31 - A PRINCE IN MOURNING

6.7K 236 20
                                    

Chapter 31

A PRINCE IN MOURNING

(JET'S POV)

Nang binalikan ko si Aya sa inuupuan niya sa bakuran ng bahay nila, hindi ko na siya nadatnan pa dun. Iginala ko ang paningin ko sa paligid pero hindi ko maramdaman ang presensiya niya. Matinding kaba ang bumalot sa buong pagkatao ko, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nangatal ang mga kamay ko kaya nabitawan ko ang baso ng tubig na dala-dala ko. I looked at the shards of glass on the ground, a sure sign of bad luck.

Natauhan lamang ako nang dumating ang mga kaibigan ko kasama ng magulang ni Aya.

"Nasan ang kapatid ko?" Tanong ni Charles. Matagal ko nang alam ang tungkol sa pagkatao niya at kilala niya din kung sino ako dahil nagkaaminan kami nung bata pa lang kami. Kanina nung sinundo niya ko sa tinutuluyan ko, kinuwento niyang nagkita na din sila ng kapatid niya. Masayang-masaya ako para sa kanya dahil alam kong matagal na siyang nasasabik na makita't makasama ang kapatid niyang si Aya.

Hindi ko masagot ang tanong niya dahil kahit ako hindi ko alam kung nasan si Aya kaya may diin niyang inulit ang tanong. "Jet nasan si Aya?"

Napansin kong nag-alala ang nanay at tatay ni Prinsesa kaya pinilit kong magsalita. "Iniwan ko lang siyang nakaupo dito nung pinakuha niya ko ng tubig pero wala na siya pagbalik ko."

Naiyak ang nanay ni Aya sa sagot ko at inalo naman siya ng asawa niya. Napaupo naman si Charles sa bangko at sinapo ang ulo niya.

"Bakit ba ganyan ang reaksyon niyo?!" Galit na sigaw ni Miles samin. "Baka nandito lang siya kaya hanapin na natin siya. Malaki lang 'tong bahay ninyo Tita kaya hindi natin makita si Aya." Pilit na pinatatatag ni Miles ang boses niya kahit na alam kong naiiyak na din siya sa mga nangyayari.

Tumango ang magulang ni Aya sa sinabi ni Miles. Pati ako ay nabuhayan ng loob. Nagkanya-kanya kami sa paghahanap. Pumasok sa loob ang mga magulang niya para tingnan kung nasa loob siya. Kaming tatlo naman nila Miles ay hinalughog ang malaking bakuran nila. Sabay-sabay kaming napahinto nang marinig namin ang palahaw ng iyak mula sa kumpol ng mga puno sa dulo ng hardin.

Tumakbo na ko papunta sa pinanggalingan ng ingay at hindi ko na hinintay pa si Miles at Charles. Narinig kong sumigaw pa si Miles para tawagin sila Tita bago kami sundan. Halos magkasabay lang naming narating ni Charles ang kinaroroonan ng isang itim na diwata na tumataghoy.

Napatigil ako sa pagtakbo nang makita ko ang dahilan ng pag-iyak niya. "Aya?" Pabulong kong sambit habang naglalakad papalapit sa kanila.

Napaluhod ako sa tabi ni Aya nang nakita kong puro dugo ang bandang dibdib niya. Hinawakan ko ang isang kamay niya at marahang hinaplos ang mukha niya. Hindi ko na napigilan ang paghagulgol nang makita ko siya na ngumiti pagkakita sakin. "Sorry. Kasalanan ko lahat 'to. Sorry Aya, sorry." Walang tigil ang paghingi ko ng tawad kasabay ng walang tigil ko ding pagluha.

Nagawa niya pang umiling sa kabila ng sakit na alam kong nararamdaman niya. "Wala kang dapat sisihin dahil kagustuhan ko 'to. May tungkulin ka pa dito sa mundo kaya hindi ka pa pwedeng mamatay. I want you to live happily and fall in love without any worries of impending death. This is meant to be Jet. I was destined to die so you may live. I was born to do something great by saving you. And I don't regret giving up my life for yours." Naghihingalong sabi.

"Nung nakilala kita, nung nagkasama tayo sa mga panaginip natin, masaya na ko nun. Kuntento na ko dun. Aanhin ko pa yung pagkakataon na magmahal kung mawawala naman yung babaeng gusto kong paglaanan ng puso ko? Hindi ka pwedeng mamatay. 'Wag mo kong iwan please." Pag-amin ko sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kelan ako nagsimulang mahulog sa kanya, siguro nung pilit na pinaglalapit niya kami ni Cindy, siguro nung pinaghinalaan ko sila ni Miles na mga diwata nung nasa resort kami, o siguro nung una ko siyang nakita sa panaginip ko. Ang sigurado ko lang, may nararamdaman ako para sa kanya. Nung mga araw na iniiwasan niya kong makasama sa panaginip, dun ko na-realize na may gusto ako sa kanya dahil sa labis na pangungulila ko sa presensiya niya. At hindi ako papayag na hindi mabigyan ng pagkakataong iparamdam sa kanya yun. Matagal na kong hindi gumagamit ng kapangyarihan ko pero nagawa kong ipunin lahat ng positibong enerhiya ko para pagalingin siya.

Nagulat pa ko nang maramdaman kong tumabi sa magkabilang gilid ko si Charles at si Miles.

"Kailangan nating magtulungan para mailigtas ang anak ko." Lumuluhang sabi ng ina-inahan ni Aya samin.

Tumango kami ni Charles at pinatong ang mga kamay namin sa ibabaw ng sugat ni Aya. Si Miles naman ay hinawakan nang mahigpit ang kamay ng kaibigan niya. Sa tulong ng pinagsamang mahika naming apat, nagawa naming paghilumin ang tinamo niyang saksak pero hindi siya kaagad nagising kahit na tuluyang gumaling na yun.

Lumipas ang limang minuto pero hindi pa siya nagkakamalay kaya pinagpasyahan na naming ilipat siya sa kwarto niya. Kinarga ko siya at nagpatiuna na sa paglalakad. Nang malapag ko siya sa kama, mataman kong pinagmasdan ang payapa niyang mukha. "Gumising ka na diyan. 'Wag mong pangarapin maging si Sleeping Beauty o kaya naman si Snow White." Garalgal ang boses na sabi ko sa kanya. "Nakikiusap ako sayo Chandria, hindi mo ko pwedeng iwan. Baka mamatay lang din ako sa lungkot. Mababalewala lang ang pagliligtas mo sakin." Nagsimula na kong humahulgol nang sumagi sa isip ko ang magiging buhay ko na wala siya. Niyakap ko siya nang mahigpit at sinubsob ang mukha ko sa leeg niya.

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nagdadalamhati pero mas lumakas ang hagulgol ko nang maramdaman kong tinugon niya ang mahigpit kong yakap.

"Bakit umiiyak ang Prinsipe ko? Hahayaan ba naman kitang mamatay sa lungkot?" Mahina ang boses na tanong sakin ni Aya.

Niluwagan ko ang yakap ko sa kanya at muling tinitigan ang mukha niya. Maputla pa rin siya at nanghihina pero masaya ako dahil gising na siya.

"Kanina habang nakatingin ako sa mga bitwin, nakita ko ang hinaharap Jet. Natawa nga ako dahil gumana lang ang kapangyarihan ko bilang isang seer kung kailan mamamatay na ko. Pero naguluhan ako sa nakita kong kinabukasan. Kasi nakita ko na matagal pa kitang makakasama. Natanong ko tuloy kung papano mangyayari yun kung mamamatay na ko." Tumingin siya sa kawalan na parang may inaalalang memorya. "Pero sinagot ni Bathala ang tanong ko. Sabi niya magtiwala daw ako sa mga nagmamahal sakin."

Nginitian ko siya nang matamis. "Siguro naman ngayon alam mo na na hindi mo ko dapat kay Cindy nirereto? Dahil ang Prinsipeng nasa harap mo ngayon ay may Prinsesa na. You made me fall for you instead of the damsel Aya. Kaya panagutan mo ang damdamin ko."

Napabungisngis siya sa sinabi ko. Natigil lamang siya sa pagtawa nang gawaran ko siya ng halik sa labi. Naitulak na niya ko bago ko pa palalimin ang halikan namin.

Nanlalaki ang mata niya at halata ang pagkagulat dito. "First kiss ko yun! Para sa mapapangasawa ko dapat yun!" Palahaw niya.

Humalakhak muna ako bago siya sagutin. "Okay lang yun Aya. Sisiguraduhin ko na lang na ako ang groom mo para mabigyang katarungan ang pagnakaw ko sa first kiss mo."

A Fairy's Tale (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon