19: Dirt

180 10 0
                                    

"What the hell, Ibara?! Where have you been?! " agad akong binalot nang mahigpit na yakap ni Av.


I also saw Marshal and Licht at her back. Staring at me, as if they were all waiting for me to say something.

"I told you, I had plans for vacation. " sambit ko nang bitawan nya 'ko.

Mabilis kong inilibot ang tingin sa loob ng bahay at nakahinga ng maluwag nang makitang wala si mama at papa.

"Where? " tanong ni Marshal habang naglalakad papalapit sa'kin.

They were looking at me as if I just murdered someone and I need to defend myself.

"Marinduque. "


"With whom? " Licht asked, looking like a lawyer with his eyeglasses and... suit? San sya galing?

Tumingin ako kay Marshal at syaka lang napansin na naka suit rin sya. May party ba na naganap?


"With my friend. " nanliit ang mga mata nila sa tanong ko. "S-saan kayo galing? Bakit ganyan suot nyo? " I changed the topic.


Av sighed and sat on the couch.


"Guildford will held a party tonight. Nung minsan ka pa hinahanap ni Tita Zenn sa'min dahil susukatan ka daw ng gown. " giit ni Licht na kinakunot ng noo ko.

"Gown? For what? "

"Para nga sa party ng Guilford, babangasan na kita e. Bilisan mo magbihis. Pinagawan ka parin ng mama mo ng gown, tignan mo kung kasya. " Av said and look at me. She looked like she haven't sleep for years.

"What happened to you? " tanong ko nang mahalata ang bagahe sa ilalim ng mga mata nya. She's wearing make up, pero mukhang palaban talaga ang eyebags nya. Di nagpapatalo sa concealer.

"Anong what happened to you ka dyan? Pare parehas kaming walang tulog kakahanap sayo sa buong Manila, tapos nasa Marinduque kana pala! Bilisan mo! Pagkatapos ng party syaka tayo mag usap. " hindi na 'ko nakaangal nang mariing pumikit si Av.


I pulled my small luggage with me, but Marshal insisted of carrying it. Dinala nya iyon hanggang sa pintuan ng kwarto ko. Akala ko ay aalis na sya pero bigla syang nagsalita.

"Si Cela Iñigo ang kasama mo, di ba? " Marshal asked. Hindi agad ako nakasagot.

He sigh and look at me with disbelief.

"Please, wag mo sabihin kila mama- "

"You can do whatever you want with your life. Pero sana naman sinabihan mo kami. Tita almost report to the police that you're missing, pero may nagsabi na may nakakita daw sa inyo. " para akong binuhasan nang malamig na tubig sa narinig.

My mother knew...

"You said you doesn't like your family because of the dirt they tainted on their hands just to save your businesses, pero ikaw mismo yung lumalapit sa dumi, Ibara. " Marshal said and shook his head with disappointment.

Lumakad sya paalis pero parang napako sa sahig ang mga paa ko.

His Filthy Secrets ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin