32 - ABSOLUTION & RESOLUTION

7.8K 236 10
                                    

Chapter 32

ABSOLUTION AND RESOLUTION

(JET'S POV)

Nagulat kaming pareho ni Aya nang may magsalita mula sa bandang pintuan ng kwarto niya.

"Hoy Jethro! Kaibigan kita pero hindi ako papayag na lapastanganin mo ang labi ng kapatid ko. Tsktsk!" Masungit na sabi ni Charles.

Namula kaming pareho sa sinabi niya. Sa totoo lang, nawala sa isip ko na may ibang kasama pa kami dito sa bahay. Nakalimutan ko na din ang tungkol sa itim na diwata na umiiyak kanina sa tabi ni Aya pero ngayong nakita ko siya ulit katabi ni Charles at napansin kong titig na titig siya kay Aya, nanumbalik sakin ang takot at galit na naramdaman ko nang nakita kong duguang nakahiga sa damuhan si Aya kaya hindi ko napigilan ang sarili kong sugurin siya.

"Ano pang ginagawa mo dito?! Ang kapal ng mukha mong magpakita pa pagkatapos ng ginawa mo kay Aya." Gigil na gigil na sabi ko sa kanya habang hawak ko siya sa leeg.

Pinigilan ako ni Charles sa pagsakal sa kanya pero hindi ako nagpaawat. "Jet nagpaliwanag na siya. Nagsisisi din siya sa ginawa niya. Huminahon ka nga."

Hindi ko alam kung bakit pero nung naramdaman ko sa tabi ko si Aya at nung hinawakan niya ang kamay ko, biglang humupa ang galit sa dibdib ko. "Wala siyang kasalanan Jet. Sinunod niya lang kanina ang kahilingan ko." Paliwanag ni Aya habang hinahatak ang kamay ko mula sa pagkakasakal sa itim na diwata.

Dahan-dahan kong hinarap si Aya at siya naman ang tiningnan nang masama. "Bakit ba kasi kailangan mong gawin 'yun ha?! Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko. Paano kung nahuli kami ng dating? Pano kung hindi ka namin nailigtas?"

"I have faith in you. I knew you'd find me in time. May tiwala din ako kay Bathala. And my faith was much bigger and more encompassing than my doubts." She confidently answered.

Hinarap niya ang nilalang na nanakit sa kanya at ikinagulat ko ang pagyakap niya dito. Aaminin ko ding nakaramdam ako ng selos kaya agad ko silang pinaghiwalay.

Kinausap naman ng itim na diwata si Aya. "Ikinagagalak ko na nasa mabuti kang kalagayan Prinsesa." He knelt on one knee in front of my Princess and bowed his head. "May you accept my loyalty Princess. I am Eman of the dark fairies, at your service."

Inalalayan siya patayo ni Aya.

Kailangan ba talaga nilang maghawak-kamay?!

"You don't have to swear fealty to me Eman." Napahinto siya sa pagsasalita. "Teka, katukayo mo yung nagbigay sakin ng breakfast ha." May bakas ng pagtataka sa mukha niya habang mataman niyang tinititian si Eman.

Ngumiti naman at nagpa-cute sa kanya ang diwata. "Ang talas talaga ng memorya niyo Prinsesa. Ako nga po ang ka-eskwela niyong si Eiman."

Hinarangan ko ng palad ko ang mukha niya para matigil na siya sa pagpapa-cute niya. "Kinikilabutan ako sa pagngiti-ngiti mo Eman. 'Wag kang nagpapa-cute sa Prinsesa ko."

"Tumigil ka nga Jet. Although, it's cute na nagseselos ka pero wala sa lugar e." Sabi niya sakin bago niya tanungin si Eman. "Gusto kong malaman kung pano ako nahanap ni Eman. How did he manage to see through Nanay's powers?"

"Galing po ako sa makapangyarihang angkan ng diwata na naglahad ng propesiya ninyong dalawa. Sa katunayan ay anak niya ako. In a way, the three of us are connected through my mother. I knew where the dark Prince was all along. And I also knew, sooner or later, destiny will make sure your paths cross. All I had to do was wait. At nung araw na una kitang nakitang kasama ang Prinsipe, naramdaman ko na kaagad na ikaw ang hinahanap ko. I grew up knowing I was the one who was supposed to perform the sacrifice kaya naman pinalaki akong may galit sayo para hindi ako mahirapang gawin ang dapat kong gawin."

A Fairy's Tale (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon