CB Part 8

3K 181 12
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 5, 2019

********

STORY 1

Cinderella Boy

"Ganito kasi iyon, sa mundo namin ng mga diwata ay mayroon tatlong stand out na sexy, maganda, super hot at pinapantasyang diwata. At isa ako doon sa tatlong iyon. Ngayon ay isa sa amin ang tatanghaling "Fairy Queen 2019". Pero bago namin makuha ang title na iyon ay kinakailangan kaming tumulong sa isang taong katulad mo na hopeless, kaawa awa at walang ganda sa buhay. Alam kong mahirap ang pinag dadaanan mo sa araw araw lalo't nireject ka pa ng lalaking iyong nagugustuhan. Pero nanatili kang matatag at ang iyong puso ay napaka busilak. Medyo tanga ka lang dahil nag papa alipin ka sa madrasta mo at sa dalawang anak niyang kapre pero ganoon talaga ang buhay Eloy. Parang gulong iyan, minsan umiikot, minsan na fflat at muling aandar." ang wika nito na napaka emosyonal ang dating.

"Ano po ang maitutulong ko?" ang tanong ko.

"Ikaw ang aking magiging subject! Ikaw Eloy ang aking magiging model! Ang mga katulad mong kawawa at inaapi sa lahat ng aspeto ng buhay na parang si Cinderella, Marimar, Princess Sarah at Espenranza. Ikaw ang tutulungan ko. Ano ayos ba? Sa ganitong paraan ay matutulungan mo na rin ako para tanghaling Fairy Queen 2019. Siguradong yung dalawang kalaban ko ngayon ay massquirt sa sobrang takot!" ang wika niya.

Part 8

"Oy Eloy, mamalengke kana. Bilisan mo ha. Pag ikaw ay ginabi ulit ay malilintikan ka sa akin. Nakita mo ba itong kamaong ito? Ito ang tatapos sa iyo!" ang wika ni Olrac sabay lilinis sa kanyang manggas at ipinakita ang kanyang masel.

"Ay! Ano ba iyan sis, bakit ganyan yung kili kili mo may buhok! Nakaka diri ka naman! Not so babaihan." ang maaarteng wika ni Orson sabay pakita sa kanyang flawless na kili kili. "Yan, ganito ang kili kili ng babaihan, walang buhok!"

"Walang buhok pero may anghit! Pwe!" ang hirit ni Olrac. "Hoy Eloy, pag uwi mo ay ahitin mo ang hair ko sa kili kili at binti ah. Bumili ka ng matalim na pang shave doon at naku wag na wag kang mag kakamaling ma late ng uwi dahil bibigwasan kita!"

"Sige, uuwi ako ng maaga Olrac para ahitin ang makapal mong buhok sa kili kili." ang tugon ko dahilan para magalit ito kaya naman agad kong kinuha ang bag at nag tatakbo palabas ng tarangakahan. Ang totoo noon ay ayoko talagang mamalengke dahil baka makita o makasalubong ko si Jeffrey. Pero ganoon siguro talaga, kung maliit ang mundo ay maliit talaga ito at wala akong magagawa doon.

Facets (BXB Fantasy Collection)Where stories live. Discover now