CB Part 4

3.2K 205 11
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 1, 2019

******

STORY 1

Cinderella Boy

Part 4

"Tingnan mo mama! Ang ganda ko diba? Bagay na bagay sa akin this gown at itong sumbrerong bulaklakan is perfect! I heart you mother!!" ang wika ni Olrac habang lumalabas sa bakuran.

"I heart you, too my beautiful daughter." ang sagot ng aking madrasta na parang naluluha pa sa ganda ng kanyang maskuladong anak.

"Eloy, bilisan mo nga! Buhatin mo na lahat dito iyan, malalate na tayo sa piknik!" utos ni Orson na noon ay nakasakay na sa sasakyan.

Agad kong binuhat ang mga gamit at inilagay ito sa likod ng sasakyan. "Mama, ayokong may gamit dito sa kotse! Hindi ako maka kilos ng maayos! Ang sikip sikep!!" ang maarteng pag iinarte ni Orson.

"Oo nga naman mama, saka huwag mong sabihin na dito sasakay iyang si Eloy? Ayoko siyang katabi baka madikitan ng balat niya yung gown at maging uling!" ang reklamo ni Olrac

"Girls, huminahon kayo. Ang mabuti pa Eloy ay ibaba mo na lamang ang mga gamit at sumakay ka na lamang sa pampasaherong sasakyan. Pwede ka ring mag lakad kung gusto mo. Bilisan mo na." ang wika ng aking madrasta.

Wala naman akong nagawa kundi ang buhatin ulit pababa ang lahat ng gamit at sumakay sa trisikel. "Bye Eloy! At huwag kang mahuhuli ha! Lagot ka sa akin!" ang wika pa ni Orson sabay taas sa kanyang kamao.

Umandar ang kanilang sasakyan at iniwanan akong nakatayo sa tarangkahan..

Hindi pa sila masyadong nakakalayo noong pumara ako ng trisikel, ang lahat ng gamit ay inilagay ko sa loob at ako naman ay sumabit nalang sa sidekick. Halos isang oras rin ang byahe paikot sa bundok at nakatagal pa rito ang hindi magandang daan..

Pag dating ko doon ay agad akong inutusan ng aking madrasta na mag latag ng banig sa ilalim ng malaking puno paharap sa malinaw na batis. Maganda ang buong paligid, tahimik at nakakarelax sa pakiramdam. Mula rito sa itaas ay makikita ang kabilang parte ng bayan kung saan naroon ang lupain at magarbong tahanan ni Don Miguel.

"Girls, tingnan niyo ito. Ang mala palasyong bahay na iyan ay pag aari ni Don San Sebastian at ng kanyang anak. Hindi mag tatagal ay iiwanan nyo na ako at diyan kayo titira." ang wika ng aking madrasta na naluha luha pa.

Yumakap si Orson sa kanyang ina. "Tiyak na mamimiss kita mama. Balang araw ay magiging tahanan ko na rin ang malaking lupain na iyan. Ang kalahati nito ay gagawin kong parlor at ang kalahati naman nito ay gagawin kong Gay bar."

Facets (BXB Fantasy Collection)Where stories live. Discover now