"Remember bessy, a person is special if he could bring out the sweetness in you no matter how unexpressive you are."napahinto ako sa sinabi nya. Di naman siguro.

---

3 months na nanliligaw sakin si seb okay naman kami pero madalas hindi. Syempre nagkakaasaran parin kami. Imposible na ata yon. Balak ko syang dalawin sa set nya ngayon pero di ko sinabi sa kanya.

"Magandang morning!!!!coffee para sa inyo!!!" Sabi ko pag kabukas na pag kabukas ko ng pinto.

"Buti naman napadalaw ka teh kanina pa di maganda ang umaga ng isang to." Turo ni mama lu kay seb.

"Bakit naman seb?" Tanong ko at tumabi sa kanya.

"Na extend kasi ang oras ng taping kaya ayan wala pang tulog!"napatingin ako sa naka simangot na seb.

"Ganun? Di ka ba masayang makita ako? Akala ko pa naman." Sabi ko sabay pout at yakap sa kanya. Bigla naman itong ngumiti.

"Syempre masaya hinintay ko lang talaga ang hug mo." Inakbayan nya ako.

"Oh! Coffee mo." ^_^

"Thank you angel."

"Ang sweet naman baka maging diabetic kayo nyan" sabi ni mama lu.

"Ito din coffee para sayo mama lu!"inabot ko sa kanya.

"Akala ko nakalimutan mo na ako."

"Ikaw pa ba mama lu!"

"Teka nga, ito bang si seb sinagot mo na gel? Naku mukhang mahina ang manok ko hahaha." Pang aasar ni mama lu

"Hayaan nyo muna mama lu ayoko pa kasi maangkin nya." Tatawa tawang sabi ko.

"hindi ko naman hinangad na mapasaakin ka, ang akin lang sana mapasayo ako." Nakangiting sabi nya sakin.

"Bumanat nanaman ang alaga ko!"sabi ni mama lu

"Dami mong alam seb osha! una na ko dinalaw at dinalhan lang talaga kita ng coffee seb." Hinawakan naman ni seb ang kamay ko para pigilan.

"Wag ka muna umalis matatapos na kami isang scene nalang, sabay na tayo?" Napaisip ako...

"Hmmm"

"Please?" Sabi nya.

"Okay! I'll wait for you!"

Nang natapos na sila inayos na nila olive ang gamit nila.

"Tara na angel." Pag aya ni seb.

Habang naglalakad kami meron akong na spotan.

"Shit! Si James Reid ba itong nakikita ko? Mag salita ka seb! Sya ba? Sya ba?" Sabi ko sa kanya habang naka tingin sa isang tap

"Tss ano naman kung sya?" Nag salubong ang kilay nito.

"Waaaaaaaaahhh!!! Hali ka lapitan natin magpapapicture lang ako! Ang gwapo nya talaga!!!!!"kinikilig kong sabi.

"Mas gwapo pa ako dyn. Bakit sa kanya ganyan ka mag react samantalang sakin noon galit ka pa?"

"Ehhhh matagal ko na syang crush tsaka mabait sya! Tara na seb bilis baka umalis!" Hinihila ko sya pero di sya gunagalaw.

"Edi pumunta ka!"

"Kailangan kasama ka sino ang mag pipicture samin? Tara na seb!!!" Sa wakas nahila ko na sya.

"James! James!!!! Hi!!!! Pwede mag pa picture?" Sigaw ko habang papalapit kami nag smile naman sya agad shit ang pogi!

"Hi bro!" Bati ni james kay seb. Gulat kong tinignan si seb.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko kay seb.

"Nag iisip ka ba?" Iritang sagot ni seb.

"Sungit! Nagtatanong lang malay ko ba. Anyway... Jameeeessss!!! Papicture na! Seb oh picturan mo kami hihihi!" Inabot ko sa kanya ang phone ko. Tumabi ako kay james at "pa hug ha?!" Hihihi ngayon lang ako lalandi! Si seb naman di namaipinta ang mukha pero wala syang nagawa at pinicturan parin kami.

"Thanks james! Alam mo bang super crush kita hihihihi!"

"Welcome. Im flattered that a somelike like you is crushin' on me. What's your name?" :D

"Im angel! I mean gel ihhhhh kinikilig ako."

"Nice to meet you angel, is seb your boyfriend?"

"Ha? Seb? Boyfriend? Hindi no!!! Friends lang kami! Hihihi!"

"Really?"

"Yeah! Pero tayo pwedeng more than friends! Hihihihi!"

"Your funny! But I think you should stop cause sebastian is giving me his dead glare." Tinignan ko si seb at totoo nga. Patay nasobrahan ata ako.

"Ahhh hehe o sige una na kami thanks james!" Kumapit agad ako sa braso ni seb. Di naman sya umangal pero di rin talaga ako pinansin hanggang makarating na kami sa sasakyan nya.

"Seb, diba pagod ka? Deretso na tayo sa house mo para makatulog ka muna tapos pag luluto kita para pag gising mo makakain ka." Walang sagot naka poker face lang ito at focus sa pag ddrive.

"Uyyyuy seb? Galit ka ba?" Niyuyogyog ko ang balikat nya.

"Seeeeeebbbbb! Dahil ba sa kanina? Sorry na..." Naka pout pa ko nyan kaso la effect.

"Sorry na, sorry na, sorry na." Sinusundot sundot ko sya sa tagiliran.

"Stop that!" Inis na sabi nito.

"Di mo naman kasi ako pinapansin eh!!!!bat ka ba kasi nagagalit?"

"Sino ba naman ang di magagalit kung makipag usap ka dun para kang batang kilig na kilig tapos friends lang tayo? Friends?! Oo na! Friends!"

"Eto naman echos lang yon... Minsan lang naman. Sorry na!" Di na ulit sya nag salita hanggang sa makarating kami sa bahay nya ganun parin dumiretso na agad to sa kwarto nya. Magluluto sana ako ng lunch pero naisip kong di na siguro magigising yon kaya di na muna ako nag luto kumain nalang ako ng bread tapos linis-linis ng konte. Bago mag 6 nag handa nako ng dinner tapos nag bake rin ako ng cake nilagyan ko ng word na"SORRY:(". 7pm ng kinatok ko ang pinto ni seb at inaya sya kumain, nagising naman sya agad. Tahimik kaming kumakain ng dinner ganun parin ang mukha sya, after kumain tatayo na sana agad sya pero pinigilan ko sya at madaling kinuha ang cake at nilagay sa harap nya tapos yumakap ako sa likod nya.

"Sorry na kasi seb." Malungkot na sabi ko. Hindi agad sya nag react, hinawakan nito ang kamay na nakayakap sa kanya at inalis lalo ako nalungkot, humarap sya sakin at niyakap ako.

"Okay na." Bulong nya sakin. Gumuhit ang matamis na ngiti saking labi at tinignan sya.

"Talaga?!" Tumango at ngumiti rin sya sakin.

"Pero... Ano ung "Oo" na nakasulat sa ilalim ng sorry?" Nagtatakang tanong nya.

"Yan ang sagot ko sa lagi mong tinatanong sakin." Nanlaki ang mata nito.

"Oo? As in sinasagot mo na ako? As in tayo na?!" o_O

"As in!" ^_^

"Woooooohhhhh yes!!!!thank you angel! I love you!" Niyakap ako nito at tumalon talon.

"Hahahaha ano ba seb kumalma ka nga!"

"Sobrang saya ko lang babe."

"Babe?"

"Oo, babe! Yon na ang tawagan natin okay?"

"Kailangan pa ba yon?"

"Oo naman! Kaya dapat sanayin mo na ang sarili mo." Bigla nya akong hinalikan sa pisngi.

"Hoy sumusobra ka na ha!"

"Eheheheh ito naman si babe syempre girlfriend na kita kaya pwede na kita ikiss diba. Thank you babe! You made me the happiest man!"

"Oo na! Im happy too. Uhm uwi na siguro ako anong oras na rin."

"Okay ihahatid kita gusto ko rin makita si jen."napakunot noo ako.

"Ha? Bakit?"

"Aba! Ibabalita kong sinagot mo na agad! Bilisan mo na babe." Ang excited naman nito parang walang bukas.

NOT your FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon