7 - THE MARK OF LIGHT

8.4K 270 8
                                    

Chapter 7

THE MARK OF LIGHT

Six p.m. na natapos ang pinapanood naming movie. Tinulungan naman nila muna akong magligpit ng sala bago sila umuwi.

At dahil nalaman kong magkalapit yung bahay ni Jet at Cindy, nakaisip na naman ako ng very bright idea!

"Oi Jet, hatid mo si Cindy sa kanila ha? Delikado kung mag-isa lang siya uuwi. Kagandang dilag pa naman nitong si Cindy." Pabiro kong sabi.

"Ha? Oo, sige. Cindy hatid nakita sa inyo ha? On the way naman samin e."

Pinigilan kong matawa sa itsura ni Jet. Sobrang pula kasi ng mukha niya. Hindi ko alam kung nagbu-blush siya dahil sa hiya o dahil sa kilig. Mission accomplished!

Si Mark at Charles naman yung sunod kong kinausap. "Oh kayong dalawa naman, sino sa inyo gustong maghatid sa bestfriend ko? Takaw-holdap yang babaeng yan kaya hindi pwedeng mag-ala Dora the Explorer siya sa gabi. Sino ba sa inyo ang magpi-prisintang Boots niya?"

Wala pa kasi sila Tatay kaya walang maghahatid kay Miles pauwi. Hindi ko kasi talaga siya pinapauwi mag-isa kasi takaw disgrasya yan. Masyado kasing mukhang mabait kaya hindi pinapalagpas ng mga snatcher o holdapper.

"Ako! Ako na maghahatid kay Dora este Miles." Nakataas pa yung kamay ni Mark na parang magre-recite lang sa classroom.

"Sa bagay Mark, medyo hawig mo nga si Boots." Inasar ni Miles si Mark.

Hmmm, may something sa dalawang 'to ha. Tuwing nagkukulitan sila e parang sila lang yung magkasama, parang may sariling mundo. Mukhang magkaka-lovelife na ang bestfriend ko ha but judging by both their personalities, they don't need my help as a matchmaker.

Napatingin ako bigla sa likod ko nung naramdaman kong may kumalabit sakin.

"Ikaw ba si Cupid?" Tanong sakin ni Charles.

"Hindi 'no. Gusto ko lang siguraduhin na ligtas makakauwi sila Cindy."

Totoo naman yung sinabi ko 'di ba? Hindi ako si Cupid, angel kaya yun. I'm a fairy kaya.

"Kunwari ka pa diyan. Alam ko namag gusto mo lang magkalapit si Jet at Cindy e. Kanina ko pa napapansin na lagi mo sila pina-partner e."

Hindi ko maintindihan pero parang malungkot si Charles. Nakangiti siya pero yung aura niya hindi masaya. May problema ba siya?

"Alam mo yung kaibigan mo kasi napaka-torpe. Matagal na siyang may gusto kay Cindy 'di ba? Pero hanggang ngayon hindi pa siya nagtatapat. Medyo tinutulungan ko lang siya. Konting push lang." Sabi ko.

"Mahirap kasi saming mga lalaki ang magtapat lalo na kapag hindi kami sigurado kung tatanggapin ba yung nararamdaman namin. Masakit kaya ma-reject."

Hashtag HugotPaMore. Kaya siguro siya malungkot, may pinagdadaan siguro 'tong si Charles. Mukhang tinutukoy niya ang sarili niya e. Magkaibigan nga sila ni Jet, parehong torpe.

"Sino ba yang babae na sinasabi mo? Sabihin mo lang sakin, malay mo matulungan kita." Siniko ko pa siya sa tagiliran sabay taas-baba ng dalawang kilay at nakakalokong ngiti.

Natawa naman siya sakin. Ginulo niya yung buhok ko at kinurot ako sa pisngi. "Ikaw Aya ha, lumalabas na yung tinatago mong kulit. Akala ko pa naman tahimik ka, yun pala palabiro ka din."

"Pinapatawa lang kita. Mukha kasing heartbroken ka e."

"Hindi naman heartbroken. Naiinggit lang ng konti kay Jet. Konti lang naman, pero masaya ako para sa kanya. Sige, mauna na kong umuwi ha?" Kinuha na niya yung bag niya.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon