CB Part 11

3K 191 11
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 6, 2019

*******

STORY 1

Cinderella Boy

Gayon pa man ay nakaukit ng kakaibang ngiti sa aking labi dahil epektibo yung ginawa kong pangungonsensiya kay Jeffrey, kitang kita ko sa kanyang mata ang pag aalala noong sabihin kong muntik na akong mamatay dahil sa kalungkutan. Medyo desperado ang datingan pero ayos lang iyon, atleast ay alam niyang nasaktan ako ng sobra.

Part 11

Lumipas ang mga araw sa aking buhay, naging abala ako sa aking dalawang katauhan bilang si Eloy at Yoel. Ewan, ngunit habang tumatagal ay para bang mas nag eenjoy ako bilang ibang tao. Minsan ay bigla na lang ako lalakad sa bayan bilang isang gwapong binata na hinahanangaan ng aking mga nakakasalubong. May pag kakataon rin na parati kong inaasar o sinisisi si Jeffrey kaya't hindi na niya nakikita si Eloy. Pero gayon pa man ay masaya ako dahil nakakasama ko siya, yung tipong hindi na ako naalangan kapag lumalakad kami. Ngayon ay pareho na kaming gwapo, parehong maputi, maganda ang katawan, matangkad at makinis. Hindi katulad dati na mukha akong alalay ni Jeffrey kahit pareho lang naman kami ng damit na pang araw araw, minsan ay mas madusing pa nga siya sa akin.

Sa mga araw na nag daan ay madalas ring naiimbyerna ang aking mga kapatid kapag nakikita nila ang katauhan kong si Yoel, kahit hindi ito babaihan ay talagang nat-threat sila na baka mas piliin ng anak ni Don Miguel ang isang lalaki rin. Kaya naman kapag nakikita si Yoel (ako) na nag lalakad sa labas ng bakuran ay hinaharang nila ito at inuutusan ng sobra sobra.

"Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin maka lakad si Eloy dahil sa matinding kalungkutan? Talaga bang nakakalumpo iyon?" ang tanong ni Jeffrey habang lumalakad kami.

"Ewan, baka masyadong nag damdam si Eloy kaya ganoon." ang sagot ko naman.

"Isang buwan ng mahigit ah, baka naman talagang may sakit na iyang pinsan mo Yoel?" tanong niya

"Ewan ko ulit, basta ayaw ka niyang makita dahil hindi pa siya nakaka move on. Matindi talagang mag mahal iyang si Eloy. Teka, ayaw mo ba talaga sa kanya?" ang tanong ko

Natahimik siya at parang nabusalan ang bibig. "H-hindi naman sa ganoon. Marami lang akong bagay na hindi ko maunawaan sa aking sarili. Parang hindi pa ako sigurado kung anong klaseng tao ang gusto ko."

"Bakit? Mukha bang halimaw si Eloy at sa tingin mo ay hindi siya tao? Napaka sama mo talaga sa kanya!" ang galit kong salita

"Teka, wala naman akong sinasabing ganyan. Basta mahirap ipaliwanag. Ako na lamang ang gagawa ng paraan para makita siya." wika nito sabay buhat sa kanyang mga gamit na dadalhin sa kabilang tindahan.

Facets (BXB Fantasy Collection)Where stories live. Discover now