CB Part 2

3.9K 219 19
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Jan 28, 2019

*******

STORY 1

Cinderella Boy

Maya maya ay inihagis niya ang aking pitaka sa aking harapan. "Ayan yung pitaka mo, nahulog iyan nung mag nanakaw. Siguro ay natakot dahil may ulikbang humahabol sa kanya. Kunin mo na at mag ingat ka sa susunod." ang wika niya

Tila, lumuwag ang aking dibdib at nabunot ang tinik ng pag aalala sa aking lalamunan. "Salamat." ang tugon ko sabay kuha sa aking pitaka at nag tatakbo ako palayo doon sa lalaking aking nakabangga.

Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil naka kubli ito sa madilim na eskinita, ngunit ang kanyang ngiti ay aking nasisilayan, matamis ito at punong puno ng sigla.

Part 2

"Bakit hindi mo sa amin sinabi na pupunta sa bayan ni Ronnie San Sebastian? Iyon na ang pag kakataon para mabighani siya sa ganda ko e!" ang pag mamaktol ni Olrac habang nag hahain ako ng almusal.

"Tiyak na matatakot siya sa ganda mo at atakihin pa iyon sa puso kapag naisilayan ka. Kami ni Papa Ronnie ang meant for each other at wala kang magagawa doon my dear sister!" ang pang aasar ni Orson at doon ay nag bangayan nanaman silang dalawa. Halos sa araw araw na ginawa ng Diyos ay walang oras na hindi siya nag laban o nag inisan.

"Ellwood, pag katapos mong mag laba ay linisin mo ang buong bakuran, pag katapos noon ay hugasan mo ang patatas at gawan ng french fries ang dalawa kong magandang anak." ang utos ng madrasta ko

"At mag balat ka ng patatas na nakapiring ang mata mo. Akala ko ba ay magiging madali sa iyo lahat?" ang sabad ni Orson

"Pag katapos mo kaming gawan ng french fries ay mag laba kana. At huwag kang gagamit ng washing machine o dryer ha. Ayokong maalis ang mga beads ng dress ko." ang maaaring wika ni Olrac

Tango lang ako ng tango, halos sanay na rin kasi ako sa walang patid at walang kasawa sawang pag uutos nila sa akin.

Matapos ang gawain, muli ako inutusan ng aking madrasta sa bayan. Katulad ng dati ay lumakad ako hanggang makalabas sa kanto at dito ay sasakay ako ng trisikel. Ang akala nila ay nag lalakad talaga patungo doon kaya naman walang patid na pag tawa ang kanilang ginagawa habang pinag mamasdan ako sa balkunahe ng bahay.

Pag dating ko sa bayan ay naabutan kong nag kakagulo nanaman yung mga tao lalo na yung mga babaihan na beki. Lahat sila ay nakikipag siksikan sa gilid ng kalsada, siguro ay dadaanan naman yung sasakyan ng lalaking kanilang hinahangaan. Yung anak ni Don Miguel San Sebastian, na isa sa pinaka mayaman at makapangyarihang tao sa buong bansa. Buhay hari ika nga, at ang kanyang anak naman ay talagang hinahangaan ng lahat kaya heto halos nababalik sa kanya ang lahat.

Facets (BXB Fantasy Collection)Where stories live. Discover now