Reyna Part 12

1.6K 115 9
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 14, 2019

********

STORY 2

Reyna

Part 12

Lumipas ang mga araw sa aking buhay, masaya at perpekto pa rin ang aking karanasan sa QofQ Org, iyon nga lang ay talagang mainit ang dugo sa akin ni Marga bagamat madalang kaming mag kita ay ramdam ko pa rin ang panlalait niya sa akin at kung minsan madalas niya akong pinariringgan na "peke" at "mapag panggap". Kaya upang maiwasan ng tensiyon sa loob ng gusali ay madalas akong iniiwas kapag siya ay dumarating. Syempre ay ayoko rin naman ng gusot at ayoko nang madamay pa ang ibang tao sa akin.

Tungkol sa amin ni Brad, maayos ang aming samahan bilang mag kasintahan, tuluyan na niyang kinalimutan si Marga at sa akin ibinaling kanyang atensiyon. Tuwing hapon ay sinusundo niya ako sa org at dinadala sa kanyang condo, dito ay madalas kaming mag talik at mag pakasaya sa aming sarili mundo. Suportado ng aking mga kasama sa Org ang aming relasyon, pwera ulit kay Marga na walang humpay ang pag papasaring sa akin sa social media.

Mabuti ang pakikitungo ko sa aking mga kasama, halos araw araw ko silang pinakikisamahang mabuti, spoiled din sila sa akin dahil tuwing uuwi ako galing sa date ay mayroon akong pasalubong sa kanila. Ako nga raw ang pinaka mabait at "sweet" na babaihan sa buong org at sa aming dormitoryo.

Tahimik..

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakatanaw sa kalayuan, naka upo ako sa balkunahe ng isang lumang club house na naka harap sa berdeng bukirin, halos naging tambayan ko na ito kapag nais kong mag isip ng maayos.

"Bulaga! Anong kadramahan ito?" ang bungad ni Fairy Fairy na biglang sumulpot sa akin tabi.

Tumingin ako sa kanya "Sa tingin mo masama ba akong tao?"

"Hala, bakit mo naman itinatanong ang mga bagay na iyan?" ang pag tataka niya

"Dahil niloloko ko sila, niloloko ko si Brad na nag mamahal sa akin. Paano ko sasabihin sa kanya na ang magandang baklang minahal niya ay isang chaka at ulikbang nilalang sa totoong buhay?" ang tanong ko

"Eh hindi ko alam. Lumandi ka e, wala naman talaga sa plano ang umibig ka diba? Nandoon ka sa Org na iyon para matuto at hindi para mapag totnak sa ari ni Brad na otso pulgada, kaya di ka na makatayo ng maayos e. Ngayon alam ko na kung bakit medyo sakang si Marga!" ang wika niya

Facets (BXB Fantasy Collection)Where stories live. Discover now