19 - TICKING OF THE CLOCK

7.2K 239 18
                                    

Chapter 19

TICKING OF THE CLOCK

"Oh san kayo galing? Nasa kwarto kayo kanina 'di ba?" Nagtatakang tanong ni Charles nang makasalubong namin siya pagpasok namin ng bahay na tinutuluyan namin.

"Ah, ano, galing kami sa labas naghanap ng tindahan kasi magpapa-load sana." Pagsisinungaling ni Miles.

"Pano kaya nakalabas e kanina pa ko nandito at wala namang lumabas diyan sa pinto kanina?" Kunot na kunot na ang noo niya. Marahil iniisip niya kung pano namin nagawa ang isang bagay na imposible para sa kanya.

Some things may be impossible for humans, but not to fairies. We are experts in defying what mere mortals consider as normal. Our very existence is a myth to them, but here I am, a living proof that some legends are real.

"We can tell you. But then we'd have to kill you." Seryoso ngunit pabiro kong sabi sa kanya. Tinapik ko pa nang marahan ang balikat niya habang nilalampasan siya.

Nang medyo makalayo na kami ay narinig pa namin siyang sumigaw. "Ang lakas niyo mang-trip ah."

Sinagot naman siya ni Miles nang pasigaw din. "Peace tayo Charles! Joke lang 'yun. Kakaiba lang talaga sense of humor ni Aya."

Bumaling naman sakin si Miles at tiningnan ako nang masama. "Ikaw! May pagkasadista ka ha! Tinakot mo pa yung kaibigan natin."

Nginisian ko na lang siya. "Para wala nang tanong-tanong."

******

"Bes, pano natin malalaman kung sino sa listahan natin ang nagsasabi ng totoo about sa parents nila?" Pabulong na tanong ni Miles.

We were sitting side by side inside the bus. Nung sumakay kaming magkakaibigan kanina sa bus ay nagawa kong pagtabihin si Jet at Cindy. Pasulyap-sulyap pa ko sa kanila para masigurong nag-uusap sila.

Nang makita ko silang masayang nagkukwentuhan ay bahagya akong napangiwi. I'm one step closer in fulfilling my duty as a fairy godmother to Jet. I should be ecstatic pero may kung ano sakin ang nakakaramdam ng kaba. Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili ko.

"Huy Chandria!" Pinitik ni Miles ang dalawang daliri niya sa tapat ng mukha ko. "Ano nginingiwi-ngiwi mo diyan?"

"Ah wala. Medyo masakit lang ulo ko." Hindi ko masabi sa kanya ang totoo dahil kahit ako hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito ako.

Pinaglapit naman niya ang ulo naming dalawa. May bahid ng pag-aalala ang boses niya nang magsalita siya. "Does it have anything to do with you using your you-know-what in that form?"

"Hindi ko alam. Hindi naman ako nanghina kanina. Baka kulang lang ako sa tulog. Lagi kasi akong puyat nitong nakaraan 'di ba?"

"Ganun ba? Sabihin mo na lang sakin next step ng investigation natin at ako na ang gagawa. Matulog ka na muna diyan." Maawtorididad na sabi niya.

"My plan is to learn what went on in their lives these past years, check if what they told us about their parents is true." I simply told her.

Hindi naman niya naintindihan ang sinabi ko. "How will we do that? Interview them? Isn't that a bit obvious?"

"I'm not planning on talking to them. I was going to stalk them with the help of modern technology. Facebook pa lang malalaman na natin ang pagkatao nila." I explained to her.

"Shems! Oo nga 'no? E 'di ako na ang gagawa nun tutal friend ko na halos lahat ng kaklase natin. Matulog ka na at ipahinga mo ang katawang lupa mo." Seryoso niyang sabi.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon