Romualdo Part 5

1.7K 131 6
                                    

PAUNAWA:

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 19, 2019

********

STORY 3

Romualdo

Part 5

Araw ng sabado, napag desisyunan namin ni Beng na ipasyal sa labas si Rom. Para makita na rin niya ang ganda ng mundo sa labas. Sa pag lipas kasi ng mga araw ay madalas lang kami sa silid at nag kkwentuhan. Ipinakilala ko rin siya sa aking ina at syempre ay hindi ko sinabi ang totoo sa kanya. Pinakilala ko si Rom bilang pinsan ni Beng na isang modelo sa kabilang siyudad at nandito siya para mag bakasyon. Hindi naman mausisa si Inay kaya't hindi na ito nag tanong pa, bagkus ay natuwa pa nga siya dahil kakaiba raw ang kagwapuhan ni Rom, parang hindi tao kung iyong tititigan.

Tawa nalang kami ni Beng..

"Wag mo naman masyadong ibongga ang damit ni Romualdo, baka maya maya ay mapag kamalan pa tayong alalay niya. Okay na iyang tshirt sa pantalon. Panalo na iyan." ang wika ni Beng

Agad ko namang kinuha ang mga damit at ibinigay ka Rom na noon ay katatapos palang maligo. "Pag katapos mong mag bihis ay nasa baba lang ako. Hinihintay ka namin doon." ang wika ko

"Sandali, paano ba kinakabit ang mga ito?" tanong niya sabay turo sa mga sinturon, relo at kwintas.

Natawa ako at lumapit sa kanya. Nasa ganoong posisyon sya noong bigla niyang hubarin ang tuwalya na naka takip sa kanyang bewang dahilan para bumuyangyang sa aking harapan ang kanyang maganda at perpektong katawan. Putok ang dibdib, may abs ang tiyan at maganda ng likuran. Naka agaw pansin rin sa akin ang kanyang maputing ari na parang lantang gulay. "Hala, mag damit kana at baka ka sipunin." ang utos ko naman sabay abot sa kanya ng brief at damit.

"Salamat." ang naka ngiti niyang tugon at nag bihis siya sa aking harapan. Wala siyang arte sa katawan at lalong walang paki kung makita ko pa ang kanyang kasingit-singitan. Basta naka ngiti lang siya at halatang excited sa aming pamamasyal.

Tumayo ako sa kanyang likuran at ikinabit ang sinuturon sa kanyang bewang. Nilagyan ko rin ng relo at kwintas ang kanyang braso at leeg para naman may accessories ang kanyang katawan. Ewan, kahit yata pag suotin mo siyang basahan ay babagay pa rin. Yung tipong nakaka batobalani talaga ang kanyang taglay na kagwapuhan. May pag kakataon nga na nawawala ako sa konsetrasyon lalo na kapag nag kkwentuhan kami at nakatitig lang siya sa akin na animo isang tanga. Pero parang may kakaibang kilig ako nararamdaman sa tuwing mag tatagpo ang among mga mata.

Facets (BXB Fantasy Collection)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt