Reyna Part 6

1.6K 103 7
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 12, 2019

********

STORY 2

Reyna

Noong makalabas ako ay biglang nag tunugan ang mga babaihan counter sa paligid. Tiyak na naka detect ito ng malakas na babaihan power katulad ng nangyari kanina kay Marga noong dumaan ito.

Patuloy sa pag tunog..

Maya maya ay huminto ito at napatingin sa akin ang lahat..

"Bakit? May mali ba?" bulong ko kay Justine

Natawa siya "wala. Nashock lang sila noong maka kita ng ganito." ang wika niya sabay pakita sa akin ng guider counter na kanyang hawak.

At dito ay nakita ko ang nakalagay na..

98.26%

Part 6

"98% babaihan powers? Imba rin si Teh! 2% lang ang lalakihan sa kanya. Jusko! Baka naman tunay na babae iyan?" ang nakataas na kilay ng mga palikante.

Kaya naman lumapit ako sa kanila at nag salita. "Pwede po bang pahiram ng ballpen." ang wika ko na ang boses ay medyo malaki pa rin.

"Ay boses lang ang medyo lalakihan sa kanya. Nakakainggit ka naman teh, naka mag kano ka ba dyan? Overall retoke ba iyan?" ang tanong ng mga ito kaso ay hindi na ako nakasagot dahil hinila ako ni Justine sa pinaka harap. "Ilagay mo na rito yung application mo Hija, ako na ang bahala dyan." ang naka ngiti niyang wika.

"Hanggang dito ba naman sa pila may politics pa rin?" pag paparinig ng mga beki sa likod.

"Kahapon pa rito si Miss Precious kaya inuna ko na siya." ang sagot ni Justine sabay kindat sa akin.

Noong mga sandaling iyon ay rumampa ako sa hallway sa ground, feel na feel ko ang kagandahan ko. Paki wari ko ay walang tatalo sa akin noong oras na iyon. Marami mga beki ang nagalit sa mga kasama nila boyfriends dahil ang mga ito halos mabali ang leeg sa tingin sa akin. Marami rin naimbyerna at nag duda kung bakla nga ba ako o isang babae.

Hapon na noong ako ay makauwi. Pag pasok palang sa parlor ay bumulaga na sa akin si Larry. "Hoy Alfredo, saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap, bigla ka nalang nawala doon sa gusali." ang paninita nito

"Ah e, nag karoon kasi ng aksindente doon sa palengke yung kasamahan ko doon ay isinugod sa ospital kaya agad akong nag tungo doon, pasensiya na kung hindi ko na kayo nasabihan, emergency kasi. Teka, anong nangyari?" ang tanong ko

Facets (BXB Fantasy Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon