Reyna Part 11

1.6K 104 2
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 14, 2019

*********

STORY 2

Reyna

Part 11

Alas 6 ng hapon noong mag simula ang party. "Babaihan Nights" kung tawagin ng mga bumubuo sa Organization. Halos alas 4 palang na hapon ay abala na kami sa pag aayos, ang lahat ay excited nang rumampa sa red carpet kasabay ang kanilang mga boyfriends, yung mga walang jowa naman nag imbita nalang ng kaibigan lalaki na maaaring mag escort sa kanila. Ang lahat ay puno puno ng hindi mapapantayang kaligayahan noong gabing iyon.

Alas 7 ng gabi noong dumating si Brad sa dormitoryo para sunduin ako. Ang ibang mga kasamahan ko ay nauna sa venue dahil maagang dumating ang kanilang mga escorts. Suot ni Brad ang isang itim suit na may pulang neck tie katerno ng aking gown. "Sorry, katatapos lang kasi ng practice game namin. Late na ba ako?" ang tanong niya

"Hindi naman, tamang tama lang ang dating mo" naka ngiti kong tugon noong inaabot ang kanyang kamay. "God, you're so beautiful.." ang wika niya habang naka titig sa akin.

Sakay ng kanyang sasakyan, nag tungo kami sa venue..

Sa labas palang ay rinig ko na ang magandang musika pero gayon pa man ay ibayong kaba ang aking naramdaman lalo na't si Brad ang aking kasama ngayong gabi. Gusto kong maging perpekto ito kahit sa loob lamang ng ilang oras. Alam kong may limitasyon ang kasiyahang ito kaya naman bawat segundo ay ninamnam ko ng husto.

Pag pasok palang namin sa bungad ng red carpet ay dinagsa na kami ng mga litratista, napatingin rin sa akin ang ilang mga kasama ko sa org at lahat sila na napahanga ng husto. Syempre ay may ilang na shock dahil si Brad ang aking escort, may ilang natuwa at may ilang ring tumaas ang kilay.

"You look stunning darling." ang wika ni Justine sabay halik sa akin.

"Salamat po Miss Justine, ikaw rin sobrang ganda mo." ang papuri ko naman.

"At ikaw ang pinaka gwapong escort Mister Brad Ford." Biro rin niya sa binatang aking kasama.

Nag simula ang party, ang lahat ay kumikinang, ang lahat ay nag gagandahan. Halos wala akong mapag sidlang kaligayahan habang kapwa kami kumakain ni Brad sa isang romantikong table. Para kami nag dadate at nag susubuan pa ng pag kain. Hindi na ako nahihiya sa kanya at komportable na rin ako sa kanyang mga hirit na sweet at nakaka inlove.

Music Playing

Crush

David Archuleta

Facets (BXB Fantasy Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon