Reyna Part 8

1.5K 105 1
                                    

PAUNAWA:

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 13, 2019

********

STORY 2

Reyna

Noong mga sandaling iyon habang nakayakap ako sa aking dalawang best friend ay nabubuo ang isang mahalagang desisyon na ipag tapat sa kanila ang lahat ng aking nararanasan, alam kong hindi nila ako mauunawan at hindi sila maniniwala sa mga sasabihin ko pero naisip ko na totoong tao sila sa akin, tinanggap nila ako, pinakain at binigyan ng libreng silid na matutuluyan. Deserve nilang malaman ang babaihang katotohanan tungkol sa akin at kay Precious.

Part 8

At katulad nga ng aking napag isipan, noong gabing iyon ay hindi na ako nag aksaya ng pag kakataon. Seryoso kong kinausap sina Betty at Larry tungkol sa kababaglahang nagaganap sa aking pag katao sa tulong ng mahiwagang bra ng katarungan. Pinapasok ko sila sa aking silid at dito ay tumayo ako sa kanilang harapan.

"Ikaw Alfredo ha kapag hindi bumenta sa amin ang paandar mong ito ay papalayasin na talaga kita dito sa parlor ko." ang wika ni Larry

"Ano ba iyan kasi frend, gabi na oh. Sa daming ng ginupitan at nirebond ko ngayong araw ay parang ayoko nang makinig sa iyo." ang nag hihikab na hirit ni Betty

"Sandali mahalaga ito. Paano ba ako mag sisimula. Naniniwala ba kayo sa magic? Sa isang mahiwagang bra na kapag isinuot mo ay gaganda ka at magiging babaihan na may powers na 98.26%?" tanong ko

"Walang ganon, sa mga fantasy story lang may mga ganon." ang pag tutol ni Betty

"Diba sabi ko naman saiyo bawas bawasan mo ang pag babasa sa wattpad. Yang fantasy story ni Ai Tenshi na paborito mong manunulat ay may sumpa, hayan naapektuhan na ang utak mong hindi pang babaihan." ang wika ni Larry

Natawa si Betty. "Ano ba iyan, pati ba utak nitong si Alfredo ay hindi babaihan?"

Tawanan sila..

Nainis ako at nag hubad sa kanilang harapan. "Manood kayo mga bakla. Siguradong luluwa ang mga eyeballs ninyo." wika ko naman

"Yuck! Hindi tayo talo noh! Ni minsan ay hindi ko pinangarap na makita ang kahubaran mo. Mainam pang mag suicide nalang ako!" ang wika ni Larry habang naduduwal

"Anong klaseng bakla ka ba? Bakit kailangan mong ipakita ang maskulado mong katawan sa amin? Nakakadiri ka namam Freda!" ang hirit ni Betty

"Huwag nga kayong ambisyosa, mga madudumi ang utak niyo. Heto ha, manood kayong dalawa sa magaganap sa akin." ang wika ko sabay pakita sa bra. Itinapat ko pa ito sa kanilang mga mukha para ipag mayabang ng husto

Facets (BXB Fantasy Collection)Där berättelser lever. Upptäck nu