Romualdo Part 4

1.6K 123 1
                                    

PAUNAWA:

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 20, 2019

********

STORY 3

Romualdo

"O diba? Love is on the air! Pero nais kong ipaalala sa inyo ang kasunduan.Ang kristal na puso ay makapangyarihan dahil nag bibigay ito ng buhay ngunit nais kong malaman ninyo na ang kaligayahan ay may limatasyon. Meaning ay may oras lamang ang pagiging tao ni Romualdo. Simula bukas, pag tapat ng alas dose ng hating gabi ay babalik siya sa pagiging mannequin. Pero huwag kang mag alala dahil muli siyang magiging tao pag tapat ng alas 10 ng umaga." ang wiika nito

"Bakit may oras?" ang tanong ko naman

"Dahil hindi maaaring mag tuloy tuloy ang kaligayahan Top, kinakailangan ay maging balanse ang lahat. Kung parati kang masaya ay baka kunin kana ni Lord agad agad. Ang ibig kong sabihin ay mawawalan ng saysay ang kalungkutan. Maging masaya ka nalang sa mga bagay na nararanasan mo ngayon hijo." ang wika niya

Part 4

Hindi ko alam kung totoo ba yung nangyari kagabi dahil pag gising ko ngayong umaga ay parang normal naman ang lahat. Si Romualdo ay nakatayo pa rin sa lugar kung saan ko siya iniwan pag katapos naming mag sayaw. Pero kakaiba talaga ang aking panaginip, para itong totoo na hindi ko maintindihan. Hanggang ngayon ay natatandaan ko pa rin ang itsura ni Rom noong naging tao siya. Sobrang gwapo, maganda ang mata, matangos ang ilong, mapula ang mga labi at kung tumitig ay parang laging nang aakit. Pero imposible naman kasi talaga na mabuhay ang isang mannequin.

"Top, ikaw na ang bahala sa tahian. Kapag may nag dala ng pagawa ay sabihin mong nag tungo lang ako sa seminar doon sa kabilang bayan. Huwag mong kalimutang kuhanin ang sukat at pangalan nila. Darating raw dito si Beng para ikaw ay tulungan. Isara mong mabuti itong mga pinto para walang makapasok na loko loko." ang wika ng aking ina habang abala kami sa pag aalmusal.

"Inay, ayos lang ako. Alam ko na ang gagawin ko kaya wala kang dapat ipag alala."

"Noong huling sinabi mo sa akin na huwag akong mag alala ay iyon ang oras na inatake ka sa puso. Kapag sinasabi mo ang ganyang bagay ay mas lalo akong binabalot ng pangamba."

"Inay, ang nangyari noon ay aksidente lamang. Sabihin na natin na may nanakit sa akin." tugon ko dahilan para mapabuntong hininga siya. "Anak, ayos lang na mag dala ka ng kaibigan dito sa bahay pero sana ay kikilalanin mong mabuti ang kanyang pag katao para hindi ka nasasaktan." wika niya dahilan para matahimik ako at napatingin nalang sa sahig.

Facets (BXB Fantasy Collection)Where stories live. Discover now