13: Bee

217 9 0
                                    

"Where do you wanted to go next? " a wide soft smile is painted on his lips.

"None of your business. "

Mas lalong lumawak ang ngiti nya.

"Sungit. San nga? Samahan kita. "

"I can handle myself. "

"Sure ka? " makahulugang tanong nya kaya agad ko syang sinamaan ng tingin.

We have similarities because of our family's situation, but it was still annoying because there's really a huge gap in our attitude.

He's so pushy. He can effortlessly smile. And it's also obvious that he has a lot of friends. While me, I'm struggling with everything he can do.

"S-sir, ito na po. " parehas kaming napatingin sa cashier. Binigay nya ang credit card kay Trift at kukunin ko na sana yung mga librong binili ko, pero mukhang nakalimutan nya ata na nandito ako dahil kay Trift nya rin iyon inabot.

"Thank you, miss! " he flash his wide smile again.

I saw how the cashier girl's cheeks turned red. Pati narin ang mga kasamahan nito sa likod na tila ba nakakita ng artista.

"Akin na. " I said, but Trift ignored me!

The guts! Mas nauna pa syang lumabas sakin sa bookstore habang hawak hawak ang malaking supot ng mga binili kong libro.

His legs were long. Ang lakad nya ay takbo ko na.

"Kain tayo. Nagugutom ako. " he suddenly stopped in front of me. Mabilis akong napatigil sa pagtakbo at muntikan pa 'kong matumba para lang pigilan ang sarili ko na tumama sa katawan nya.

"You should've let yourself slammed on me. Tapos matutumba tayo at matatapon yung mga libro, magkakatitigan tayo tapos mamumula yung mukha natin parehas. Tapos tatayo ka at tutulungan kita pulutin yung- "

"You watch too much of romance. " I rolled my eyes. Ni minsan ay hindi ko manlang pinangarap ang ganung bagay. Sakit lang sa katawan ang aabutin ko pag natumba kaming dalawa.

"And will you give me back my books. Kumain ka mag isa. "

"Ayaw ko maging loner. " he pouted like a kid.

"Isama mo yung babae mo. "

"Babae ko? " so, he's acting like he had an amnesia now? Playboy!

"The blonde haired girl with... big boobs. " it's so hard to say that word. Lalong lalo na at kabilagtaran nun ang hinaharap ko.

"You mean, Erzha? " he laugh. "She's my cousin! "

"Playboys and their excuses. " I hate those kind of people. Mga sinungaling.

"She really is! " malawak ang ngiti na giit nya. He bit his lip as if he's trying so hard to hold back his laughter. Anong nakakatawa?

"She's also engaged. Hindi mo ba napansin yung babaeng nasa tabi nya nung nilapitan nya ko? That's her fiancée. "

I felt my eyes widened, pero mabilis ko ring inayos ang sarili ko at tumalikod sa kanya para mauna nang maglakad.


"Hey, Ibara, wait! " hindi ako tumigil at nagdire-diretso lang sa paglalakad.

Titigil sana ako sa shoe department, nang biglang may umagaw sa atensyon ko.

It was a jewelry store and the displayed silver earrings caught my attention. Hindi ako mahilig sa jewelry, nagsusuot lang ako nun pag may okasyon. But seeing that silver bee earrings makes me want to wear them now.

"Ibara! " nagpatuloy ako sa pagpasok sa store at mabilis na lumapit sa display.

Tumingin ako sa sales lady na mabilis na lumapit sa'kin. She immediately offered a smile.

"C-can I buy this one? "

"Yes naman, ma'am! Pero marami pa po kaming choices, gusto nyo- "

"No, I want this. " I cut her off. Tumango naman sya at kinuha iyong nasa display.

"What are you- oh, mahilig ka sa bubuyog? " mabilis akong napalingon kay Trift na mukhang hinihabol pa ang kanyang hininga.

I just nodded.

"Never thought that you're a softie! " he teased.

"Shut up. "

"Gusto mo isuot na ngayon? Ako maglalagay. " malawak syang ngumiti, pero hindi ko gusto ang ideya na 'yun.

Mabilis akong umiling at lumapit sa counter para sa earrings ko.

"Sungit. "

"1,025 po, ma'am. " she said, but it's too late when I realized that I don't have money and Trift is the one who paid my books.

I almost cursed.

"Here- "

"N-no. " mabilis kong hinawakan ang pulsuhan ni Trift nang makitang babayaran nya nanaman iyon.

Why am I so stupid this day? I should've remember that I don't have a cash with me!

"You can pay me later if you want. Baka may bumili nito mamaya pag di mo pa kinuha, bahala ka. " pananakot nya sa'kin kaya agad nanlaki ang mga mata ko. He chuckled with my reaction.

"Fine. B-but I'll really pay you later! " tumango lang sya at inabot na yung card sa cashier.

Nagulat ako nang kunin nya sa sales lady yung hikaw at ipinatong yung supot sa counter bago bumaling sa'kin.

"Let me wear it for you, okay? " he said, this time his playful smile was no longer there. This time... it was soft.

Tila wala ako sa sariling tumango. Okay lang naman yun, di ba? Wala naman sigurong makakakita sa'min dito? Wala namang meaning. Isusuot nya lang naman yung hikaw sa'kin...

"Your hair. " said Trift. Hinawi ko ang buhok ko at una nyang nilagay ang hikaw sa kaliwa, pero nang ilalagay nya na yung isang hikaw sa kanan, mabilis kaming napatingin sa cashier.

His Filthy Secrets ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Where stories live. Discover now