Reyna Part 7

1.6K 104 2
                                    

PAUNAWA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Facets

AiTenshi

Feb 13, 2018

*******

STORY 2

Reyna

Unti unting lumapit ang kanyang labi sa aking labi at naramdaman ko na ang init ng kanyang pag hinga kaya naman inilapit ko pa ang aking labi hanggang sa mag dikit ang mga ito.

Nasa ganoong posisyon kami ng bigla mag liwanag ang aking katawan at bumalik ako sa dati, hindi ko napansin ang oras. 12:01 na pala at nawala ang epekto ng bra.

Kumabog ng husto ang aking dibdib lalo na noong makita kong nag balik ako sa pagiging si Fredo na maskulado at 18% na babaihan powers.

Part 7

Nakapikit pa rin si Brad noong mga sandaling iyon kaya naman umatras ako at dumistansiya sa kanya. Bago pa dumilat ang kanyang mga mata ay sakto namang namatay ang ilaw sa buong bar. Ito na ang hudyat para ako ay tumakas at umalis. Sa sobrang landi ko ay hindi ko na pansin ang oras, na wasak na pala ang sumpa at bumalik ako sa pagiging chaka.

Agad akong nag tatakbo palabas ng bar at bago pa sumindi ang liwanag ay natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa labas, sa ilalim ng isang puno kung saan nakita ko si Brad na tumatakbo at hinahanap ako sa piligid. Nag kamot pa ito ng ulo at sumakay sa kanyang sasakyan.

Hindi ko maunawaan ang aking nararamdaman noong mga oras na iyon, malungkot ako dahil agad natapos ang magagandang sandali, pero masaya naman ako habang naka hawak sa aking labi, parang nararamdaman ko pa rin ang lambot ng kanyang labi na dumadampi sa akin. Ibang klase ang pakiramdam na iyon, para bang ang lahat ay huminto at parang naging sarili lamang namin ang mundo.

Halos mag damag akong parang lumulutang sa alapaap habang nakahiga sa aking papag. Paulit ulit sumasagi sa aking isipan ang pang yayari kanina, ni hindi ako dalawin ng antok dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon.

KINABUKASAN..

Nagising ako na may ngiti sa aking mga labi. Kahit sa pag lilinis ng parlor ay talagang parang lumulutang ako sa alapaap. Nagawa ko pang isayaw ang mopler at ang walis na aking hawak na parang isang baliw. "Anong nangyari kay Larry bakit parang naluluha siya?" ang tanong ko kay Betty

"Naawa si Larry sa kalagayan mo, para kasing hinahangin na raw ang utak mo at parang nababaliw kana." wika ni Betty habang nag kukulot ng matanda.

"Masaya lang naman ako at gusto ko lang itong iexpress." ang tugon ko naman.

Facets (BXB Fantasy Collection)Where stories live. Discover now