Reyna Part 13

1.4K 113 10
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 15, 2019

*******

STORY 2

Reyna

"I don't know kung anong klaseng nilalang ka pero panahon para ipakita mo ang sarili mo witch!! Demon o kahit ano pang kamalignuhan ang mayroon kaaaa!" ang sigaw nito at dito ay sinabunutuan niya ako, lumapit sa akin ang kanyang mga alalay at sapilitang winasak ang aking damit, inalis nila ang bra sa aking dibdib at dito ay laking gulat nila ng bumalik ako sa pagiging si Fredo.

Shock ang lahat at napasigaw! Halos hindi sila makapaniwala sa nakikita ng kanilang mga mata..

"Halimaw? Mambabarang! Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ka, pero kung wala ang bra? Wala na rin si Precious. Goodbye fake!" ang wika niya at dito ginupit gupit niya ang bra na kanyang hawak.

Noong mga oras na nag desisyon akong lumalis sa isang magandang panaginip ay siya namang pagiging bangungot nito. Tila masisiraan ako ng bait noong mga oras na iyon.

Part 13

Ang magandang panaginip ay biglang natapos sa isang malagim na bangungot. Tama nga sila na ang kaligayahan ay may limitasyon, kaya kung masaya ka ngayon ay maaaring matakot ka bukas dahil tiyak na walang katapusang luha ang maidudulot nito sa iyo.

Wala akong tigil sa pag takbo habang ang aking katawan ay walang humpay sa panginginig, para akong masisiraan ng bait kapag naalala ko ang mga pangyayari kanina, si Brad ay natakot sa akin at ang aking mga kasama sa Org ay tiyak na itinakwil ako dahil niloko ko sila at niloko ko rin ang aking sarili. Iyon ang pinaka masakit na parte sa lahat.

Makalipas ang ilang minuto ay natagpuan ko ang aking sarili na nakaupo sa isang bus pauwi sa probinsya kung saan ako nag mula. Taglay ko ang kaunting pera na aking itinatabi sa aking pitaka na aking gagamitin bilang pamasahe. Isang paraan na rin ito para ako ay makatakas sa malupit na mundong ito. Alam kong malupit rin doon sa aking ama ngunit mas makakaya ko siguro ang pananakit niya dahil kadugo ko siya. Ang pinaka masakit ay saktan ako ng mga taong hindi ko kaano ano batay sa aking anyo at batay sa mga bagay na hindi nila matanggap sa akin.

Isinandal ko ang aking likuran sa bangkuan at kasabay ng pag andar ng bus ang isang musika na lalong nag paigting sa aking emosyon.

Tomorrow

Avril Lavigne

And I wanna believe you,
When you tell me that it'll be ok,
Ya I try to believe you,
But I don't

When you say that it's gonna be,
It always turns out to be a different way,
I try to believe you,
Not today, today, today, today, today...

[Chorus:]

I don't know how I'll feel,
tomorrow, tomorrow,
I don't know what to say,
tomorrow, tomorrow
Is a different day

It's always been up to you,
It's turning around,
It's up to me,
I'm gonna do what I have to do,
just don't

Gimme a little time,
Leave me alone a little while,
Maybe it's not too late,
not today, today, today, today, today...

Facets (BXB Fantasy Collection)Where stories live. Discover now