15 - MAGIC

6.7K 242 0
                                    

Chapter 15

MAGIC

Ginugol ko ang buong araw ng Thursday at Friday sa pag-aaral ng spell na kailangan kong gawin para matulungan ang mga bago kong kaibigan.

Nang dumating na ang gabi ng Friday, hinintay kong magsipunta sa mga kwarto ang lahat ng mga kasama namin bago ako pumuntang banyo para patulugin silang muli gamit ang mahikang taglay ko. Katulad nung unang ginawa namin 'to, hinintay ko munang katukin ako ni Miles bago ako lumabas ng banyo dahil sa anyong diwata ko.

*Knock knock

Pagbukas ko ng pinto, hindi na kami nakapag-usap pa ni Miles dahil sa pagmamadali.

Kailangan kong matapos ang spell sa loob lamang ng apat hanggang limang oras because the sleeping spell I used might wear off by then. Time is of the essence and we cannot waste it with chitchats, buti na lang naintindihan ni Miles yun kaya hindi na din siya umimik nang mabilis na nilipad ko ang daan papunta sa gubat kung saan ako hinihintay ni Sirius.

Huminto lang ako sa mabilis na paglipad nang marating ko ang teritoryo nila Lestor sa gubat para tawagin sila upang malaman nila na nandito na ko dahil nagtatago sila sa mga puting diwata.

"Kasumi! Lestor! Calisto! Sedric!" Mahinang tawag ko sa kanila.

Napaharap ako sa may bandang kanan ko nang may marinig akong mga kaluskos dun.

Nawala ang kabang bumalot sa dibdib ko nang makita ko ang nakangiting mukha ni Lestor na sumilip mula sa likod ng puno. Sunod-sunod namang lumabas mula sa iba't-ibang halaman ang iba pang tinawag ko.

"Kaibigang diwata ni Sedric! Hindi namin inaasahan na ikaw ang makikipagtagpo samin ngayong gabi. Kasama mo ba si Aya?" Magiliw na sabi ni Lestor habang papalapit sila sa kinatatayuan ko.

Nginitian ko silang lahat bago sagutin ang tanong niya. "Hindi ko na siya pinapunta pa dahil baka hanapin siya ng mga kasama niya sa bahay-bakasyunan."

"Sabi niya samin nung nakaraang araw na isasama niya kami pabalik sa lugar nila pero kailangan muna namin hintayin ang hudyat niya." Seryosong sabi ni Calisto.

"Nasabi na sakin ni Aya ang mga napag-usapan niyo. Kaya nga ako nandito dahil kailangan niyo ko para matupad ang kaisa-isang patakaran niya para sa inyo." Paliwanag ko. "Tutulungan ko kayong magpalit-anyo para malaya na kayong makihalubilo sa mga tao. Importanteng hindi nila malaman na diwata kayo dahil baka ikapahamak niyo yun."

"Handa kaming gawin ang kahit anumang iutos niyo samin ni Aya kung ang kapalit naman nito ay ang tulong niyo sa paghahanap sa Prinsipe." Pagsang-ayon ni Kasumi.

"Kung ganun, simulan na natin ang ritwal."

Pinaupo ko sila sa harap ko at sinimulan ko na ang orasyon na magbibigay sa kanila ng anyo ng nga tao. Katulad ng mahikang ginamit sa akin ni Nanay nung bata ako, mawawala lamang ang anyong tao nila kapag ninais nila at kapag nag-concentrate silang mabuti para palabasin muli ang tunay nilang anyo. Hindi basta-basta mawawala ang mahikang ito dahil isa siya sa mga makapangyarihang spell ng mga fairy godmothers. Iilan lang ang nakakagawa nito sa lahi ng mga fairy godmothers dahil nangangailangan siya ng malakas na kapangyarihan.

Hindi ko maiwasang kabahan dahil unang beses kong gagawin ito pero isinantabi ko ang nararamdaman dahil kakailangin ko ang buong kapangyarihan at konsentrasyon ko para magtagumpay sa mahikang 'to.

"Give me the power to help those in need.

A human's form to wear so as to mislead.

A spell so strong, only free will can break its hold.

Grant it now I humbly ask, use my magic fourfold.

This I ask from thee, as I will so mote it be."

I repeated the chant many times and focused all my powers on my hands that were outstretched towards the four dark fairies sitting in front of me. I felt the familiar tingling of my lowerback, but I ignored it and continued with the spell.

Unti-unting nagliwanag sila Sedric at matapos ng ilang minuto ay nag-iba na ang kanilang anyo.

Tumayo sila nang matapos ko ang ritwal at pinagmasdan ang kanilang sarili.

"Ngayon lang ako nakakita ng kapangyarihan ng mga puting diwata at talaga namang kamangha-mangha ito." Lestor.

"Ngayong malaya na kaming makakalabas ng gubat na 'to, ano na ang susunod nating hakbang?" Tanong ni Calisto.

"Hintayin niyo si Aya dito bukas ng hapon. Ibibigay niya ang mga damit na gagamitin niyo pati na mga pagkain. Ngayong tao na kayo pansamantala, kailangang damit nila ang suotin niyo. Pati mga pagkain nila dapat matutunan niyong kainin. 'Wag kayong mag-alala dahil masarap naman ang mga iyon at masasanay din kayo kalaunan. Ihahatid kayo ni Aya sa isang tao at ang taong yun ang magdadala sa inyo sa kung saan nakatira si Aya. Hahanapan niya kayo ng matitirhan pagdating sa siyudad at siya ang magbibigay sa inyo ng mga kakailanganin niyo para mabuhay sa mundo ng mga tao." Mahabang paliwanag ko sa kanila.

"Hanggang kailan ba ang ganito naming anyo? Paano ang mga kapangyarihan namin? Hindi na ba namin sila magagamit?" Kunot-noong tanong ni Sedric.

"Maaari kayong magbalik-anyo kung gugustuhin niyo pero kailangan niyo munang mag-meditate mabuti. Pwede niyo ding gamitin ang kapangyarihan niyo sa ganyang anyo pero hangga't maaari sana ay iwasan niyo muna dahil baka may makakita na mga tao sa inyo." Pakiusap ko sa kanila. "Si Aya at ang kaibigang babae niya lang na si Miles ang may alam ng tunay na pagkatao niyo. Lahat na ng makakasalamuha niyo ay kailangan niyong magpanggap bilang tao. Kapag may ibang tao sa paligid, mas mainam siguro kung hahayaan niyo na lang si Aya ang makipag-usap sa kanila. Medyo iba kasi ang pananalita natin sa mga tao."

"Malayo ba ang pupuntahan naming lugar bukas?" Usisa ni Lestor.

"Oo, mahigit apat na oras ang magiging biyahe niyo. Sa ngayon, ihanda niyo na lang siguro ang lahat ng mga gamit niyo para madala niyo bukas."

Inabot ko sa kanila ang ilang pagkain na dala ko para sa kanila ngayong gabi at bukas ng umaga. Sinabihan ko silang 'wag na munang mag-anyong diwata hangga't hindi pa sila sanay sa pagpapalit ng anyo. Pinaalala ko din na hintayin bukas si Aya para sa damit at pagkain nila.

"Nawa'y patnubayan kayo ng Bathala sa inyong paglalakbay. Sa muli nating pagkikita mga kaibigan." Paalam ko sa kanila bago ako umalis sa gubat.

Mabilis na tinungo namin ni Sirius ang daan pabalik at medyo nanibago ako sa pagiging tahimik ng aking alaga. Ramdam ko na may malalim siyang iniisip kaya minabuti kong 'wag na muna siyang kausapin. Sigurado naman akong sasabihin din niya sakin kung ano man ang bumabagabag sa kanya.

Bago pa ko makalapit sa bahay ay nagpalit-anyo na ko. Hindi ko sigurado kung gumagana pa hanggang ngayon ang mahikang pampatulog kaya mabuti nang anyong tao na ang gamitin ko para kapag may nakakita sakin.

Naglalakad na kami ni Sirius papalapit sa bahay nang mapansin ko si Miles na nakaupong natutulog sa isang silya malapit sa pinto. Marahil ay napagod ito kahihintay kaya nakatulog na siya. Dahan-dahan ko siyang nilapitan upang gisingin. "Miles gising na. Miles!"

Inalalayan ko siyang tumayo at maglakad nang maalimpungatan siya. Paakyat na kami ng hagdan nang makasalubong namin si Jet.

Mapungay ang kanyang mga mata, halatang bagong gising at wala pa sa ulirat. Nagulat pa siya nang makita niya kami. "San kayo galing? Bakit 'di pa kayo tulog? Kaya pala wala kaming katabi ni Mark sa kama e, nandito lang pala kayo."

"Nagpahangin kasi kami sa labas. Napasarap kwentuhan namin kaya 'di namin namalayan ang oras. Bakit pala nagising ka? Ang himbing na ng tulog niyo kanina ah." Sagot ko sa kanya. Tinulungan na din niya ko sa pag-alalay kay Miles papuntang kwarto namin.

"Ah hindi ko nga din alam bakit ako nagising e. Bigla na lang uminit yung tiyan ko kanina."

"Baka gutom ka. Halika sa kusina. Balak ko din naman gumawa ng mga sandwich para may baon tayo bukas pauwi e." Yaya ko sa kanya pagkatapos kong ayusin si Miles sa kama.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon