6: Trift

311 12 0
                                    

"Kain tayo! " Marshal exclaimed right after walking outside the room. Kasunod nyang lumabas si Av na mukhang bad trip nanaman.

"I'll buy water first. Uhaw na talaga ako. " giit ko at walang pasabing hinagis kay Licht ang bag ko.

Pinigilan kong matawa nang tumama iyon sa mukha nya at muntikan pang malaglag ang kanyang salamin. He glare at me.

"Parking lot lang kami. " said Marshal as he waved his hand at me. Tumango lang ako at dumiretso na nang lakad papunta sa cafeteria.

Final exams were really draining. Ito na ang last day ng exam namin kaya hindi na namin kinailangang pilitin si Licht na sumama sa'min sa pagkain. Kung pwede lang mag aral habang nag dadrive baka ginawa na nya.

"60 po. " I smiled and give her the money. Ginto talaga ang mga tinda dito sa Javier.

"Yung velvet cake, two slices. "

Napatigil ako sa pag inom ng tubig at tumingin sa gilid ko dahil sa pamilyar na boses. My forehead creased while I'm trying to remember his face.

"You, " mutikan ko nang maibuga ang tubig sa mukha nya nang bigla syang lumingon sa'kin.

Ramdam ko ang pagpasok ng tubig sa ilong ko kaya halos hindi ako makahinga. I can even feel my cheeks turning red because of embarrassment.

"Ma'am, tissue po. " I immediately grabbed the tissue from her hands and wipe my face.

"Kung makapag react parang nakakita ng multo. " he said then laugh.

I raised my head to look at him. Sinamaan ko sya ng tingin pero mas lalo lang syang ngumisi.

"Ngayon lang kita nakita dito. " I crumpled the tissue and throw it on the near trash can. "Dito ka rin nag aaral? "

"Hindi, may sinundo lang. "

"Girlfriend mo? "

Malakas syang tumawa kaya agad na kumunot ang noo ko. Grabe, ganun ba sya kasaya na susunduin nya yung girlfriend nya? May paghawak pa sa dibdib.

"Wala nga e. Bigyan mo 'ko. "

"You mean, gusto mong ibugaw kita? " seryosong tanong ko na mas lalo nya lang ikinatawa.

"Shit, I'm sorry. I can't help it. Komedyante ka talaga. "

"I'm serious. "

He look at me and bit his lower lip to stop himself from laughing again. Pinunasan pa nya ang konting luha sa mata nya dahil sa pagtawa kanina.

"Yung bunso kong kapatid ang susunduin ko. Dito sya nag aaral. "

"Really? I thought- "

"Hoy, Trift! Nandito ka lang- " natigil ito sa pagsasalita nang mapatingin sa'kin. His forehead creased, but after few seconds his eyes suddenly widened.

"Dito kapa talaga nangcchix! Isusumbong talaga kita! " his voice was so loud that some of the students look at us.

Mabilis na tinakpan ni Trift ang bibig nya at doon ko lang napansin na nakasuot ito ng pang junior high na uniform.

So, he really have a younger brother. Hindi sila masyadong magkamukha, pero pag magkalapit sila doon mo lang mapapansin yung pagkakatulad ng features nila.

"Anak ka talaga ni Isabelle, napaka ingay mo. "

"Parehas lang tayong anak ni Isabelle! "

"Uh, " both of them look at me. Ang rude naman kung aalis nalang ako bigla. "alis na 'ko. " I look at Trift. Umayos sya ng tayo at syaka ngumiti sa'kin.

"I can drive you home. "

"Kakain pa kami ng mga kaibigan ko. "

"Ahh, " he scratch the back of his head. "then I'll just walk you outside the cafeteria- "

"Ibara. " agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita si Marshal na nakakunot ang noo.

His eyes shifted on Trift. Mas lalong nanliit ang kanyang mga mata.

"I met him at the party last week. " rason ko. Baka  kung ano din ang isipin nya gaya ng kapatid ni Trift.

"Let's go. " Marshal said with a serious tone. Hindi na 'ko nakaangal nang hawakan nya ang pulsuhan ko.

His Filthy Secrets ➵ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃Where stories live. Discover now