Napapalunok ako habang kinakapa ni Josef ang code ng kanta. Nang rumehistro ang title sa t.v. ng karaoke, napasinghap at nanahimik ang lahat.

Nagsimula ang intro. Ito pa lang ang naririnig ko ay parang pinupunit na sa gitna ang puso ko. Pero kailangan ko 'to. Gusto kong maglabas ng sakit ng nararamdaman ko kahit sa pagkanta lang. Baka sa paraang ito ay mabawasan ang pangungulila ko sa aking namayapang asawa.

Would you know my name

If I saw you in heaven?

Would it be the same

If I saw you heaven?

 

Nang kantahin ko ang unang verse ay hindi nakalagpas sa akin ang mga pag-iling ng mga taong nanonood sa akin. Ano kayang iniisip nila? Umiiling ba sila dahil pangit akong kumanta o ayaw kasi nila ang kantang inaawit ko? Kasi ako, gusto ko ito. Parang sa paraan na ito kasi, kinakausap ko si Christopher mula sa langit.

I must be strong

And carry on

'Cause I know I don’t belong

Here in heaven

 

Pumikit ako at inisip na nasa harap ko ang aking asawa. Na kasama ko lang siya at kahawak kamay ko siya. Na nasa langit din ako sa piling niya.

Nakakatawang isipin na kanina lang ay sinasabi kong magiging maayos ang lagay ko kahit na wala na siya. Na pipilitin kong maging masaya. Kinukumbinsi ko ang sarili ko na totoo ang mga sinabi ko kay Christopher ngunit dahil sa kantang ito, nagbabalik ang lahat ng sakit at mga tanong kung bakit siya kinuha sa akin. Tunay ngang hindi mo pag-aari ang lahat ng bagay dito sa mundo. May tunay na nagmamay-ari rito at kapag dumating na ang panahon na kailangan mo na itong isauli, wala ka nang magagawa kundi ibalik ito sa may-ari.

Would you hold my hand

If I saw you in heaven?

Would you help me stand

If I saw you in heaven?

 

I’ll find my way

Through night and day

'Cause I know I just can’t stay

Here in heaven

Hindi na niya ako pwedeng balikan dito sa lupa. Imposible na. Doon na siya habang buhay at magiging masaya siya at mapayapa. Pero hindi imposible na ako ang pumunta sa kanya. Maraming paraan para makasama ko na ulit siya. Maaari akong sumunod sa kanya. Ngunit nang idilat ko ang mga mata ko at nakita si tatay na malungkot ang mga matang nanonood sa akin, binawi ko at nilabanan ang kagustuhan kong makasama na ulit ang nag-iisang lalaking minahal ko bukod sa aking ama.

No. I can’t come to him. Hindi pa ngayon. May mga tao pang nangangailangan ng tulong ko. May mga tao pang nagmamahal sa akin dito sa lupa at hindi ninanais ang pagkawala ko. I have my father, my cousins, my tito and tita, and all of my friends here. Kahit hindi man nila sabihin, alam kong mahal nila ako. Nararamdaman ko iyon sa mga tingin nila. Kung tingnan nila ako ngayon ay parang handa silang protektahan ako sa pagsugod ng bawat sakit na tumutusok sa kaluluwa ko.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon