WHY I'M HERE

29 2 0
                                    

Matagal ko na po talagang gustong sumulat muli. Na-inspire po ako ng mga sunod-sunod na movies na naglabasan... na dito sa Wattpad nag-umpisa. Ang Diary ng Panget, She's Dating The Gangster at ang latest, Talk Back And You're Dead.

Kaya sana po ay suportahan po ninyo ako by simply voting for my work, commenting at the same time. Sumusulat po ako ng may kabuluhan. Kung baga sa Gilas basketball, may puso. Ginagamay ko pa po ang tama kong pagbuo ng mga stories at nagbabasa rin po ako ng ibang works para makakuha ng ibang techniques. Simple man po o hindi, basta po pinaglaanan ng oras ng isang manunulat, may lesson po ang mga 'yan.

At dalangin ko po na pagdating din ng araw ay makilala rin po ako sa mundo ng pagsusulat. Wala naman po kasing imposible sa Diyos. Muli po, maraming maraming salamat sa mga nakabasa na po ng mga babies ko, my love stories at iyong 4 liner na tula. God bless po sa ating lahat!

My Apple Pie (Updating)Where stories live. Discover now