"Hahahahahahahahahaha" natatawang sabi ni Gladice.

"Bakit ka tumatawa??" Naiirita kong tanong.

"Paano ako maniniwalang bf mo toh eh bakla toh eh" natatawang sabi nya.

"Nagkukunwari lang syang bakla para layuan mo" inis kong sabi sa Gladice na toh.

"At kung bakla nga sya, bakit mo pa sya nilalapitan??" Nakataas kilay kong tanong.

"Ofcourse I love him! Kahit bakla sya mahal ko parin sya!" Inis na sabi nya saakin. Parehas lang tayo Gladice. Nagmahal tayo ng bakla.

"But he doesn't love you! Because HE LOVES ME!!" Matapang kong sabi.

"You--! Ughhh you will pay b*tch! Makikita mo! Maghintay ka lang. Sisiguraduhin kong iiyak ka sa huli" nakangising sabi nya na ikinakaba ko. Alam mo yung ngising may masamang balak plus alam ang nangyayari?? Yung feeling na may ebidensya na sa kung ano... Alam mo yun? Yung itsura na may alas at ipinapakita sa kalaban na mananalo sya hanggang sa huli. Ayyyy nakakaloka!

"Just wait b*tch!!" Sabi nya at umalis na. Nanatili akong nakatayo dito sa tabi ng lalaking toh!

"Girl salamat ahh niligtas moko sa kanya" sabi nya at niyakap ako patalikod. Napangiti ako ng mapait. Kinikilig ako pero bawal kasi di na sya tulad ng dati. Siguro mas kikiligin ako kung lalaki sya. Pero sino bang niloloko ko? Kahit bakla man o lalaki si Sam di naman nagbago yung pagmamahal ko sa kanya eh.

"Ano ka ba! Syempre mahal na mahal kita eh" masiglang sabi ko. Nakita kong namula yung pisngi nya. Bakit kay-----ohhh mayy gassssss anong sinabi ko?! SHET NAMAN! Di ko napigilang ang bibig ko!!

"I-i mean m-mahal kita as a f-friend!" Nakangiting sabi ko. Nakita ko namang napangiti sya. Niyakap nya ako paharap. Sobrang higpit.

"Mahal na mahal din kita Kath" sabi ni Sam na medyo manly. Biglang tumibok ng malakas ang puso ko. Naalala ko ang tawag nya saakin dati. 'Kath'. Sh*ttt naiiyak nakoooooo.

"Just wait please" bulong na sabi nya. Hindi ko naman masyadong narinig. Narinig ko lang is yung please.

"Anong sabi mo??" Taka kong tanong nang kumalas nako sa yakap.

"Wala girl! Sabi ko bumalik na tayo kasi magiistart na yung game nyan! Marami pamong boys sa bandang dun" malanding sabi nya. Hayyssttt di ka na talaga magbabago.

"Hayy halika na nga" sabi ko at nauna na kaso lang hinawakan nya ang kamay ko. Napatingin ako dun atsaka tumingin sa kanya. Bumilis bigla ang puso ko.

"Girl pwede favor??" Sabi nya saakin. Kumurap kurap muna ako. Tumango nalang ang sagot ko.

"Pwede ka bang magpanggap na girlfriend ko para layuan ako ng chakang babaeng yun?" Tanong ni Sam. Napakurap muna ako at tumingin ulit sa kanya. Sobrang saya kong maging FAKE girlfriend nya. Kahit fake atleast mararamdaman ko nyan ang pagmamahal nya.

"B-bakit ako??" Nagtataka kong tanong pero ang totoo sobrang saya ko dahil ako ang pinili nyang maging FAKE girlfriend nya.

"Hello? Syempre ikaw ang nagpakilala duh!" Mataray na sabi nya. Para akong nahulog sa pinakamataas na building. Nahulog lang pala ang hope at heart ko pero di nya sinalo. Nag expect pamo ako na may konting pagtingin sya saakin pero HOPELESS na talaga ang peg ko. Huhuhuhuhu.

"Uhhmmm s-sige" nanginginig kong sabi at ngumiti ng pilit.

"Yehey thanks girl!!" Masiglang sabi nya at pumalakpak pa ng parang bata.

"Alikana baka matapos na yung game!!" Masiglang sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako dun. Para akong nasa isang palabas na nakikipag tanan sa kanya dahil di kami pinapayagan ng mga tao.

Pagkalapit namin. Napansin na kami nila Geyle. Nakaupo sila. Si Geyle ay mukhang dinaanan ng bagyo at si Abi ay parang may rainbow sa langit.

"Yiee anong ginawa nyo??" Tanong ni Abi.

"Wala noh!" Namumulang sabi ko.

"Eh bakit ka nagbablush??" Nakangising tanong ni Geyle.

Geyle's POV

"Eh bakit ka nagbablush??" Nakangising tanong ko. Kitang kong umiwas ng tingin si Kathleen.

"Wala talaga! Teka di pa ba nagsisimula yung game??" Tanong nya saamin.

"Suus nag iiba ng topic~ By the way tapos na po yung game!" Nakangising sabi ko.

"Ano?! Paanong natapos??" Nagtatakang tanong ni Sam.

"Pagkapunta namin patapos na yung game. Teka dapat alam nyo yun diba kasi nauna kayo??" Taka kong tanong.

"Di pa kami nakakapunta kela ma'am nang sumingit yung Gladice na yun kaya di kami nakapunta. Sayang naman" malungkot na sabi nya.

"Tsk" inis kong sabi.

"Oh bakit parang nainis ka Geyle?" Takang tanong ni Kathleen saakin.

"Nagselos kasi" sabi naman ni Abi. Tinampal ko ang bibig nya.

"Selos ka dyan! Hindi noh!" Inis kong sabi. Nanggigigil ako sa lalaking yun! Grrrr para akong papatay ng hayop!

"Ano bang nangyari???" Takang tanong ni Kathleen. Ano nga bang nangyari? Ganito kasi yun...

• Flashback •

"Sama ako!" Sabi ni Abi at sinundan ako. Habang naglalakad kami biglang nagtanong si Abi.

"Sa tingin mo. May pag asa bang maging lalaki pa si Sam??" Tanong nya.

"Bakit mo naman natanong yan??" Tanong ko habang papunta kami kela ma'am.

"Ayaw ko lang kasing masaktan si Kathleen. Remember sya ang may mahinang puso saating tatlo. Madaling masaktan yun" sabi nya naman saakin.

"Nagtataka nga lang ako kasi ang tagal tagal na nating magkakilala. Almost 1 year na pero hindi man lang natin napansin may something pala sa kanila noon" nagtatakang sabi ko.

"Suuuss ikaw lang ang hindi nakakapansin kasi hindi ka naman masyadong nakikipag usap saamin pero nang ikwento mo yung sainyo ni Wane. Naging madaldal at mapamwisit ka na rin" natatawang sabi nya.

"Paano mo napansin??" Tanong ko sa kanya.

"Ay obvious teh! Pati nung mga nakaraang araw! Natatandaan mo yung nagkunwaring matapilok si Sam? Nag alala si Kathleen ng sobranung una. Pero nung nalaman nyang nag inarte pala si Sam. Nainis sya bigla.

"Wala naman akong napansing kakaiba dun eh. Hindi ba tumatawa pa nga si Kathleen nun eh" sabi ko sa kanya.

"Duhhh nung natumba si Sam tayo lang dalawa yung tumawa! Napatulala muna si Kathleen pero napansin kong natahimik sya kaya tinignan ko sya. Nang nakita nya akong nakatingin sa kanya ay tumawa na rin sya" paliwanag nya.

"Kaya diba napansin mong sya yung unang tumulong kay Sam? Nabigatan sya kay Sam diba? Kasi sya ang mas nakabuhat kay Sam. Nag aalala sya nun kaya gusto nyang sya lang ang bumuhat pero tumulong tayo" paliwanag nya pa.

"Ganun b---" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang marinig namin ang emcee na sumisigaw which is si ma'am.

"Nangunguna si Mr. Sandoval at si Ms. Villa" sabi ni ma'am.

"Si Hailey" bulong ko. Pagkasabi ni ma'am nun ay automatikong napatingin ako sa laro nila. Halos umusok ang ilong ko sa nakita ko.

"Oh my! Yan ba yung game?!" Nagulat na tanong ni Abi. Yung game kasi one girl and one boy. Nakatali ang mga kamay nila tapos may isang apple sa gitna nila nakasabit sa bakal sa taas nila. Kailangan nilang maubos yung apple gamit lang sa pagkagat.

Putekkkk bakit gangyan yung game?!

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Where stories live. Discover now