21 - 2ND CLUE: THE DARK MARK

6.5K 220 10
                                    

Chapter 21

2ND CLUE: THE DARK MARK

"Sa Southmall na lang po kami bababa ni Miles. Nandun po kasi yung sundo namin." Paalam ko sa professors namin.

"Umuwi na kayo kagad ha? 'Wag na kayong maglakwatsa dahil sagutin parin namin 'pag may nangyari sa inyo." Paalala samin ni Sir Jake.

"Opo Sir! Sa bahay po ako nila Miles matutulog ngayon. Nakapagpaalam na naman po ako."

"Sige. Nandito na tayo sa SM. Ingat kayo!"

"Kayo din po. Ba-bye po!"

Bumaba kami ni Miles sa may exit na napag-usapan namin ni Mang Edwin. Buti na lang at sa mismong harap nakaparada ang van kaya nakita kagad namin. Bumaba din si Mang Edwin para pagbuksan kami ng pinto. Sumakay ako sa likod para tumabi kila Sedric. Si Miles naman ay sa tabi ng driver's seat umupo para maituro ang daan papunta sa bahay at apartment nila. Dadaan muna kami sa bahay nila para kumuha ng pagkain at supplies ng mga kaibigan namin.

Walking distance lang ang layo ng tutuluyan nila Sedric sa school namin kaya madali namin silang mapupuntahan 'pag may iba pa silang kailangan.

Nang makarating na kami sa paupahang apartment, sinabi ko kay Miles na samahan na silang apat sa loob habang binibigay ko kay Mang Edwin ang bayad ko sa renta ng van.

Nang umalis si Mang Edwin ay tsaka lang ako pumasok sa bahay. Naabutan ko sila sa kusina na inaayos ang mga pagkaing dala namin. Nang matapos kaming magligpit ay dumiretso kaming lahat sa sala.

Umupo ang apat sa may sahig habang kami ni Miles ay nasa sofa. Marahil ay sanay silang sa lapag umuupo dahil wala namang sofa sa mundo ng mga diwata kaya sinabi namin sa kanila kung para saan ang ilang bagay sa loob ng bahay.

When we finished with the basic tutorial on the use of different things inside the house, I opened the topic about their Prince. We told them about Charles and Jet. I also told them about my dream pero ang sabi ko ay yung diwatang nagligtas kay Sedric ang nanaginip nun. Sinabi ko din na Dria ang pangalan ng diwatang yun.

"Sabi nung diwata sa panaginip ay may marka ang Prinsipe tulad nung kay Dria pero hindi marka ng liwanag. Anong ibig sabihin nun?"

Nakita kong nagtinginan ang apat sa sinabi ko kaya tinanong ko ulit sila. "The four of you know what I'm talking about, don't you?" Pinanliitan ko sila ng mata para udyukin silang magsabi ng totoo.

Mukha namang effective ang ginawa ko dahil marahan silang tumango bago nagsalita ang pinakaseryoso sa kanilang apat na si Calisto. "Maaari mo bang iguhit ang marka ni Dria?"

Kumuha ako ng papel at ballpen mula sa bag at ginamit ko 'yun para i-drawing ang birthmark ko. Inabot ko 'yun sa kanila. "Yan ang marka niya sa may ibabang banda ng likuran niya."

Hiniram naman ni Lestor ang ballpen na ginamit ko at nag-drawing din. Binalik niya sakin ang papel at tiningnan ko 'yun mabuti. "Sa may pusod ang marka ng Prinsipe, hindi sa likod." Sabi niya pa.

"Letter C?" Tanong ni Miles nang makita niya kung ano ang ginuhit ni Lestor.

Tahimik ang apat kaya ako ang sumagot. "I don't think it's a letter C. It's a crescent moon. Dria's mark is the sun and the moon is the Prince'. Day and night. Light and dark."

"Ngayon lang din namin napagtanto na buwan pala ang marka ng Prinsipe. Hindi naman kasi namin masyadong binibigyan yun ng pansin noon. Pero sa sinabi mo, sa tingin ko malaki ang koneksyon ni Dria sa Prinsipe. Baka siya ang susi natin para mahanap ang Prinsipe." Kwento ni Sedric.

"Huwag kayong mag-alala. Hinahanap din ni Dria ang Prinsipe."

"Bakit ba kailangan niya maghanap mag-isa?" Tanong ni Kasumi. "Hindi ba mas matatagalan siya kung mag-isa siya?"

"May mga bagay na hindi ko pwedeng sabihin tungkol kay Dria. Pasensya na pero sana maintindihan niyo." Paliwanag ko.

"Wala naman kaming magagawa kung 'yun talaga ang nais niya. Nagpapasalamat na lang ako na niligtas niya ko at tinutulungan niyo kami." Pahayag ni Sedric. "Hayaan niyo, makakabayad din kami sa lahat ng kabaitan niyo."

"Hindi naman kami nagpapabayad. Masaya kami na nakakatulong kami. Gusto namin tulungan ang Prinsipe niyo, kailangan na natin siyang mahanap kaagad." Sagot ko. "May iba pa ba kayong alam na paraan para makilala siya?"

"Sa ngayon, wala pa. Pero pwede ba naming makilala yung dalawang kaibigan niyo na pinaghihinalaan niyo?" Calisto inquired. "Baka sakaling makilala namin ang Prinsipe sa anyong tao niya."

"Sa totoo lang, naisip na din namin yan kaya naman ay ipapakilala namin kayo sa kanilang dalawa pero it would be our last option dahil baka kayo ang makilala niya at 'pag nangyari 'yun, mas lalo siyang magtatago satin. Isa pa, bago kayo makisalamuha sa ibang tao, kailangan niyo munang baguhin yung pananalita niyo."

Napatango si Miles sa sinabi ko. "Halata kasi na hindi kayo normal kasi masyadong malalim yung tagalog niyo. Siguro sabihin na lang din natin na pinsan ko ang isa sa inyo tapos kaibigan ng pinsan ko yung tatlo." Mungkahi din niya.

"Si Kasumi ang pwedeng pinsan ni Miles since sila yung medyo may pagkakahawig, parehong chinito't chinita. Ang magiging kwento natin ay galing kayong probinsya at naisipan niyong dumalaw. Tapos na ang enrollment kaya hindi na kayo pwede mag-enroll sa school namin at wala din naman tayong malaking pera pang-tuition kaya naman sabihin na lang natin that the four of you decided to take a break from school for a year."

Napaisip ako kung paano sila matututo kaagad kung pano magsalita kagaya ng ibang tao. There isn't a spell for that written in the books of fairies pero I think I can make a spell to suit my needs. It's written in fairy history that powerful fairies used to make spells on the spot. I may not be as powerful as them pero wala namang mawawala kung susubukan ko. I'll start with small spells first before trying on a big one. Susubukan kong gumawa ng spell para sa pananalita nila Sedric. For the meantime, I'll let them watch recent Filipino movies para may ideya sila kung pano magsalita ang mga tao ngayon. "Sa ngayon, matulog na muna kayo. Babalik na lang kami bukas."

Hinatid namin silang apat sa magiging kwarto nila. Dalawa ang kwarto ng apartment pero mas pinili nilang magsama-sama sa iisang kwarto kaya nilipat pa namin yung isang kama. Kung pwede ko lang sana gamitin ang kapangyarihan ko kaso hindi pa 'to ang tamang oras para malaman nila na ako din si Dria.

Nang maging maayos na ang tutulugan nila ay niyaya ko na din si Miles na umuwi sa kanila. Gusto ko nang matulog ulit dahil baka mapanaginipan ko muli ang Prinsipe.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon