PART 13 - PLAN EXPIRED

14 2 0
                                    

Grocery Store

"Ibang klase ka talaga, girl. Bakit sa akin disguise ang name ang sa iyo hindi? At wala kang ginawa kundi ang tumawa ng tumawa kanina." May dala silang tig-isang basket na kunwari bibili ng marami pero sachet lang ng shampoo lang naman ang nasa loob.

"Ano ka ba e kung bigla kang makilala ng mga iyon, lagot ka sa Prince Charming mo. E ako di naman ako nila kilala, so okay lang na sabihin ko ang name ko." Habang tumitingin sa mga pabango na naroon.

"Miss, bawal iyang buksan." Biglang pigil ng Sales Lady Kay Mimi. "May tester kami. At binigyan siya ng kapirasong litmus paper.

Pagkatapos punta naman sila sa free taste sa aisle.

"Ano ba itong pinaggagawa natin? Para tuloy tayong mga sira." Habang ngumunguya ng bagong brand ng cheese dog.

"Di naman, slight lang." At hagikhikan silang dalawa kaya napapatingin ang ibang shopper sa paligid nila. "Masaya lang po kami, alam na ninyo. Mga bagong suweldo."

"Bagong suweldo ka dyan. At dahil sinabi mo na rin lang 'yan. Ikaw ang magpapakain sa akin ngayon. Kulang pa free taste na kinain ko kaya."

"Walang problema, Mars. Ikaw pa e love kita."

Pagkabayad ng sachet ng shampoo, kumain sila sa katapat na Fast Food joint na may unli-rice. Maraming tao pero nakakuha naman agad sila ng puwesto, doon nga lang sa parteng dulo malapit sa CR at sa may washing area. Muling inilabas ni Pie ang kanyang note pad.

"Dahil sumablay tayo kanina, dapat may Plan B. And don't forget si Rick. Siya naman ang susunod."

"Alam mo, Pie. Okay na sana kaso bigla ka kasing nagsalita so hayun, bulilyaso tuloy tayo." kakagat na sana siya ng barbecued chicken nang...

"Mimi? Anong ginagawa mo dito? At sino itong...?" Si Apple na kakain din pala doon ng mga oras na iyon. Nag-iba na ito ng damit at mukhang bagong paligo.

Nakaharap kasi si Mimi dito at si Pie ay nakatalikod kaya iyong rinig ni Pie sa boses ng isang familiar na boses ay biglang takip niya ng tissue sa mukha.

"Pie, ikaw ba 'yan? Anong ibig sabihin nito?" Nakatingin ito sa kanilang mga damit. "Maid? Kailan pa kayo nagpa-part time dito sa subdivision namin? Teka, sandali lang ha..."

Pumunta muna ito sa washing area para maghugas ng kamay at nagpaalam saglit. Naiwan tuloy ang dalawa na tawa na naman ng tawa kahit pinagtitinginan na sila ng mga ibang kumakain doon.

"Hala, bakit ba kasi di natin naisipang mag change costume muna. Lagot ka, Pie. Magpaliwanag ka sa Prince Charming mo." Bulong ni Mimi dito na nasa harapan niya.

"Malay ko ba na ganito ang mangyayari. Saan na ba ang lalakeng yun? Girl, nasaan ang exit? Umalis na tayo dito." At inumpisahan na niyang iligpit ang kanyang note pad.

"Ipapabalot ko muna ito sa counter.  Sayang naman mga ito, di pa nga natin nauumpisahang kainin. Hintayin mo na lang ako sa labas. Cool ka lang, Pie. Kaya natin, ito. Inhale. Exhale. Kaya ko din ito."

Pero bago pa silang dalawa makatayo ay dumating na si Apple bitbit ang tray nito. At umupong katabi ni Pie. Nagtinginan naman ang mga teen agers sa kanilang paligid na bakit ang isang guwapong katulad nito ay nasa table ng dalawang maid. Maganda nga sila pero may mga kung anong nilagay sila sa kanilang mukhang para matakpan iyon, makapal na kilay ang kay Pie at naka-salamin naman si Mimi.

"Aalis na kayo agad, di pa nga kayo kumakain. Sabayan naman ninyo ako." May halong tampo sa boses nito.

Kaya kaysa naman umalis e sinunod na lang nila si Apple at kumain sila ng tahimik. Halatang may tensyon sa pagitan nila.

Si Apple ang unang bumasag ng katahimikan. "Bakit kayo nanditong dalawa? Naghiwalay tayo ng maayos, kanina di ba?" Nakatingin ito kay Pie.

"Kasi Apple..." Pag-uumpisa ni Mimi. "Ganito iyan..."

Nagtaas ng kamay si Apple tanda na pinapatahimik muna siya. "Mimi, labas ka dito. Gusto kong marinig si Pie. Ngayon ka lang nakapunta dito, di ba?" Bumaling ulit sa katabi na nakikita niyang lasog-lasog na ang chicken sa kakadutdot nito. "Bakit kayo napadpad dito sa lugar namin? Tapos ganyan pa ang ayos ninyong dalawa."

"Wala namang masama sa ayos namin ah... Okay naman kaming tingnan." Pagtatanggol ni Pie sa sarili at sa kaibigan.

Hinawakan na ni Apple ang kamay nito. "Pie, pakinggan mo ako. Hindi mo naman sinasagot mga tanong ko eh at puwede ba tumingin ka naman sa akin." Sa malumanay na nitong tinig.

Tumingin nga si Pie pero saglit lang. Namasa na kasi ang kanyang mga mata. Kaya niyakap na lang siya nito at inalo. "Ayoko ng maulit ito, ha... Mimi?"

"Akong may kasalanan talaga, Apple. Idea ko ito." Itinuturo pa nito ang kanyang sarili.

"Magkaibigan kayo at halos magkapatid na pero kung mali na ang ginagawa ng isa sa inyo susuportahan mo pa rin ba? Magpalit na kayo ng damit at ihahatid ko na kayo pauwi."

"Galit ka? Kaya naman naming umuwi, mag ba-bus na lang kami." Habang kinukuha ni Pie ang jeans at T-shirt sa backpack niya.

Itinuro na ni Apple ang C.R. at hindi na sa kanya nakipagtalo ito.

My Apple Pie (Updating)Where stories live. Discover now