Romualdo Part 8

1.5K 116 2
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 23, 2019

*****

STORY 3

Romualdo

Part 8

Mga ordinaryong araw na lumilipas sa buhay namin ni Rom, tila ba nakasanayan ko na rin na hintayin ang alas 10 ng umaga para siya ay magising at maging tao muli at magiging malulungkot naman pag sapit ng alas dose, iyon kasi ang oras na mag babalik siya bilang isang mannequin. Katulad nga ng sinabi ng diwata, walang perpektong kaligayahan dahil may limitasyon ang lahat at sa tingin ko ay paunti unti ko na ring nauunawaan ang kanyang nais ipa batid.

"Ako na ang mag dadala ng mga iyan, sayang naman itong laki ng katawan ko kung hindi kita tutulungan." naka ngiting wika ni Rom isang umaga noong isama ko siya sa pamilihang bayan.

"Ako na, magaan lang naman iyan." naka ngiti kong tugon.

"Baka mapagod ka, masama sa iyo ang magbuhat ng mag buhat." tugon niya sabay kuha sa basket.

"Hala, landian dito sa wet market? Mag 50 50 kayo ng dadalhin, ikaw papa Rom dalhin mo itong mga karne, ikaw pala baks dalhin mo itong mga gulay, oh yung petchay mo medyo bugbog na. Hindi kaya yata magandang pumili ng veggies." ang hirit ni Beng

Habang nasa ganoong posisyon kami ay may lumapit na isang middle age na beki sa aming kinalalagyan. Naka ngiti ito at agad kaming binati. "Hi, ako si Paulet, isa akong talent manager at kanina ko pa pinag mamasdan ang binatang ito." ang wika niya sabay turo kay Rom. "Ang gwapo mo pala talaga kesho malayo o malapit. Ibang klase ang awra, gusto mo bang sumikat? Nag hahanap ako ng model para sa aming magasin." ang wika nito

"Magasin? Baka naman Gay magasin iyan o kaya ay porn? Ayaw namin niyan." ang wika ni Beng

"Gaga, matinong magasin ang "sweety". Magasin ito para mga bagong fashion trend, mga health care para sa mga kalalakihan at mga tips para sila ay maging isang ulirang jowa. Ano pogi gusto mo ba? Sa gwapo mong iyan pwede pa kitang isali sa mga ramp modeling o kaya ay sa mga international pageants! Ang ganda ng katawan mo at napaka perfect para kang mannequin na nabuhay. Alam mo iyon? Mga term sa mga hindi matatawarang kagwapuhan." ang pag hanga nito habang naka hawak sa bilugang braso ni Rom at pinipisil pisil ito.

"Para saan ba iyon?" tanong sa akin ni Rom na halatang hindi maunawaan ang pinag uusapan.

"Kinukuha kang maging isang modelo." ang tugon ko

Facets (BXB Fantasy Collection)Where stories live. Discover now