27 - WILLING SACRIFICE

6.4K 229 11
                                    

Chapter 27

WILLING SACRIFICE

Patuloy kong pinanood ang mga imahe sa tubig. Nakita ko ang paghabilin sakin ng Hari at Reyna kay Nanay Alexa nang may isang fairy seer na nagbigay babala sa kanila tungkol sa isang propesiya.

Hindi ko naririnig ang mga pinag-uusapan nila pero malinaw sa isip ko ang mga nangyayari. I know I was merely looking at the water, but it felt as if I've witnessed these events while they were happening which is why I can decipher these moving pictures on the water in my head.

Ang propesiya ay tungkol sa darating na kapahamakan sa Prinsesa dala ng mga itim na diwata. At dun ko napagtagpi ang kinuwento sakin nila Sedric pati ng Prinsipe. Hinahanap ako ng mga itim na diwata para patayin dahil sa paniniwalang ang pagsasakripisyo ng buhay ko ang magdudugtong sa buhay ng Prinsipe. At yun ang dahilan kung bakit lumayas ang Prinsipe. Dahil tutol siya sa balak ng Reyna niya na paslangin ako. I was the one he was protecting all these time and yet, I avoided him like a plague because of a stupid reason. I felt guilty all of a sudden which is why I called the Prince into my dream without thinking it through.

"Sa wakas, nakita ulit kita." Kaagad na niyakap niya ko when he saw me. Sinipat niya ang mukha at buong katawan ko pagkatapos ng ilang sandali. "May nangyari ba sayo? Bakit bigla ka na lang hindi nagparamdam? Pinag-alala mo ko ng sobra." His concern was obvious kaya naman mas lalo akong na-guilty.

Tipid na nginitian ko siya. "Okay lang ako. I unexpectedly got in trouble with someone I don't know, pero nakatakas kaagad kami kaya hindi kami napahamak."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "What trouble are you talking about?"

Hindi ko na inisip na itago pa sa kanya ang nangyari dahil alam kong malapit na malapit na kaming magkita nang personal. Maari ding may maitulong siya samin. He is after all the Prince of the fairy waiting for us outside the apartment. "May dinaanan akong mga kaibigan natin kanina pagkatapos ng klase. Nagtagal ako sa apartment nila ng mahigit isang oras. Nung paalis na ko, may naramdaman kaming ibang presensiya sa labas ng bahay nila. Naramdaman namin na may masamang intensyon ang diwatang naghihintay sa labas kaya tumakas kami."

"Sabi mo, dinalaw mo ang mga kaibigan NATIN. What do you mean by that?"

"I've met some of your fairy friends in the forest of Quezon. They're your childhood friends. Sila Kasumi, Sedric, Lestor at Calisto ang tinutukoy ko. Sinama ko sila dito sa lugar natin."

"I don't get it. Why would someone be after one of you? Why would someone mean you harm?"

Saglit akong natigilan. Minsan ko nang itinanggi sa kanya na ako ang Prinsesa ng mga white fairies kaya ngayon, hindi ko alam kung paano sasabihin na tama ang hinala niya nung una kaming nagkita. Tama siya na ako ang Prinsesang nawawala at yun ang dahilan kung bakit niya ko nararamdaman tuwing gumagamit ako ng kapangyarihan ko at kaya kami nagkikita sa mga panaginip. Our fates were and are interwined. "Uhm, siguro dapat muna na malaman mong ako nga ang Prinsesa na tinutukoy mo noon."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. At malinaw na nakikita ko sa mga mata niya ang takot at pangamba. Napahawak siya sa mga balikat ko. His hands were slightly shaking, but his grip on my shoulders were firm. "Nasa panganib ka. Maaring natunton ka na ng tauhan ng Inang Reyna. Kung alam nilang ikaw ang Prinsesa, dadakpin ka nila at dadalhin sakin para paslangin."

"Bakit kailangan pa nila kong dalhin sayo bago patayin?"

"Because that's what the prophesy said." Binitawan niya ako. tumalikod siya at marahas na sinabunutan ang sarili habang mahinang bumubulong. "It's starting. Nangyayari na ang kinatatakutan ko. I have to think! Kailangan kong pigilan 'to."

Pinanood ko siya saglit sa ginagawa niya bago ako nagtanong. "Can you tell me the whole prophecy? I think there are two prophecies. Ang isa para sayo at isa para sakin."

Nakapikit siya habang nagsasalita. It was as if he was trying to remember by closing his eyes.

"A DARK FAIRY touched by the LIGHT OF THE MOON,

Born powerful yet his fate is doomed.

His life will be cut short on the night he turns eighteen.

Unless the life of the PRINCESS OF LIGHT is sacrificed and claimed before him.

If in his arms she will die,

The reaper of Death will turn a blind eye.

But his kind might not survive the consequence of the war they waged in his name,

A vicious cycle of his life's game."

When he opened his eyes, he looked at me with questions in his gaze so I chanted the prophecy meant for me.

"A FAIRY is born tonight, one who holds the POWER OF LIGHT.

Born from royalty, her life will be in jeopardy.

Some dark fairies will try to bring harm,

Seek her safety with the help of a powerful charm.

For she will be the bridge that will unite,

So two KINGDOMS may cease to fight.

From her task she will be free...

Until the day she takes hold of her HEART'S KEY.

Destiny will pave a way for THEM to meet someday,

A big part in her fate it will play.

With the help of love so true,

She will be awakened to the truth.

A FAIRY with a HEART so pure,

And a fake MORTAL whose LOVE will endure.

Her life HE must protect,

Many troubles they must expect.

His world SHE must learn,

For in it all the answers to life's puzzle she will discern."

Saglit kaming hindi nagsalita. We used that short time to understand the prophecies. It was obvious that it was somehow connected, both of them talking about the two of us.

Naalala ko ang sinabi ko sa kanya noon na hindi ako handang pumatay para iligtas siya. But knowing what I know now, handa kong isakripisyo ang buhay ko kung iyon ang ikabubuti ng mas nakararami.

Naisip ko ang naging buhay naming dalawa. Hindi ko man nakilala ang tunay kong magulang, naging masaya pa rin naman ang childhood ko. Hindi ako kahit kailan nangamba para sa kaligtasan ko because everyone else took care of the threats to my life. I tried to imagine being in the Prince' situation. It feels awful knowing when you will die. And the fact that in order to prolong your life you'd have to sacrifice an innocent? I'd be wracked with guilt, especially kung alam kong may mga handang pumatay para sakin. And I get why he decided to run away from it all.

I realised one thing, he hasn't really lived, while I not only lived but lived happily. Maybe it's now time for him to be given a chance to experience life without a big burden.

"It's time to finally put an end to your suffering. Remember what you promised me before? You said you'll let me do anything and everything when I find you in a month. I hope you'll keep your word..." I said to him before I vanished.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon