang sulok lang kasi siya at may tila papel na hawak at kinakabisa. Parte ng ginagawa nilang play na Florante at Laura. Si Pie muna ang pinakiusapan niya bilang gumanap na Laura at the same time eh tinuturuan na rin niya sa iba ni lang subjects.

"Ngayon lang naman, Tina. Alam mo na may sakit ang ating lead actress so dapat may replacement man lang. Huwag mo siyang intindihin at makakabisa niya 'yan."

"Eh absent din ang ating Florante." Luminga pa si Tina at huminto din sa tapat niya. "Aha, ikaw na lang ang gumanap, Apple." Tumango lang ito.

REHEARSAL TIME

"Oh, pag-ibig na makapangyarihan sa lahat kapag pumasok sa puso nino man. Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang." Simula ni Apple na nakatingin ke Pie.

Biglang naghiyawan tuloy ang kanilang mga kaklase. "Totoo na ba 'yan, Florante?" Ang mga kababaehan naman ay parang tinamaan ni kupido, sapul na sapul. "Kung ganyan ka-guwaping ang aking ka-eksena. Go!"

Napansin ni Apple na iba na naman ang hilatsada ng mukha nito. "Break muna tayo, guys." Sabi nito sa mga kasama. "Ano na naman ba, my Laura? Huwag mo nga silang intindihin, binibiro lang nila tayo." Kinakawayan ang iba na lumayo muna pero nagpaalam na rin ang mga ito sa kanila.

Doon na biglang umiyak si Pie at niyakap siya ni Apple. Gusto man niyang makaalis dito e huli na. "Ssshhh. You're safe now." alo nito sa kanya at hinahagod pa ang kanyang likod.

"Bakit ba gusto mo na lang akong nasasaktan, ha? Sino ka ba sa buhay ko? Alam mo nakakainis ka na talaga." sabay singhot.

"Tingnan mo ito, bagong T-shirt ko e ginawa pa nyang panyo." Nakatanggap tuloy siya ng kurot dito. "Oo na, okay lang iyan. Alam ko namang ever since ako ang reason kaya ka sad."

Umalis sa pagkakayakap. "Nasaan na sila?" Ngayon lang niya napansin na sila na lang pala sa foyer. "Paano na ngayon wala na akong kasabay pauwi..." May halong kalungkutan sa boses nito at kinuha na din ang kanyang mga text books at bag.

"Ang lagay ba nyan e magpapahatid ka sa akin..." wika nito sa kanya habang inuumpisahang ayusin ang ibang props na nagkalat sa daanan.

"Eh di huwag kung ayaw mo. At tsaka susunduin kaya ako ni Rick dito. Sinabi ko ang address mo sa kanya." may katarayang sagot ni Pie at sinabayan pa ng pandidilat ng dalawang bilogang mga mata.

"Aba't tinatakot pa ako nito sa sarili kong bahay. Bahala ka na nga sa gusto mo. Bilis mong magbago ng mood. Dyan ka na nga."

Iiwan na sana siya nito ng may papasok na lalake sa kanilang gate. "O, ayan na ang sundo mo." Turo nito sa dumarating.

"See, sabi ko sa 'yo e. Hi, Rick... Iuwi mo na nga ako at baka masira pa ang araw ko sa isang ito."

Palakad na sana si Pie ng hawakan pa siya nito sa kamay at bumulong sa kanyang tenga. "Remember, ako ang private tutor mo at di mo dapat inaaway.  Magagalit si God sa iyo nyan, sige ka... Ikaw din... Wala kang blessings na matatanggap."

"At ano namang kuneksyon ni God sa issue nating dalawa, ha? At kailan ka pa naging banal? Patayuan kaya kita ng rebulto." tawa-tawang sambit ni Pie sa kanya.

Gusto man itong patulan ni Apple e nagtimpi na lamang siya at lumapit na kasi ang sundo nitong kababata. Teka, ngayon lang niya ito nasipat ng malapitan, may ibubuga rin pala ang Rick na ito. Ala-Bad boy Robin Padilla ang dating na may suot pang cap sa ulo.

My Apple Pie (Updating)Where stories live. Discover now